Kamusta mga kaibigan?
Pedro nga pala ang aking ngalan
Tunay na maginoo
Kahit tambay lang sa kanto
Mayroon akong nakita
Isang napakagandang dalaga
Tumatalbog balakang niya
Ngumingiti pati mata
Pamatay ang mga kurbada
Buhok ay rebonded pa
Kutis parang porselana
Gandang mala-anghel talaga
Sinipulan ko siya
Irap ang aking nakuha
Dun ko nalaman na ang dalaga
Ay kalahi ko din pala.
—
Note: No offense meant po to the members of the third sex. Bunga lang ho ito ng pagmamasid natin sa mga nagdaraang tao sa ating paligid.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
PoetrySapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...