KABANATA ANIM BAGO MAGPITO

21.8K 383 2
                                    

Charlotte's POV

Hindi ko alam kung anong dahilan bakit palagi niyang nilalapit yung sarili niya sa akin.

Masiyado na ba siyang natutuwa sakin? Gusto kong sabihin sa kanya na "konting lapit pa. Baka hindi ka na kita pakawalan." gusto ko siyang bigyan ng warning. Pero ayokong takutin siya. Ayokong lumayo siya.

"Tara merienda?" bawi niya at medyo dumistansiya sa akin. Nabigla siguro sa ginawa ko.

"Libre mo ko?"

Ngumiti siya. "tamang tama kakasweldo ko. Tara" aya nia sa akin saka hinila ang kamay ko.

Kaya siguro siya palaging nawawala dahil nagtatrabaho siya habang nagaaral. Hinayaan ko lang kung saan niya ko dalhin. Dito kami sa resto malapit lang sa school. Nakaupo na kami.

"Anong gusto mong kainin?" tanong nia

"Kahit ano."

"Anong drinks mo?" tanong ulit niya

"Kahit ano nalang din." sabi ko. Di naman ako maselan. Kahit ano kinakain ko. Kita kong nagtitingin siya sa menu. Ilang saglit lang bigla siyang tumayo at hinatak ako sa pgkakaupo.

"Labs tara." sabi nia.

"Bakit aano tayo?" takang tanong ko. Hindi pa din ako tumatayo.

"Lipat tayo sa iba. Walang kahit ano dito." natawa nalang ako. Pero seryoso mukha niya.

"Umupo ka na. Oorder na ko." sabi ko. Ngumiti naman siya at naupo na.

"Hmm. Spagetti. 2 servings. Akin lang yun ha. And mango juice." nakatitig lang siya sakin.

"Bakit? Kulang yung isa. I love pasta. At saka hindi ako nglunch."

"Hala! Bakit hindi ka naglunch? Gawin mo ng 3." sabi niya.

"Dalawa lang. Ginawa mo naman akong baboy." tumawa siya. Umorder na din siya ng sa kanya. Chocolate cake and coffee.

Dumating na yung inorder namin. Sinimulan ko ng tirahin yung spagetti.yum yum. Sarap. Tagal ko na din hindi nakakakain nito.

Nagulat ako nung bigla niang punasan ng panyo nia yung bibig ko. Ang dugyot ko palang kumain.

"Sabik sa sauce?" natatawang sabi nia.

"Pssshh.." sabi ko nalang na parang wala lang sakin ung ginawa nia at tinuloy ulit ang pagkain ng spagetti.

"Bakit panyo mo pa ung pinamunas mo e ang daming tissue diyan." sabi ko

"Sayang. Itong panyo nalang pede pang laban. Madaming forest ang nakakalbo ng dahil sa production ng tissue at papel kaya kelangan ng conservation."

"Gagamit ka ng sabon para maglaba. Maglalabas un ng chemicals na pwedeng makasira sa kalikasan." pangongontra ko sa kanya.

"Edi hindi nalang ako gagamit ng sabon." tumawa siya. Ayaw talagang magpatalo ah.

Tapos na niya yung kinakain niga. Ako busog na pero diko pa napapangalahati yung pangalawang serving ng spaghetti.

"Ayaw ko na. Busog na ko.." sabi ko sa kanya

"Ayan. Takaw mata ka kasi. Ubusin mo yan. Hindi mo ba alam na madaming tao ang nagugutom tapos ikaw magsasayang lang ng pagkain." ayan na naman po siya. Pero nakonsenya ako sa sinabi niya kaya pinilit ko talagang ubusin ung spagetti.

"Done." sabi ko nung maubos ko. Busog na busog ako. Ngumiti siya at pinunasan ulit ung bibig ko.

"Labs may klase ka pa?"

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon