Umaapura sa pagsusulat
Nagmamadali na matapos ang lahat
Nais mauna, ayaw paawat
Sa hiniraman ng pantasa'y di man lang nagpasalamat
Palingon-lingon sa mga katabi
Minamatyagan pagkat ayaw mahuli
Ngumingiti, iniisip ang pagwawagi
Ngunit maya-maya'y mayroong biglang nabali
Sa labis na paghahangad na manalo
Mga galaw ay tuluy-tuloy at walang preno
Paano na ngayon, bumaliktad ang mundo
Matatapos ka pa kaya gayong putol na ang lapis mo?
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
PoesíaSapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...