Tsokolate

117 7 16
                                    

I love chocolates. Kapag malungkot ako, galit, nagtatampo, or stressed, isa lang ang sagot diyan, chocolates. (Actually, yakap ang number 1 na sagot dapat diyan kaso dahil waley jowa, so chocolate ang nasa top list xD)


Ang buhay ay parang tsokolate. Napakatamis. Pero mas masarap kung medyo mapait. Kumbaga sa buhay, may mga trials and failures. Ang pait na ito ay hindi kailanman nakapagpabawas sa sarap ng tsokolate, bagkus ay nagpapatingkad pa nga sa kanyang lasa. Pag puro tamis, nakakangilo ng ngipin. Pag may kaunting pait, mas malinamnam at hindi nakakasuya.


Mas masarap ang tsokolate kapag bigay. Appreciated mo yung effort at hindi mo hahayaang langgamin lang sa sulok at masayang. Ganun din sana sa buhay, na dahil bigay lang ito ay i-appreciate natin at huwag sirain. Sayang naman kung hahayaan mo lang na matapon samantalang andaming tao na gustong makatikim ng isang magandang buhay, ng isang masarap na tsokolate.


Mas masarap ito kapag ibinabahagi sa iba. Kung marami ka namang tsokolate, bakit hindi ka mamigay? Share your blessings, ika nga. Paano ka bibigyan ulit kung palaging nakatikom ang mga palad mo? Dapat nakalahad. E pano yun, pag nakalahad edi bawat dumaan sayo kukuha mula sa palad mo? Pano kung maubos? Okay lang naman yan. Para mo lang nilagyan ng space ang mga palad mo para sa panibagong mga biyaya.


Hindi mahalaga kung anong uri ng tsokolate ang buhay mo. Mahal man yan, branded, imported, local, o tig-piso, pare-pareho lang na nag-iiwan ng itim na marka sa ngipin. Ano man ang tingin ng ibang tao sa estado ng buhay mo, tandaan na sa Diyos, isa kang matamis at masarap na tsokolateng Siya mismo ang lumikha at bumuo.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon