Gunita

57 3 2
                                    

Pumipikit, minsa'y mapapangiti

Kasabay ng pagbuhos ng mga alaalang napawi

Tatawa ngunit maya-maya'y ngingiwi

At matutulala ng ilang sandali


Ninanais na balikan

Ngunit ang daan pabalik ay nilamon na ng putikan

Tila isang plato na ibinato sa kung saan

Na nawasak, nasira, at nadurog ang katawan


Malaking pagsisisi ang sa aki'y kumamkam

Mga mata, sa agos ng luha ay hilam

Mga ngiti at pagtawa ay tuluyan ng naparam

Nakakulong sa pusong labis na nagdaramdam


Pumipikit, mga labi'y nakapinid

Mga gunita na sana'y hindi na muling nabatid

Pagkat kalungkutan lamang ang malayang inihahatid

Sana, damdamin ay tuluyan ng magmanhid.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon