KELLY POINT OF VIEW
Pumasok kami sa loob ng office at napansin kong may iilan lang na mga police ang bantay ng pasyente. at may nakatayo sa may harap ng pasyente kaya hindi makita kung sino yun
Tumingin naman ako kay jerich at tumango sya habang buhat si sydney at nag lakad kami papunta don sa pasyente.
"Sya yung nag ligtas sakin" ang sabi ni jerich at nung nakita ko yung nakahiga sa hospital bed ay..
Biglang bumilis yung tibok ng puso at don ay tumulo luha ko.
SANDY...
Bigla naman nag flashback lahat ng ala ala namin ni sandy. Lalo na yung sa ferris wheel na foundation week.
Agad naman akong lumabas at hindi ko kaya. Hindi ko kaya pigilan yung pag iyak ko nung nasilayan ko ulit yung mukha. God! I miss her i miss her so much...
"Babe are you okay?" ang tanong ni Jerich sakin sabay hinawakan nya ako sa braso kaya napatingin ako sakanya."What happend bakit ka umiiyak"
"Let's go home.. Pls" ang pag mamakaawa ko at nag lakad ako paalis habang umiiyak.
Napatigil na ako sa pag iyak habang nasa byahe kami. Nandito padin.. Nandito padin yung pagmamahal ko sakanya kala ko mawawala na to it's almost 3 years na hindi ko sya nakita.
God.. Miss na miss ko sya gusto ko syang yakapin kanina kaso hindi ko kaya hindi ko kaya makita yung kalagayan nyang ganon.
"Babe? What happend? bakit ka umiyak?" ang tanong ni jerich sakin habang nag dadrive."Ano meron? do you have a connection with that police?"
Tumingin naman ako kay sydney na tulog sa may upuan nya sa backseat.
Napatingin ako kay Jerich na nag dadrive at bumuntong hininga.
"Gusto mo malaman?" ang tanong ko sakanya.
"Oo" ang sagot ni jerich sakin.
"Alam kong magugulat ka. but.. this is the truth na kailangan mo malaman" ang sabi ko sabay bumuntong hininga."She was the girl who made me taught about love.. Yung police na yun may connection sya kay sydney"
Napatigil naman sya sa lag dadrive at napatingin sakin.
"Anak naming dalawa si sydney" ang sabi ko. nakita ko sa mukha nya ang paggulat
"H-How?"ang gulat nyang sabi.
" She's an intersex.. And nagbungga pag mamahalan namin. Nabuntis nya ako"ang sabi ko sabay naiyak."Nilayo sya sakin nung nanganak ako.. dahil hindi talaga sang-ayon si dad sa relasyon namin"
Umuwi kaming tahimik na dalawa ni jerich. Ayaw ko munang gulohin sya alam kong nasaktan sya sa nalaman nya dahil syempre nalaman nya na anak pala talaga namin si sydney.
"Mommmyy" ang biglang sabi ni sydney kaya napatingin ako sakanyang nag pabuhat sakin."Where's tito?"
Tumingin naman ako sa paligid at wala sya.
"Ahh baka nasa kwarto nya baby why?" ang tanong ko kay sydney.
"Want ko laro" ang sabi ni sydney.
"manang" ang tawag ko sa kasambahay namin. lumapit naman sya agad sakin."Pwedi bang laruin mo muna manang si Sydney kakausapin ko lang si jerich"
Pumasok naman ako sa kwarto at nakita ko syang nakaupo sa kama habang malalim yung iniisip.
"Hinahanap ka ni Sydney" ang sabi ko sakanya pero parang wala syang narinig."Jerich"
"Kaya ba ayaw mokong galawin ka?" ang bigla nyang tanong at napatingin sya sakin nag taka naman ako sa sinabi nya."Kaya ba ayaw mokong galawin ka dahil ayaw mo pang sundan si sydney na anak nyo palang dalawa"
"Sinabi ko naman sayo diba? Hindi pa talaga ako ready kahit anong pilit ko hindi ko pa kaya" ang sabi ko sabay bumuntong hininga. Nung time kase na nag attempt pinatigil ko sya agad dahil hindi ko pa kaya talaga makipag talik sa iba. I can't.. may pumipigil sa katawan ko.
"Kasal na tayo ng isang buwan hanggang ngayon ba nakatali padin yang katawan mo sakanya? Kelly asawa moko" ang sabi ni jerich sakin."Pag bigyan moko dahil asawa mo ko"
"I'm sorry." ang tanging sabi ko lng."Oo asawa kita pero hindi ko pa kaya makipag talik sayo."
"alam mong lalake ako may pangangailangan ako sa katawan asawa kita at dapat sayo ko lng ibibigay yung pangangailangan ko pero kase parang ayaw mo eh" ang sabi ni jerich."Nag titiis nalang ako kelly kahit gustong gusto ko na mag kaanak tayo"
"Don nalang ako matutulog sa kwarto ni Sydney" ang sabi ko at lumabas ako ng kwarto.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko kung maawa ba ako kay jerich. I think I'm being selfish kasal kami tapos pinag kakait ko yung gusto nya.
But i think it's not for me too na ipagalaw yung katawan ko sa iba. tama sya i feel like nakatali padin ako kay sandy.
SANDY POINT OF VIEW.
It's almost 1 week na akong nag papahinga and I'm thankful na nag heheal na yung sugat ko. medyo masakit padin but may bandages na nakalagay sa tagiliran ko.
Naka leave ako ng 1 month dahil sa nangyari sakin pinagleave nila ako para daw makapag heal yung tama ko. Actually it's starting to healing na din naman and nakakalakad na ako and medyo nakakagalaw ng malaya.
Sila Kerstine naman ay patuloy na nag tatrabaho kahit tapos na mission namin ay tumutulong kami dito hindi pa kase kami pinapauwi ni general kaya ayun dito kami nag stay.
Naisipan ko naman pumunta ng coffee shop para uminom ng kape medyo malamig kase dito sa france. Bago ako lumabas ng condo ay nag suot ako ng coat panangga ng lamig
Pumunta ako agad sa malapit na coffee shop dito na walking distance lang nakakatamad mag uber.
Pagdating ko don ay nag order ako agad sa counter ng cappuccino and cake
"Can you wait for a minute?" ang tanong sakin ng lalake sa counter tumango naman ako at naisipan ko nalang mag hanap table na walang tao. Sakto namang meron bakanteng table sa may gilid kaya don ako pumwesto.
"Can i order some pure coffee and chocolate cake?" ang rinig kong order ng isang familiar na boses.
Nung narinig ko yun ay napahinto ako at bumilis tibok ng puso ko na tulad ng dati.
Dahan dahan naman akong napatingin sa counter at.... sakto namang napatingin sya sakin.
"Kelly.." ang tanging sambit ko nung nakita ko sya muli.....
AFTER 3 YEARS..
------------------------
THANKS FOR READINGONCEPH
BINABASA MO ANG
Clayton Series #8:Good Intentions
RomanceDo you believe in second time? What if you both seperated because of what happend and after a year you'll meet again coincidentally? Do you think it's a chance to make it right and to be together ? I'm Sandy Kline Clayton The daugher of Sidney Louis...