Ligaw

85 5 18
                                    

Minsan talaga, kailangan nating maligaw para matunton ang tamang daan. Kailangang magtanong upang malaman ang sagot. Kailangang magkamali para matuto.


Lahat tayo ay nagkakamali, lahat ay may kahinaan. Wag kang magpanggap na alam mo ang lahat ng mga bagay-bagay sa mundo. Wag mo ring isipin na para sa'yo yung kanta ni Daniel Padilla na "Nasa Iyo Na Ang Lahat". Wala hong taong perpekto. Maaaring kaya mong i-solve ang kahit anong Math problem na ibigay sa'yo pero hindi mo naman pala kayang maghugas ng plato. Kaya mong akyatin ang tuktok ng Mt. Pulag pero hindi ka marunong maglaro ng piko. Kaya mong magdrawing pero hindi ka marunong magluto. Marunong kang umawit pero di marunong magbike. Marami kang damit pero madalas na mahabol ng aso. Mayaman ka nga pero wala namang true friends. Tao tayo na sa ayaw man natin o sa gusto, may kapintasan tayo.


Madalas akong maligaw. Nahihiya kasi akong magtanong. Nahihiya akong humingi ng tulong. Ang masaklap pa ay yung makakatulog ka sa biyahe at magigising na nanlalaki ang mga mata dahil tila napadpad ka sa ibang dimensiyon dahil hindi mo na alam kung saan na nakarating ang sinasakyan mo.


"Manong, para na po!"


Sa paghinto ng jeep, magmamadaling bababa na hindi man lang alam kung lampas ka na nga ba sa iyong pupuntahan. O kung nasa planetang Earth ka pa rin ba.


Lagi namang mayroong dalawang pagpipilian: ang sumakay muli upang makarating sa pupuntahan o ang manatiling naliligaw na lamang. Ang una ay para sa mga taong naniniwala sa second chance. Ang pangalawa ay para naman sa mga walang patutunguhan sa buhay. At dahil ayaw mong manatiling walang alam sa mundo at puro naliligaw na lamang, lalakasan mo ang loob mo at aalamin: una, ang sanhi ng iyong pagkaligaw; pangalawa, kung ano ang iyong magagawa; at pangatlo, kung desidido ka pa ba talagang itama ang mga pangyayari.


At kanina nga, mali yung binabaan ko, buti na lang at naglakas-loob akong magtanong. Napa-taxi tuloy ako. Ang mahal. Pero okay lang. At least sa susunod, marunong na ako.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon