Suntok Sa Buwan

59 4 2
                                    

Gumagapang ng marahang-marahan

Isipan ay naglalaro at nakatitig sa kung saan

Ibinubulong ang mga titik ng pangalan

At saka titingala sabay ng pagngiting minsan


Paa'y tumatakbo sa makitid na daanan

Nakikipaghabulan sa karera ng kapalaran

Mahigpit na niyakap ang mga aklat na tangan

At sa masikip na dyip ay nakipagsiksikan


Puyat at pagod ang matitibay na kalaban

Na minsa'y kakampihan pa ng mapagpabuyong karukhaan

Butas na bulsa ng pantalong tinagpian

Saka lumang sapatos na pudpod ang talampakan


Kanina nga sa part-time job na pinapasukan

Minsa'y pupuslit upang kwaderno'y silipan

Pagkat pagsusulit ay nararapat na paghandaan

Kailangang magsipag; walang puwang sa katamaran


Sa kanyang pagbaba mula sa dyip na sinakyan

Ay kaharap na muli ang mga pangarap ng puso't isipan

Itinuturing man ng iba na ito'y suntok sa buwan

Ay susuong pa rin siya ng walang pag-aalinlangan.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon