Tumindig ka, batang paslit
Iwaksi ang lahat ng nararamdamang pait
Tumayo ka, tumayo ng buong kisig
At ipinta ang isang ngiti sa iyong bibig
Umawit ka, batang paslit
Sabayan mo ang himig ng mga pipit
Sumigaw ka, sumigaw ng buong lakas
At sumayaw na tila wala ng bukas
Mga kamay mo ay itaas
Abutin mo ang hindi maarok ng isipang pantas
Mga paa'y ihakbang ng maingat
Katawan mo'y dahan-dahang iangat
Hayun sa itaas, mga ulap na mapuputi
Kaparis ng mga adhikain mong minimithi
Abutin mo ang kadulu-duluhan ng mga alapaap
Patungo sa katuparan ng iyong mga pangarap.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Nagtataeng Bolpen
ŞiirSapagkat ang isipa'y malikot, ang imahinasyon ay umiikot. Sapagkat ang bawat malikhaing kamay ay miminsang nababahiran ng tinta, ng saya, at ng lungkot. Isang koleksiyon ng mga tula na sumasalamin sa kapangitan, kaengotan, kapalpakan, at kagandahan...