Langay-langayan

75 5 9
                                    

Murang bagwis

Pilit ikinakampay

Miminsa'y lilipad

Minsan di'y babagsak


Tiningala

Mga ulap sa langit

Naising maabot

Pangarap na masapit


Hangi'y umihip

Pakpak ay ikinunday

Lakas ay itinuon

Sa adhikaing gabay


Himpapawid ay nasapit

Alapaap ay naabot

Nilampasan ang mga ulap

Galak ang bumalot


Sa una'y nabigo

Lalo pang nagsumikap

Bagwis na matatag

Puhunan sa paglipad.



NOTE: Ang langay-langayan po ay isang uri ng ibon na kilala sa English bilang swallow.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon