Chapter 37

13K 356 76
                                    

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Ano namang ginagawa ko dito? Nananaginip ba ako? Iginala ko ang mata ko sa paligid pero wala ni isang tao akong nakita.


Ipinikit ko nalang muli ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Yung amoy ng kwarto nato, yung lambot ng kamang hinihigaan ko, yung katahimikan ng lugar, bakit kahit lumipas ang mahigit na apat na taon wala akong naramdaman ni konting pagbabago?


Para akong bumalik sa panahon na magkasama kami ni Charlie at masaya. Para sa akin, eto ang langit ko dito sa lupa.


Inisip ko kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang.. Sa parking.


Bigla kong natapik ang noo ko. Nakakahiya naman kung si Charlotte pa ang nagbuhat sa akin hanggang dito. At saka, hindi dapat ako nandito. Baka mamaya maabutan ako dito ni Giesel. Baka sabihin niya nilalandi ko si Charlotte.


Napabalikwas ako ng bangon sa isiping yon. Nun ko lang napansin na may swero palang nakakabit sa akin.


"Anong ginagawa mo? Mahiga ka nga lang jan." Napatigil ako nung makita si Charlie. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya.


"Ano kasi, uuwi na ko gabi na." Tumingin ako sa relo ko pero napabawi rin. Nawala sa isip ko na wala na nga pala akong suot suot na relo mula pa nung sunday.


"Sorry kung dito kita nadala. Nalimutan ko na kasi yung papunta sa inyo." sabi niya na hindi tumitingin sa akin.


"Okay lang. Salamat nga pala kanina. Pati na rin kahapon. Pero kailangan ko na din kasing umuwi."


"No. Dito ka na muna hanggang sa maging okay ang pakiramdam mo. Wala namang magaalaga sa'yo dun."


"Bakit dito aalagaan mo ba ko?"


"I'll try." gusto kong ngumiti pero pinigilan ko. Aarte pa ba ko?


"Okay kung yan ang gusto mo." kibit balikat ko kahit na deep inside masayang masaya ako.


"CR muna ko." tumayo ako kahit na ambigat pa rin ng pakiramdam ko.


"Kaya ko na." nakangiting sabi ko nung akmang lalapit sana siya.


Babalik si Doc dito bukas para tanggalin na yan." yung dextrose na hila hila ko ang tinutukoy niya. Nun ko lang din pala napansin na nakapajama na ako dahil natatapakan ko ang lalaylayan nito.


Lumapit siya sa akin. Naupo sa harap ko at itinupi ang laylayan ng pajama. Sweet.


"Sorry nga pala pinalitan ko na din yung jeans na suot mo kanina para komportable ka."


"Whaaaaattt?" jusko parang gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko.


"OA mo."


"Bakit mo ginawa yun? Sana ginising mo nalang ako!"

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon