cute tayo eh! ^_^

17.1K 327 116
                                    

Paano kung bigla nalang mawala yung taong inakala mong palagi lang nandyan para sayo?

Yung taong labis labis ang ibinigay na pag mamahal at paginitindi sayo.

Paano kung mas pinili ng taong yun na kalimutan ka nalang? 

Nagising ka nalang isang araw na yung taong nakilala mo noon, ay malayo na sa taong kaharap mo ngayon.

Dahil  sa isang pangyayari ikaw din mismo ang may kasalanan, yung space sa puso niya na alam mong para sayo lang ay napalitan na ng iba. At wala ka na, maging sa alaala niya.

"I'm afraid your friend is now experiencing a temporary loss of memories."

"Ano ho? Amnesia ho ba doc?? Pero bakit naaalala niya naman ako? Tapos kanina hinahanap niya yung Mom niya." sunod sunod na tanong ni Maggie sa kausap niyang doctor.

"Yes, it's more of Dissociative amnesia. Hindi natin masasabi kung ano yung mga nawalang memories sa kanya o kung sino lang yung mga taong maaalala niya."

Hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi ni Doc pero isa lang yung alam ko. Naaawa ako kay Bespren at nagaalala ako sa mga pwede pang mangyari.

"Doc dahil ba to sa injury niya sa ulo?"

"Wala tayong dapat ikabahala sa sugat niya sa ulo. Mild lang yun. mAy konting bleeding but that will heal eventually."

"Ho? Pero bakit hindi siya makaalala?" Ang alam ko kasi kaya nagkaka amnesia dahil nabagok yung ulo. Ang alam ko nga sa palabas lang uso yun e. >.<

"It's because she was now traumatized. Before that accident meron sigurong nangyari sa kanya na nagbigay ng sobrang stress. Pwede ding nasaktan siya ng sobra emotionally and as a defense mechanism her mind chooses  to forget rather than deal with it."

"Pero Doc apektado ba yung personality nia dahil sa nangyari?" usisa ko kay Doc. Si bespren kasi parang wala sa sarili. Parang isip bata. Parang wala siyang npinagdadaanan.

Napansin kong ngumiti si Doc.

"Yes, its either she will create a new personality or babalik siya sa time kung saan wala siyang pinoproblema o walang mga taong nananakit sa kanya. But I think she is now behaving like a second year high school student."

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon