CHAPTER 2

28.5K 445 10
                                    

Charlotte's POV

Nagulat ako. Kamay ng ibang babae ang hawak hawak ko.

Napatitig ako sa mukha niya. Nagtatanong ang mga mata niya at halatang shocked rin sa nangyari. Pero mabilis siyang nakabawi at kitang kita ko ang ngiting unti-unting puminta sa kanyang labi.

Ngiting unti unting naging mahinang pagtawa. Sa umpisa alam kong nagpipipigil pa siya pero hindi na siguro niya nacontrol ang sarili niya.

Bumulalas na siya sa pagtawa.

Bumitaw siya sa kamay ko at tinakpan ang bibig niya ng kanyang kamay.

Baliw ata ang isang to.

"Sorry miss pero bakit mo ako dinala dito?" tawa pa rin siya ng tawa.

"May masama kang balak sa akin no?" dugtong pa niya. Napapaupo na xa sa kakatawa.

Tinitignan ko lang siya. I was so amused by the way she laugh to the point na nakalimutan kong naiihi na pala ako. I can stare at her all day.

Napansin kong tumigil na siya sa pagtawa at sinalubong ang tingin ko. Sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin, madali kong nakompirma na hindi siya freshman.

She's confident and territorial.

Ako na ang unang nagbaba ng tingin. Iniwan ko muna saglit yung babae at pumasok s cubicle dahil kanina pa talaga ako naiihi.

Pag labas ko wala na siya.

Naglakad na ko papuntang room. Alam kong late na ko pero no choice kesa naman umabsent ako sa first subject.

Habang naglalakad hindi ko mapigilang mapangiti.

Parang tanga lang ako kanina. Pero somehow nakahinga ako ng maluwag nung wala na siya paglabas ko ng cubicle. Hindi ko na kailangang magexplain. Sigurado rin akong sa sobrang laki ng campus imposibleng makasalubong ko siya ulit.

It's not really hard to admit na maganda yung isang yon. Such a waste kung hindi ko na ulit siya makikita. Napailing ako at bimuntong hininga.

Hindi siya mawala sa isip ko.

Sa totoo lang apaw na apaw yung sex appeal niya mula ulo hanggang paa with loopings pa.

She's wearing a maong shorts na hindi naman gaanong kaiksian. Sakto lang para maexpose ang kanyang legs at binti na perfect na perfect talaga.

3/4 polo na medyo maluwag ang suot niang damit at may nakasukbit na backpack. Bagay na bagay siguro sa kanya kahit anong isuot niya.

Nakarating na ko sa building namin. Hinanap ko ang elevator dahil sa 5th floor pa ang room namin. Ayos solo ko lang.

But it stopped sa second floor palang. Pag bukas ng elevator wala namang tao sa labas kaya pinindot ko nalang ulit ang close button.

Papasara na sana ang elevator ng bigla ulit itong bumukas. Asar naman. Bakit hindi sumakay kung sasakay.

"Wait! Wait!" wika ng isang tinig na alam kong nagmamadaling lumapit sa elevator. Wala aking choice kung hindi hintayin siya.

"UP?" nagulat nalang ako nung bumungad sa pintuan ang babaeng kakakita ko palang kanina.

Jamaica's POV

Buti nalang konti lang tao dito sa canteen. Di pa ko nagbreakfast kaninang umaga dahil late nako nagising. Ako lang ata ang hindi excited sa first day of school.

Bumili ako ng sandwich at orange juice at kumain habang naglalakad papuntang room. Sana'y na ako sa ganun.

Narating ko ang elevator at hirap na pinindot ang up button dahil hawak ko ang juice sa kanang kamay at ang tinapay sa kaliwa.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon