Sukab na isip
Kuyom ang mga pangarap
Matitimyas na adhika
Naupos
Unti-unti...
Sa tangkang pagpiglas
Kadena'y humihigpit
Kalupitang lumulukob
Bunga'y hindi takot
Kundi suklam, matinding pait
Tinghad ng mga mata
Mababakas
Paghusga at pagkayamot
Bulag sa mga samo
Manhid ang diwa
Liwanag
Di na muling dumaong
Sakit ay dagling naparam
Nang magmaliw ang sikdo ng pulso
Ng dinustang pagkatao.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
PoetrySapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...