MESSENGER
Cardan Theodore Herrera
4:00 AM
HOY
Alam kong gising ka pa. Bumangon ka diyan.
Tangina? Ba't gising ka pa? Lagi kang maagang natutulog di'ba?
Nasa ospital ako.
Ginagawa mo diyan? Napagdesisyunan mo na bang maging pasyente na lang dahil pagod ka na sa life?
Ikaw gagawin kong pasyente pota ka.
Bumangon ka diyan. Dalhan mo ako ng kumot saka unan para makatulog ako nang maayos sa kotse.
Hindi kita gets. Sabi mo ospital? O tas ngayon nasa kotse ka naman? Dami mong kinalalagyan ah. Sana all nahahati ang katawan.
AY POTA
MANANANGGAL KA BA PRE?
Tangina mo.
Nasa parking lot ako ng ospital. Nandito Tatay ni Given kaya dito rin ako. 'Wag mo na lang sasabihing hindi ako umuwi. Gusto ko lang siyang bantayan eh kaso ayaw ako makita eh.
Daserv, pangit mo kasi.
Wala kang kwenta kahit kailan.
Alam ko, reminded ako everyday.
Anyway anyare sa Tatay niya?
'Wag kang chismoso. Dalhin mo na lang hinihingi ko.
Ginawa kaming hotel ah. May patago kang kumot at unan dito? 🙄
Bilis. Antok na ako.
At ako hindi?
Eh ba't hindi ka natulog kanina pa kung antok ka na pala?
Kausap ko Argela eh, bakit ba?
Pero teka nga, Comet. Ba't 'di ka na lang umuwi? Baka kung ano pang mangyari sa'yo diyan, maging kargo ka pa ni Given.
Walang mangyayari sa'kin dito.
Ah. Mamamatay siguro sa lamig kung 'di mo pa 'ko puntahan ngayon.
Kasalanan ko pang demonyo ka. Lalandi ka na nga lang kulang pa sa resources.
Teka pupunta na ako. Umayos-ayos ka Comet ha. Kung 'di mo jojowain 'yang si Given 'wag ka nang mag-effort nang ganito. Pati ako damay eh.
Gagawin din naman, dami pang sinasabi.
Bilis na!
Saka 'wag kang mag-alala. In the right time, I'll ask Given out. I promise. I'll tell her everything.
Oo na, 'wag kang mag-English. Madaling araw na madaling araw eh.
Papunta na ako.
'Ge. Salamat. Ingat sila sa'yo.
Tangina mo.
Tangina mo rin.
Seen
YOU ARE READING
Letters From Comet
RomanceAxis Boys Series #2 | Comet Leander Silva Given Eloise Yap never once thought of leaving their house, no matter how messed up it was being there. Everyday was suffocating and it slowly drowned her in overthinking but what could she do? She had nowhe...
