Aplaya

63 4 2
                                    

Sa ugoy ng mga alon

Bangka ay papalaot

Kasama ang mga pangarap

Bawal ang tamad

Walang puwang ang takot


Ang pupundat-pundat na ilawan

Na pinalilibutan ng mga lamok

Maya-maya ay sasayaw

Sa pag-ihip ng amihan

Na sa dagat ay tila sumasalpok


Sa ilalim ng buwan

At mga antuking bituin

Lambat ay ilalatag

Sa malapad na katubigan

Ihihimlay at ibibilin


Lamig ay nanunuot

Sa manipis at tinagping kamiseta

Kinikiliti ang mga kalamnan

Nangininig

Ngunit patuloy niyang iniinda


Aandap-andap na ang sulo

Lambat ay iaahon

Iipunin ng maingat, masinop

Pagkat ang bawat piraso ng huli

Ay nangangahulugan ng baon


Mga luha ay nangilid

Nang mapagmasdan ang tesoro

Saka niya naisip 

Ang naghihintay na si Dodong

At ang ninanais niyang kurso


Muli, lambat ay inihagis

Kaya pa niya

Hindi siya titigil

Sapagkat ang mga mithiin ng anak

Ay mas mahalaga kaysa rayuma


Niyakap ang sarili

At kanyang naisip

Kaunting tiis na lang

Sa pagtatapos ng anak

Liwanag ay kanyang masisilip.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon