Alitaptap

59 3 4
                                    

Nililiyag kong gabi ay naririto na

Huni ng mga kuliglig ay tila musika

Katawa'y itinindig, mga pakpak ay iniunat

Sa maghapong pagtulog, lakas ko ay sapat


Tinatanaw ang dako paroon

Hinihintay ang tamang panahon

Nagsisilbing hudyat ang hanging iwinasiwas

Ang mga pakpak ay buong lakas na ipinagaspas


Tunguhin ko ay walang kasiguraduhan

Hindi alam kung ano ang naghihintay na kapalaran

Kapag nangawit ay dadapo sa mga puno

Upang lakas ko'y manumbalik at muling mabuo


Mga pakpak ko ay pagod na sa paglipad

Di alam kung saang dako napadpad

Layunin ng buhay ay patuloy na hinahanap

Kaantabay ang liwanag ko na aandap-andap.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon