34

16.3K 463 190
                                    

"Gurlah.." naramdaman ko ang marahang pagyugyog sa balikat ko kasabay ng pagtawag na yun.

"Oh?" kinusot kusot ko ang mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Sorry sorry naidlip pala ako." Asar. Kahit kailan talaga walang epekto sa akin ang kape.

"Okay lang gurlah. Tapos na." nakangiting sabi ni Armeen.

"Ha?" napamaang ako. Inginuso niya sa akin ang tapos na tapos ng miniature.  Hindi ko alam kung totoo ito o nananaginip ako. Parang kanina lang wala pang malinaw na output ang ginagawa namin. Tapos ngayon parang  minagic na.

Isang five star hotel t shopping centre sa loob ng resort.

"Ang bilis!" tumingin ako sa relo ko. Pasado alas tres na.

"Nagtaka ka pa. Alam mo naman si Jollie kapag tinopak." natatawa niyang sabi.

Nun ko lang napansin ang tulog na tulog na si Jollie. Pati si Maggie at Ernest bagsak na din.

"First night together." turo niya sa magkasintahan. "Napakamemorable di ba?" nakangising sabi niya.

"Bakit ikaw gising pa?" pabulong na tanong ko sa kanya.

"Matutulog na din ako. Niligpit ko lang yung mga gamit."

"Thank you Armeen." sincere na sabi ko. Alam kong sa kanilang lahat si Armeen ang wala pang tulog dahil pagkatapos nilang matapos ang project nila ay dumirecho na agad siya dito para tumulong.

"Tsss wag ka sa akin mag thank you. Ayun yung dalawa malaki ang naicontribute. Sabi nga kanina magshishift na daw sila. Mukhang nagenjoy ata." natatawa niyang kwento. Ngumiti ako. Kung wala sila baka hanggang nagyon wala pang malinaw na output ang project namin.

"Pasok na tayo sa loob. Lipat tayo sa kwarto." aya ko at saka ginising sila Jollie. Pupungas pungas pa silang tumalima.

Hindi umuwi si Stephen kaya dun ko nalang muna pinatulog si Ernest. Sa guest room si Jollie at Maggie.

Katabi ko si Armeen sa kwarto ko. Ilang saglit lang pagkatapos lumapat ng katawan niya sa kama ay dinig ko na ang malalim niyang paghinga.

Tumingin ulit ako sa relo ko. Parang hindi umaandar ang oras. Hindi pa rin ako makapaniwala na natapos namin ang project.

Hindi ako makatulog. Nakatitig lang ako sa ceiling. Gusto ko ng puntahan si Charlie pero alam kong alanganing oras na. Baka tahol lang ng mga aso ang sumalubong sa akin.

CHARLIE

"Charlotte.." tawag sa akin ni Mama. kakagising ko lang. Nakahiga ako sa kama at nakatitig lang sa diary na nasa side table.

"Gising ka na ba? Kumain ka na please. Wala ka pang kain mula nung dumating ka kahapon." nun ko lang naalalang gutom ako nung kumalam na ang sikmura ko.

Palagi niya akong kinakatok pero nanatiling nakasara ang pintuan ng kwarto ko.

"Okay lang ako Ma." yun lang ang palagi kong sinasabi. Nakatulugan ko na din ang pagiyak.

Sobrang sama ng loob ko dahil pakiramdam ko pinagkaisahan ako. Hindi, pakiramdam ko sinadya ulit akong saktan.

Parang paulit-ulit nalang ata akong nasasaktan. Mas gugustuhin ko pa na hindi nalang ako nakaalala.

"Kausapin mo na si Mama." ramdam kong hirap ang kalooban niya sa tono ng boses niya at ayokong ganun siya dahil alam kong hindi ko siya matitiis.

"Charlotte naman.. Kain na tayo. Nalulungkot akong kumain magisa eh." Napabuntong hininga ako. Hindi ko talaga kayang tiisin si Mama.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon