CHAPTER 3

24.1K 443 12
                                    

Jamaica's POV

Hala bakit andito tong babaeng to?  Nakaramdam ako ng kakaibang saya. Parang bumalik yung naubos na energy ko kanina sa laban.

Ngitian ko siya. Halatang nagulat din sya.

First and last na kita ko sa kanya nung first day of school. So CE pala siya, nice! Sayang at di ko siya nakikita sa building. Kunsabagay bihira lang ako pumasok.

Pumupunta lang akong school kapag nagsusubmit ng mga plates. Puro plate lang kasi kami ngayon dahil pang 3rdyr ko na at sa bahay ko na ginagawa yun.

DAhil sports fest pahinga muna ko sa plates at mageenjoy.

Nakita ko siyang tumalikod at kinuha yung racket niya sa bag na nasa bench sa side nila. Hmmmm charlotte pala pangalan niya.

Kinuha ko na din yung racket ko at lumapit na kami papuntang table dahil mag start na daw.

Nauna kami sa table dahil parang nagusap pa sila ng kadoubles niya. Kita kong lumakad na siya papunta sa opposite side namin. Nakangiti ako habang papalapit siya.

Sinalubong niya na ngayon ung tingin ko. Wow! confident ah. Kaso bakit hindi ka pa din ngumingiti?

Siya ang unang nagserve. Inihagis niya ang bola papunta samin. Tinira naman yun pabalik ng kadoubles ko. Isang mahabang rally sa umpisa pa lang ng game. Pero pumuntos kami ng nagsmash ako at hindi niya nahabol ang bola.

Parang relax pa din siya. Wala talaga akong mabasa sa mukha niya. Natapos ang first set na sobrang dikit ng laban. Panalo kami.

Nakabawi sila sa next 2 sets. Ang galing niya. Kaya naman pala relax na relax lang siya. Consistent ang poker face ah.

4th set. Loko yung kasama niya, anlakas magsmash minsan hindi raketa ko yung napangsasalo ko kundi katawan ko na. Ansakit nun ah. Parang nananadya. Seryoso na nga.

Para kasing ngayon wala akong pakealam kung manalo o matalo. Parang ang saya ko pag nakikita ko si Charlotte. Ewan ko pero natutuwa ako sa ayos at mukha niya. Parang ang baby pa kasi. Yung walang muwang sa mundo.

Focus na ko sa game. Kuha namin ang 4th set

Last set.

Lahat kami pawisan na. Pero bakit parang ang fresh fresh pa din ng itsura ni Charlotte kahit pawis pawis na mukha niya. Basa na din buhok nia sa pawis at may mangilan ngilang bangs na nalaglag na sa mukha nia.

Ang ganda at ang cool nia.

For the first time, humanga ako sa kapwa ko babae.

Napangiti ako at nagshort serve.

Match point na nila. Wala ka madidinig kundi yung tunog ng ping pong ball na palipat lipat sa magkabilang side. Nagmash yung kakampi ko. Alam kong impossible ng mahabol un ni Charlotte pero nagulat ako nung tinalon niya talaga yung bola at tinira pabalik.

Kung tutuusin kaya ko pang tirahin pabalik yun pero automatic na tumakbo ang mga paa ko papunta sa kanya. Bagsak siya patagilid sa sahig.

Ilang segundo lang andun na ko nakatayo sa harap niya.

"Charlie?" ewan ko pero iyon yung lumabas sa bibig ko. Inabot ko yung kamay ko sa kaniya. Pero tumayo siya magisa kahit halatang masakit katawan niya. Hinaplos haplos niya yung brasong tumama kanina.

"Okay ka lng ba?' nagaalala ako sa totoo lang.

Tumango lang siya at ngumiti. Napangiti din ako. Parang naoverwhelmed yung heart ko nung nakita ko siyang ngumiti.

"Bespren!! Anung ngyari sayo? Hindi ko alam magaling ka pala manghuli ng palaka" O bestfriend niya pala ang ka doubles niya. No wonder ang galing ng team work nila. Kahit na iniinis nung isa si Charlie halatang nagaalala siya. Tinulungan niyang itong magpagpag ng damit.

Tapos na ang game at panalo sila. Wala naman akong naramdamang bitterness. Sa katunayan masaya ako sa naging laban.

"Thanks sa game mga ate" nakangiting sabi ni maggie at nakipagshake hands sa kakampi ko at sa akin.

"Thanks din," sabi namin.

"Thank you." narinig kong sabi ni Charlie at nakipagkamay din sa kakampi ko at ngumiti. Lumapit naman siya sa akin at iniabot ang kamay nia.

"Thanks." sabi nia. Saka ako nginitian.

Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niya at parang nahihigit ang hininga ko. Iniabot ko din yung kamay ko at naglapat ang mga palad namin. Hmm anlambot. Parang mas masarap tong hawakan kaysa sa raketa. It's the same hand na humatak sa akin papunta sa cr. Naalala ko na naman.

Bibitaw na sana siya at akmang aalis na pero hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at hinila siya palapit sa akin. Niyakap ko siya at bumulong sa kanya.

"Congrats Charlie." nakangiti ako nung sinabi yon. Ansarap at ang saya ng pakiramdam ko.

Bumitaw na ko sa pagkayakap at nakita kong namumula ang mukha nia. Cute.

Pinisil ko ang pisngi niya at saka nagpaalam na. "Bye bye Charlie and Maggie." nagwave ako at lumabas na.

Charlotte's POV

Sa totoo lang nanginginig ako ngayon. Bat kaya ang kulit kulit niya. At sino nagbigay ng permiso sa kanya na yakapin ako?

I was caught off guard nung hinigit niya ako papalapit sa kanya. Parang tumigil yung mundo. OA pero parang ganun talaga. Yung amoy niyang hindi ko malimut-limutan nung first day, naamoy ko na naman ulit. Ang bango kahit pawisan na.

I can't help but wonder kung bakit kailangan ko pa siyang makita ulit.

Pero di ko maitanggi na sa bawat araw na dumaan mula nung una ko siyang makita, may mallit na part sa pagkatao ko na umaasang makita siya ulit.

Hindi naman ako madaling maattract sa mga babae. Madami naman akong nakilalang magaganda at sexy pero bakit sa kanya hindi lang basta bastang attraction yung nararamdaman ko?

Somehow, somewhere i feel like we're connected.

"Charlie pala ah!" nagulat ako kay Maggie. Hila-hila niya yung tenga ko.

"A-aray naman! sakit Maggie bitawan mo ko please."

"May yakapan portion pa kayo ha, bat di mo sinabi na close kayo ni ate ganda." halatang naiinis siya. Feeling nia siguro ala siyang kaalam alam sa nangyayari.

"Hindi naman kami close. Once ko lang siya nakita, nung first day of school. At saka hindi ko naman alam na yayakap siya." sabi ko habang haplos haplos yung tenga ko na sa wakas ay binitawan niya rin.

"OMG! Bespren! bakit ka namumula? Type mo siy? Waaaaaaa" pinaghahampas niya ko sa sobrang excitement siguro.

"Abnormal ka ba Maggie? Panong hindi ako mamumula e hinila hila mo yung tenga ko!." sabi ko na lang. Naalala ko na naman kasi yung yakap nia.

"Ganun? hahahahaha! Sorry ka shar, basang basa kita. Lokohin mo na lahat wag lang ang maganda mong Bestfriend." tsssss nagmayabang na naman siya

"8 years. bawat paglunok mo pag nakakakita ka ng sexyng chix alam ko. Tahimik ka pero hindi ka torpe. Seryoso ka pero pagdating sa akin at sa ibang taong gusto mo (which is madalang na mdalang mangyari) ngumingiti ka."

"At hindi uso sayo ang magblush. Namumula ka lang kapag sobrang natatawa ka sakin at kapag kinikilig ka. So, wala namang nakakatawa ngayon maliban nalang nung ngdive ka pero kanina pa yun. kaya kinikilig ka!" kitang kita ko mukha niya. Parang panalong panalo.

"Bravo, bravo!" sabi ko sabay palakpak habang pailing iling pa.

"At dahil jan etong sayo.." ibinato ko sa kanya yung towel kong basang basa ng pawis ko sabay takbo

"Shar!!!! Walangya ka! Salaula ka! yuck! Wag ka papahuli ikakaskas ko sa mukha mo yung medjas ko!"

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon