31

15.7K 349 78
                                    

@fickle_pen GoodLuck sa review and Boards! :)

"Dito tayo una!" malakas ang boses ni Charlie halatang di maitago ang excitement.

Napatingin ako dun sa tinuro niya at halos manlambot ung tuhod ko habang tinitignan pataas ung ekstreme tower. Napalunok ako.

"Scared?" panunudyo niya. 

"Hindi ah! Ano kasi baka pwedeng pang finale na natin yan.Why dont we try there?" suggest ko sabay turo dun sa carousel. 

"That's boring! Buti sana kung tunay na kabayo yan." nakakunot na ang noo nya. 

"O bahala ka ikaw nalang sumakay jan!" sabi ko. 

Tignan pa nga lang kung gano kataas yun natatakot na ko eh. Pano pa pag sumakay pa ko. Nooooooo! 

"Talaga!" sabi niya at saka pumunta sa pila. Weekdays ngayon kaya siguro walang masyadong tao. Konti lang dn ang pila sa may tower.

Sinundan ko siya at nasa likod na niya ko nung kinalabit ko siya. Lumingon sya sa akin at ngumiti. 

"Sasakay ka na?" tanong niya. 

"No." mariing sabi ko. 

"Sayang naman ang ticket mo kung di mo lulubusin ang mga rides." sabi niya habang naglalalad patalikod dahil umusad na ang pila.

"Mas sayang ang buhay ko no kung sasakay ako jan." 

"Edi sana pala nagmall ka nalang." 

"Aba kung di dahil sakin di ka makakarating dito no iwan kita dito eh." 

"Maglalakad ka pauwi?" pangiinis niya. 

Bakit may pera naman ako dito pangcommute. Nakakainis siya na nga tong sinamahan siya pa yung nangaasar. Tinalikuran ko siya at magwawalkout na sana ako. 

"Ma'am hanggang dito nalang po. Sa susunod nalang po kayo" sabi nung guard sa babaeng nasa likod ko. 

Huli na nung mapansin kong nasa loob na kami ng gate ng tower.

Shit! 

"Teka manong lalabas ako. Hindi ako sasakay dito!"

Pero parang wala siyang nadinig at tuluyan na niyang isinara yung gate. 

"Miss gusto mo palitan mo nalang ako dito?" pahabol ko pa. 

"Thanks but may kasama ako eh." 

Nakita ko ung guard na umalis na sa pwesto niya. "Teka lang manong!" 

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon