Maingat na mga hakbang, umuusad ng pasulong
Habang ang damdamin ay nagsasalita ng pabulong
Magkaagapay, mga kamay ay magkahugpong
Sa lahat ng mga hamon ay di sumusuko, di umuurong
Sa ibaba ay rumaragasa ang ilog na malalim
Kumakapit sa kanya na tila hawak ay patalim
Hindi alintana ang takot at pangambang kinikimkim
Pagkat tiwala ang sa puso mo'y sumisimsim
Bakit ngayon mga mata'y lunod sa maalat na likido?
At ang katawan mo ay tila hanging dumadapyo
Sana'y noong una pa lang ikaw ay nasimula ng matuto
Tingnan mo ngayon, ika'y nahulog at walang sumalo.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
PoesiaSapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...