Krayola

176 4 4
                                    

Hungkag at blangko ang kaputian ng mga ulap

Ni hindi kumikilos ang hangin sa alapaap

Mga ibon, saanma'y hindi mahagilap

Kalungkutan ang maaaninag na ganap


Pamilyar ba ang nakikita mong litrato?

Pamilyar ba ang larawang tinutukoy nito?

Iya'y kaparis ng kasalukuyang buhay mo

Malamlam na tulad ng kumupas na abo


Humayo ka at ang mga nakikita'y suriin

Umindayog ka sa ritmo ng mabining awitin

Mga krayola ay buong-pusong gamitin

Ipinta mo ang kagalakang ninanais sapitin


Nasa iyong mga kamay ang bahagharing makulay

Isaboy ang kariktan ng nahihimbing na uhay

Yakapin mo at hagkan ang kapalarang dalisay

Upang makamtan ang pinapangarap mong buhay.


Ang Alamat ng Nagtataeng BolpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon