Author's Note

8.3K 262 45
                                    

Salamat sa votes, comments and messages. Kung alam niyo lang how much I treasure each of them. Sobrang saya sa pakiramdam na maraming nakakaappreciate sa istoryang ginawa ko. Akala ko madidisappoint ko kayo sa ending na ginawa ko like any other chapters na palaging hesitant ako tuwing ipupublish ko. Honestly, dumating sa point na nawalan na talaga ako ng drive para ipagpatuloy pa ang story na to, na halos kalimutan ko na si Charlie at Jam at gumawa nalang ng bagong storya sa notepad ko. But then I realized that I dont want to let go of those characters I've created whole-heartedly just like that. At yun na nga, I tried to give them a decent ending, decent and special I hope.

Dahil yun sa inyo na di nagsasawang kulitin ako for updates, nag message para sabihin kung gaano naapektuhan ng LAP ang pang araw araw nilang buhay hehe. Kung paano sila nito pinapalungkot at pinapasaya at the same time. Higit sa bilang ng botong natatanggap ng storyang ito, masaya akong hindi kayo bumitaw. Hindi ko man kayo nakikita at nakakasama sobrang blessed ako dahil andiyan pa rin kayo, nagbibigay ng oras at patuloy na sumusuporta.

At sa taong palaging nasa tabi ko, kinokonsensya ako para tapusin ang istorya at bigyan kayo ng closure dahil alam niya ang pakiramdam ng naghihintay ng update. Nakakatuwang isipin na yung unang taong nakapansin sa storya ko, siya yung taong mahigit tatlong taon ng nasa tabi ko. :) Thankyou at sorry dahil hindi ang gusto mong ending ang ginawa ko.

Sabi ko hindi ako magsisimula ng bagong story hanggang hindi ko natatapos ang LAP. So alam niyo na? Pero hanggang notepad lang muna siya ngayon :) Gusto ko kasi na di na maulit ang dati na para akong bula na bigla nalang mawawala. Sa susunod na balik ko, hindi na kayo maghihintay pa.

Paano hanggang dito nalang muna kaibigan. Kung may problema ka andito lang ako. I'm just a ping away.

Salamat, salamat.

trulymadlycrazy

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon