lucky 9

21.3K 361 4
                                    

Binilisan ko ang pagdrive para makarating agad sa school. Wala ng araw pero sana andun pa din siya.

Naglakad ako papuntang tambayan. Alam kong yung tinutukoy nia yung last time na tinambayan namin habang ngsosolve ng problem sa algebra.

Andito na ko pero wala na siya. Napaupo ako. Sino ba namang adik ang magaantay sa akin ng ganung katagal?

Dumukmo ako sa lamesa. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kala ko abot kamay ko na ulit siya.

Jam.. Asan ka nba? Hindi ko alam kung san ka nkatira. Hindi kita pwedeng tawagan. Hindi kita pwedeng itext.

 

Miss na miss na kita. Sobra..

 

"Charlie.." boses mula sa likod ko.  Imposible. Nagiimagine lang ako. Nakadukmo pa din ako sa mesa.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

Dun ko na iniangat ang ulo ko at lumingon sa likod ko.

Si Jam nga.. Seryoso yung mukha nia pero unti unting puminta ung ngiti sa labi niya.

Bago pa siya nakapagsalita, tumayo ako at niyakap siya. Mahigpit. Hinaplos niya lang ung buhok ko.

"Kanina parang ayaw mo ko makita? Kala ko hindi ka na dadating." sabi niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Pinuntahan ko sa ospital si Maggie.. Sorry.."

"Anung nangyari sa kanya? Ok na ba siya?" nagaalala din boses niya

"Oo. Tumaas daw lagnat niya kagabi. Pero ngayonn ok na siya." ngumiti ako sa kanya.

Naupo kaming pareho sa bench na andun. Lakas ng hangin.

"Sembreak na," sabi niya..

"Oo nga e.. Ambilis ng araw." sabi ko

"See you next sem?" tanong niya.

Matagal bago ako sumagot.

"Ikaw naman ung palaging nawawala.." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya

Nadinig kong natawa siya ng mahina.

"After sembreak magresign na ako sa work. Ayaw na ni Mama at Papa na magtrabaho ako habang nagaaral. Baka daw kung mapano na ko."  natatawa siya habang nagkukwento.

"Tapusin ko na daw muna pagaaral bago ako magpakasawa sa trabaho.."

"Sa architectural firm ako. Mula 1styear college hanggang ngaun dun ako nagtatrabaho. Assistant ako ng mga architects. Nagdedesign din ako. Masaya ako  dahil nagugustuhan nila ung mga gawa ko."

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon