11

20.7K 358 5
                                    

JAM

Natapos na din ang klase ko sa wakas. Sulit na sulit ang pasok ko ah. Ang masarap lang ay walang plate na gagawin. Yahuuuuu!!!

Kinuha ko ang fone ko at tinawagan ang taong sobrang miss na miss ko na.

“Hello Labs! Yung gamit ko andyan pa. Punta ko diyan ah..”

“Okay.” Sabi naman ng nasa kabilang linya.

Binaba ko na agad agad ang tawag. Baka magbago pa isip niya e. Hahaha hindi ko dala ang motor ko dahil nakapalda ako kaya ngcommute lang ako papuntang condo niya.

Tok tok tok.

Pinagbukas naman niya ko ng pinto. Papasok na sana ako pero nakaharang pa din siya sa pinto. Hawak na niya pala mga gamit ko at inabot niya to skin.

“o ayan na. Uwi na baka gabihin ka pa.”

Walangya talaga tong mokong na to. Andamot. Di man lang ako papasukin. Hmp

“Charlie nauuhaw ako..”  sabi ko para papasukin niya ko.

“Wala pang tubig dito nagpadeliver pa ko.” Andamot damot damot niya talaga

“Charlie siguro may tinatago kang babae diyan sa condo mo noh kaya ayaw mo kong papasukin.” Aasarin ko na lang siya tutal madamot naman siya.

Ansama ng tingin niya sakin. Isasara na niya dapat yung pinto pero naiharang ko ang isang paa ko sa siwang kaya nagalangan siyang tuluyang isara yun. Natakot atang maipit ako. Hehehe

“Oi Jamaica anung ginagawa mo?”  pakaJamaica naman siya. Para san pa ang nickname kung hindi gagamitin. Hmp!

“Charlotte papasukin mo na ko please ihing ihi na ko.” Sabi ko sa kanya kahit hindi naman talaga.

“Jam nga, may CR dun sa may labas. Hindi pwede sa banyo ko kakalinis ko lang bawal ang gamitin.”  Anu daw? Nagawa ko ng maipasok yung ulo ko sa may pintuan. Kita kong nakakunot na noo niya. Nakukulitan na ata sa kin.

Tumingin ako sa kanya. Napabuntong hininga ako at saka napanguso.

“Please Charlie, miss lang kita kaya gusto kita makasama kahit saglit.”  Iniiwas ko na yung tingin ko sa kanya. Nahihiya ako.

“Pag bilang kong tatatlo at hindi ka pa umalis, hindi ka na talaga makakauwi sa inyo at alam mo na ang mangyayari.”

Bigla akong napatingin sa kanya at napalunok. Halos magkadikit lang mga mukha namin.

“isa..” simulang bilang niya.

Anung gagawin ko? Alis na kaya ako hehehe

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon