❦❦❦❦❦❦
FREEN's POVDahil sa bigat ng pagtatalo namin ni Becky, naramdaman kong kailangan kong maglabas ng sama ng loob. Kaya naisip kong ayain sina Tee, Sky, at Fon para mag-inuman ngayong gabi, hoping na kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Pero nang mag-chat ako sa group chat namin, si Fon lang ang available; si Sky ay kasalukuyang nasa Hong Kong para sa bakasyon, habang si Tee naman ay nasa Thailand para sa isang business trip.
Napagkasunduan namin ni Fon na magkita na lang kami doon sa paborito naming bar kaya naman agad akong nagtungo doon.
Pagdating ko sa bar ay sinalubong ako ng kaunting ingay mula sa mga taong nag-uusap at tumatawa, at ang ilaw sa paligid ay dim, nagbibigay ng tamang ambiance para sa mood ko ngayon.
"Freen!" Sigaw ng isang babae mula sa aking gilid kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Kaisha.. anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil kanina lang ay inihatid ko pa sya sa kanyang bahay.
"Gumigimik.." nakangiting sagot nya sakin kaya naman naupo na ako sa counter at umorder ng alak na iinumin ko. "Whiskey please.."
"Hard yan ah, parang hindi ka magchi-chill ngayong gabi.." kalmadong sabi nya sakin, habang ako naman ay kalmadong iniisip kung ano ang dahilan para pagselosan sya ni becky, "Please don't tell Tanya na nagkita tayo dito.. Hindi nya kasi alam na lumabas ako ngayong gabi.." nakangiting pakiusap nya kaya naman tumango lang ako bilang sagot.
Pagkabigay ng alak sakin ay agad ko itong ininom, kasabay ng paghagod ng alak sa lalamunan ko ang pagragasa ng mga salitang ibinato namin ni becky sa isat isa kanina.
"Mabigat ba?" seryosong tanong niya sa akin habang abala ako sa pag-ubos ng whiskey na nasa harapan ko. Tumango ako bilang sagot, ngunit nanatili akong tahimik.
"Alam mo ba na may nakapagsabi sa akin noon na kapag may mabigat kang dinadala sa dibdib mo, wag kang magdalawang isip na i-share sa ibang tao.. kasi gumagaan daw kapag may kahati ka.." nakangiting sabi nya sakin, kaya naman ngumiti ako.
"Why is it so painful?" Seryosong tanong ko habang nakatingin sa kawalan habang pinapaikot ang basong hawak ko, "It should be the love that makes us happy right? But why does it hurt like hell?"
"Pain is part of love.. hindi ka masasaktan kung hindi mo mahal ang isang tao.. it's just a sign na totoong pagmamahal ang nararamdaman mo.." seryosong sagot ni Kaisha sakin, "the person who has the ability to hurt you is the person you love the most.." dugtong nya na para bang alam nya ang pinanggagalingan ng emosyon ko ngayon.
"The way you talk parang may pinagdadaanan ka rin.." nakangiting sagot ko sa kanya kaya naman napangiti na rin sya.
"Well, lahat naman ng tao ay may mabigat na dinadala.. pagalingan na lang sa pagtatago.." tumatawang sagot nya sakin, "Lumaki ako nang hindi nararamdaman ang pagmamahal ng sarili kong mga magulang.." dugtong nya na agad nagbura sa mga ngiti nya, "Pero may isang tao na nagparamdam sakin ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit.." nakangiting dugtong nya bago sya tumingin sakin.. "It was Fierra.."
"Fierra was everything to me.. I almost gave up my career just to be with her.." nakangiting kwento nya, "ipinaglaban ko sya sa pamilya ko.. but then, she died in a car accident.." malungkot na dugtong nya.
"Im sorry for your lost.." seryosong sagot ko sa kanya, "I think your situation is more painful than mine.. because you don't have a chance to be with that person again.."
"May kapatid ka ba?" tanong nya sakin, dahilan upang matawa ako. Out of nowhere kasi ay bigla nyang tinanong ang bagay na yon.
"Wala.." cold na sagot ko sa kanya, "why do you ask? It's too personal, you know?"
"I just wanna know.." sagot nya habang nakatitig sa mga mata ko, "Because you remind me of someone..."
"Who?" tanong ko naman sa kanya.
"Why are you asking? It's too personal, you know..." nakangiting sagot nya sakin, dahilan upang mapangiti rin ako. She was so cool, I didnt expect na okay syang kausap.
"You don't have to answer if you're not comfortable..." nakangiti kong sagot sa kanya bago ko ininom ang alak na hawak ko.
"Do you know why I accepted your offer even though it doesn't match my usual talent fee?" seryosong tanong nya sakin habang nakatingin sya sa hawak nyang baso, dahilan upang mapaisip ako ng husto.
"Well, honestly, I was also wondering why you agreed." Nakangiti kong sagot sa kanya, "So, bakit mo nga ba tinanggap yung offer ko?"
"Because I want to meet you..." seryosong sagot nya sakin, "Not because you remind me of her, but because you have the same face as hers." Dugtong nya bago nya kinuha ang phone sa kanyang purse at ipinakita nya sakin ang mga pictures nila.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili kong mukha sa mga pictures na ipinakita nya sakin. Halos mapanganga ako sa sobrang pagkabigla.
"See? You were surprised too, right?" nakangiting sabi nya habang nakatingin sakin, pinagmamasdan ang aking reaksyon habang ang mga mata ko naman ay naka-focus sa mga larawan sa phone nya, "That was also my reaction when I first saw you at the studio for the photoshoot... I was shocked."
"Why didnt you tell me right away about this?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Duh! We're not even close.." seryosong sagot nya sakin.
"We're not even close now.." nakangitimg sagot ko sa kanya, "Sya ba yung tinutukoy mo na namatay sa car accident?" Curious na tanong ko sa kanya, secretly hoping na hindi ito ang namatay sa accident, coz I wanna meet her..
"Yes, she died last year.." malungkot na sagot nya sakin, "She died just when I was finally ready to marry her.. wrong timing diba?"
"Ang tagal naming ipinaglaban ang relasyon namin tapos mauuwi lang sa wala.." malungkot na kwento nya.
"Kilala mo ba ang pamilya nya? Alam mo.ba kung saan sila matatagpuan?" Curious na tanong ko, I want to know kung bakit magkamukha kaming dalawa.. Im adopted child at hindi ko alam kung may kapatid ako, wala rin kasi akong kinagisnang kapatid kahit nung kasama ko pa ang tunay kong nanay. Is it possible that we're twins??
❦❦❦❦❦❦