Malaya

82 4 3
                                    

KALAYAAN.


Malaya tayong ipahayag ang mga saloobin. Malayang gawin ang anumang naisin. Malayang magsalita. Malayang magtipun-tipon. Malaya tayong pamahalaan ang sariling atin at hindi sunud-sunuran sa kung sinuman. Kadalasan, dahil din sa kalayaang ito, nagiging malaya rin tayong kumutya, magsabi ng mga masasakit na salita. Malayang manakit. Malayang sumuway. Malayang magsamantala sa bayan. Malaya tayong manlamang ng kapwa. Malayang gumawa ng gulo. Malayang maging makasarili. Malaya.


Sa totoo lang, kung isa ako sa mga bayaning nakipaglaban at namatay noon para sa kalayaang ito, laking pagsisisi ko siguro. Ganitong Pilipinas ba ang pinaglaanan ng libu-libong buhay? Ganitong mga Pilipino ba ang buong tapang na ipinaglaban? Ganitong kalayaan ba ang kanilang inasam?


Noong 1898, ang araw na ito ay ipinagbunyi ng bansa. Ngayon, ipinagbubunyi dahil holiday, walang pasok. O kaya naman ay dahil double pay. Dahil makakapagpahinga. Dahil makakapag-mall, makakapamasyal.


Nakalulungkot, ang Araw ng Kalayaan ay isa na lamang pulang marka sa ating mga kalendaryo.



Note: Ang artikulong ito ay isinulat ko noong nakaraang taon, Hunyo 12, 2014, bilang paggunita sa Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong 1898.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon