Nais kong pumikit, nais kong matulog
Ngunit natatakot na baka biglang mahulog
Pagkat isipa'y malikot at umiinog
Hindi mapalagay ang pusong kumakalog
Mga ngiti mo'y tila silahis ng araw
Sinisinagan ang buhay kong mapanglaw
Pinasigla, pinaindak sa tugtugin ng sayaw
At pinaawit ng may galak na umaapaw
Sa iyong paglisan, mundo ko ay nalumbay
Ang dating bahaghari, ngayo'y abo ang kulay
Mga mata ay lumuluha ng walang humpay
Pag-asa ay tumaob mula ng ikaw ay mawalay
Hindi makatulog pagkat puno ng agam-agam
Nagsisisi dahil pagsinta ko sa'yo ay hindi ipinaalam
Ngayo'y iniwan mo ako ng wala man lang paalam
Kaya't heto, nangungulila sa pagmamahal kong naparam.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
PoetrySapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...