Sa bawat pagpatak sa lupang tigang
Umaawit, natutuwa
Ang bawat hinagpis ng tuyot na puso
Sapagkat dumating na rin
Ang pag-asang matagal na nasiphayo
Kaya't sa tuwing umiihip ang hangin
Sumasayaw, bumabagsak
Ninanamnam ang bawat pagragasa
Sinusulit ang bawat butil
Kinukuyom ang inaasam na biyaya
Magiliw ang paligid
Ugoy lamang ng mga patak ang maririnig
Nagdadalit, sumasalimbay
Ipinagdarasal na sana
Lamig na dala ng ambon ay huwag ng mawalay
Ngunit paglipas ng ilang saglit
Kakaway, mananamlay
Titila ang lahat at babalik sa dati
Aaliwalas na muli ang langit
Bukas sana'y dumalaw muli at aliwin kami.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
PoesíaSapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...