Chapter 4

22.9K 412 17
                                    

Charlotte's POV

Dumiretso na ko sa gym para sa laban ng basketball. Ang sakit ng katawan ko dahil sa laban sa pingpong kahapon. Tapos puyat pa ko dahil ayaw akong tantanan ni Maggie kakatanong tungkol kay Jam.

Nalaman ko lang name niya dahil sa jersey nia. Mukha na kong zombie. Papasok na ko ng building namin para sumakay ng elevator papuntang gym.

Ang aga aga pa pero nagsimula na namang maging abnormal ang tibok ng puso ko.

Palapit si Jam na as usual nakangiti na naman sakin. Tinapatan niya talaga yung line na nilalakaran ko at balak akong salubungin.

"Goodmorning loves!" nakangiti siya labas ngipin pa. Ano na naman kayang trip niya.

"Morning." mahinang sabi ko. Nagtaka ako nung lumuhod siya sa harap ko. Napatingin ako sa floor at nakita kong tanggal pala sa pagkakasintas ang sapatos ko.

Inayos niya ito saka tumayo. Hinawakan niya magkabila kong pisngi.

"Goodluck sa laban niyo. Sayang di kita mapapanuod." Bakas sa mukha niya yung panghihinayang.

"Bigla kasing may pinagawa ung prof e. Galingan mo ah. Pagnanalo kayo manunuod ako bukas. Gusto kitang mapanuod maglaro."

Magsasalita pa lang sana ko pero bigla niya kong hinalikan sa labi.

Nagulantang ang mundo ko. Parang lahat ng lamang loob ko tumigil sa pag function. Maliban nalang sa puso ko na parang sasabog dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

"Ba-bakit? A-ano.." Fck. Bakit ako nauutal. This is not even your first kiss, Charlotte.

"Hey nagulat ba kita? First time mo bang mahalikan ng babae?" tumawa tawa siya. I can't find any words to say.

"Sorry na. Ganun lang kasi talaga ako sa mga close friend ko. Nasanay lang ako." nakangiti pa din siya. She's unbelievable.

"Sige una na ko. Goodluck ulit." tinapik tapik pa nia yung balikat ko at saka umalis.

Kelan pa naging hobby ang paghalik sa lips ng may lips?

Jamaica's POV

"Jam!" narinig kong tawag ni Charlie sakin habang naglalakad ako palayo sa kanya. Pumihit ako paharap sa kanya.

"Pag nadapa ako sa game kasalanan mo." kumunot noo ko. Kita kong inginuso niya ung sapatos niya.

Natawa ako. Hindi talaga ako marunong magsintas ng sapatos. Kung anu anong buhol lang ung ginawa ko,walang epekto yung experiment ko. Mas okay pa yung sintas kanina bago ko inayos este ginulo pala.

"Gagalingan ko para mapanuod mo ko bukas. Then I'll teach you on how to tie a shoelace properly." napansin kong nangingiti siya.

"And dont worry, hindi ko first time yon." saka siya tumalikod at lumakad palayo.

Naglakad na ko palabas ng school. Napahawak ako sa lips ko at hindi ko maiwasang mangiti.

Kakaiba..

 

Pero loko un ah! Hindi niya daw first, samantalang ako unang beses ko pa lang ginawa yun. Asar!

Charlotte's POV

Adik talaga un. Alam niya kaya na mga classmates nia ang gusto niyang talunin ko?

Last 2 minutes nalang at matatapos na ang game. Medyo malaki lamang namin sa kalaban kaya sure win na.

5.. 4.. 3.. 2.. 1

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon