Nang una kang makita, puso ko'y nanabik
Nagnais na masakyan ka
Na makapaglakbay
At maging bahagi ka ng aking buhay
Nagpursige ako na matuto
Mahirap, lagi akong nahuhulog
Puro gasgas ang mga siko at tuhod
Ngunit hindi sumuko kahit pa mabangga sa bakod
Pasuray-suray, manibela ay hindi makontrol
Hirap sa pagpapaikot sa mga pedal
Minsan nga ay natanggal pa iyong kadena
Nang subukang ayusin, kamay ay napuno ng grasa
Sa bawat pagkabigo, sa bawat paglagpak
Madumihan man o kaya'y mapuno ng gasgas
Huwag kalimutan na dapat, sarili ay laging itayo
At sakay ng iyong bisikleta ay pumadyak ka at humayo.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
कविताSapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...