26

20.6K 361 112
                                    

BABALA: Napakaiksi lang po ng chapter na to :(

"Hi Jam! Surprised?" sabi ng lalaking di ko inaasahang makikita ko ngayon.

"Stephen?" Nginitian lang niya ko.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sabay hatak sa tenga niya.

"Wag mo kong matawag-tawag na Jam, wala ka talagang galang!"

"Aray! Ate! Masakit. Stop.Please." binitawan ko din tenga niya kasi parang iiyak na siya.

"Anung masamang hangin ang nagdala sayo dito?"

"Ayaw ko na sa Canada Ja.." Nakabusangot yung mukhang sabi niya. Hindi bagay sa kanya.

"Bakit? At bakit hindi ka man lang nagsabi? Anong palagay mo sa bahay ko hotel na kahit anong oras mong gustuhinng magcheck-in ayos lang?"

"Ang sungit mo pa din! Pakiramdam ko tuloy hindi mo ko namiss.."

"Hindi talaga." sabi ko naman. Sumimangot lalo siya.

Hindi ko naman kasi talga inaasahan ang biglaan niyang pagdating. At yung mga dalahin niya, parang wala na ata siyang  balak bumalik sa Canada.

Wag naman sana. Wala akong balak mag-alaga ng makulit na kapatid.

Iniwan niya ko at pumasok na siya sa bahay. Naalala ko si Charlie!

"Steep!" tawag ko sa kanya. Pero huli na dahil nakapasok na siya.

"Ja bat ba walang ilaw yung bahay mo? Masyado kang nagtitipid sa kuryente." Napahinto nalang ako ng biglang bumukas na yung ilaw.

"Wow..." Yung itsura niya parang namesmerized. Napalingon ako sa kung saan siya nakatingin.

Ayun si Charlie bagsak na naman sa sofa. Ang cute niya lang.

"Ja sino siya?" tanong ni Stephen. Nkakita ko na palapit siya kay Charlie.

"Stephen stop! Jan ka lang wag kang magkakamaling lumapit sa kanya kung ayaw mong matulog sa labas."

Huminto naman siya pero binigyan ako ng what-the-heck look.

"Akyat ka na sa taas. Bukas maguusap tayo." utos ko a kanya.

"Tell me her name first." aba't siya pang may ganang magbigay ng kondisyones ah.

"Stephen isa!"

"Eto na aakyat na! I hate you! Mas masungit ka pa kay Mama." sabi niya habang lumakad paputang hagdanan.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon