Hinuhulma ng mga alon
Ang linyang nagpapatunay
Na naabot at nahahalikan
Ng dagat ang dalampasigan
Na kaya niyang marating
Ang minimithing sapitin
Gaano man kalakas
Ang hanging humahampas
Ipinipinta ng mga agos
Ang bawat butil ng pagkinang
Kapag ang kanyang mukha
Ay sinisilaw ng araw na malaya
At doon nga sa dalampasigan
Mga bakas ng paa ang maiiwang saksi
Sa awit ng paghihintay
Sana, bumalik na si Nanay.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
PoetrySapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...