❦❦❦❦❦❦
BECKY's POV"Anak.. Becky.. Gising na ba kayo?" Tanong ni mommy mula sa labas ng pinto saka sya paulit ulit na kumatok, kaya naman nagmadali kaming magsuot ng damit pagkatapos ay binuksan namin ang pintuan.
"Anong nangyari sa inyo? Bakit para kayong basang sisiw?" Tanong ni mommy habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa, kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan habang sinusuri ako ng mga mata nya, "magpunas nga kayo ng buhok at naglalawa na ang sahig.." dugtong nya habang nakatingin sa sahig na malapit sa kama.
"Ahh.. mom.. tara na po sa ibaba.." nakangiting sabi aya ko kay mommy saka ko hinawakan ang braso nya.
"Wait, bababa ka na baligtad ang damit mo?" Tanong ni mommy habang nakatingin sa damit ko, kaya naman agad akong napatingin sa suot kong damit. Napakagat tuloy ako ng labi habang nag-iisip ng ipapalusot ko. Shit! Im not good at this!
"Ahh.. sinadya ko talagang baligtarin ang damit ko, para hindi ako maligaw.." nakangiting palusot ko kay mommy, habang palihim na umaasa na sana ay effective ang sagot ko. Pag tingin ko kay Freen ay palihim syang ngumingiti, kaya agad ko syang tinignan ng masama bago ako tumingin kay mommy.
"Woah! Hindi ka na bata para maniwala sa mga ganyan.." sagot ni mommy na tila hindi kumbinsido, "Mauuna na akong bumaba, sumunod agad kayo para sabay-sabay tayong makakain ng almusal.."
Pagka-alis ni mommy ay agad kong hinampas si Freen sa kanyang braso sabay buntong hininga.
Nang makababa na kami ay nadatnan namin silang kumakain kaya naman naupo na kami upang saluhan sila.
"Ate Freen, kamusta ang photoshoot?" Nakangiting tanong ni Richie kay Freen pagkaupo namin, "sobrang ganda ba nya sa personal?" nakangiting dugtong ni Richie na tila galak na galak.
"Ang dami mong tanong, nagawa mo na ba ang mga assignments mo?" pagsusungit ko kay Richie.
"Okay naman ang photoshoot namin yesterday, at totoong mas maganda sya sa personal.." nakangiti kong sagot kay Richie, "pero mas maganda pa rin ang ate mo.." dugtong ko bago ako tumingin kay becky na halatang pinipigilan ang pag ngiti.
"Yiieee! Kilig na naman si ate nyan.." nakangiting pang-aasar ni Richie sakin kaya naman inirapan ko sya.
"May photoshoot ulit kami today, gusto mo bang manuod?" Nakangiting tanong ni Freen kay Richie, dahilan upang ngumiti ito sa sobrang tuwa, habang ako naman ay agad na kumunot ang noo dahil hindi ko ikinatuwa ang narinig ko.
"Talaga ate? Pwede akong manuod?" Nakangiting tanong ni Richie kay Freen.
"Oo naman, ikaw pa ba? Favorite kita eh.." nakangiting sagot naman ni Freen sa kanya.
"Hindi ka pwedeng manuod, may pasok ka sa school.." kunot noong sabi ko kay Richie, "hindi ka pwedeng umabsent, lagot ka sakin."
"Saka nakalimutan mo yata na may training ka sa basketball mamaya after class.." sabi naman ni mommy, "kakasabi mo lang sakin kahapon na ngayon ang first day of training nyo sa basketball.."
"Oo nga pala.." malungkot na sagot ni Richie, "Sorry ate Freen, hindi pala ako pwede ngayon.."
"It's okay, may next time pa naman.." nakangiting sabi ni Freen kay Richie bago sya tumingin sakin, "How about you, gusto mong sumama sa photoshoot today?" nakangiting tanong nya sakin.
"Hindi na.." seryosong sagot ko sa kanya, "May project kaming kailangan tapusin today.."
"Ahhh.. Okay.." nakangiti nyang sagot sakin.
Pagkatapos naming kumain ay inihatid na nya ako sa school bago sya magtungo kung saan man sya pupunta.
"Becky!" Sigaw ni Cassy habang tumatakbo palapit sakin, "Excited na ko girl! Sa monday na ako mag start sa Viva Company!"
Si Cassy ang isa ko pang best friend, maganda sya, matalino at lively.. Kaya naman marami syang napapasayang tao sa paligid nya.
"Woah! Same tayo.. Sa monday na rin ang start ko sa Cielore.." nakangiting sagot ko sa kanya, "medyo kinakabahan nga ako eh."
"Bakit ka naman kakabahan? Kayang kaya mo yan!" nakangiting sagot nya sakin.
"Saang department ka naka-assign?" Tanong ko sa kanya.
"Girl, secretary ako ng CEO.. Kahit intern lang ako doon, may sweldo na ako.." nakangiti nyang sagot sakin, "sakto kasi na nag resign yung secretary nung CEO, kaya nung nag apply ako as intern, dun na ako in-assign.."
"Edi maganda, hindi mo na po-problemahin ang pang gastos mo." nakangiting sabi ko sa kanya saka kami nagpatuloy sa paglalakad patungo sa classroom.
"Balita ko endorser ng Keds Clothes si Kaisha Yzabelle.." nakangiting sabi ni Cassy, "maganda ba sya sa personal?"
"Oo, kinuha syang model ni Freen for Keds Clothes.." sagot ko sa kanya, "Paano mo naman nalaman?"
"Hello?? Shempre sikat si Kaisha.. Usap-usapan kaya sya sa Trends.." nakangiting sabi nya sakin, "Sabi ko naman sayo, gumamit ka na rin ng Trends para updated ka.."
"Im not interested." sagot ko sa kanya, "wala naman akong mapapala dyan."
Nang makarating na kami sa classroom ay naupo kami sa pinaka-unahan nang biglang lumapit ang ilan sa aming kaklase.
"Becky.. diba jowa mo yung owner ng Keds Clothes?" Nakangiting tanong ni Vien, kaya naman tumango ako bilang sagot, "Pa-authograph mo naman ako kay Kaisha Yzabelle.."
"Hindi naman ako sumasama sa photoshoot.." sagot ko sa kanya.
"Bakit naman girl?" tanong ni Emily na bakas sa mukha ang kilig, "If I were in her position, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon.. Lalandiin ko talaga sya ng bongga!."
"Hindi ka ba natatakot na ipagpalit ka nya kay Kaisha?" seryosong tanong ni Vien.
"Hindi.. dahil alam kong hindi nya yon gagawin." Nakangiting sagot ko sa kanya. Bwisit tong babaeng to, lalapit lang para bwisitin ako.
"Eh dimo ba alam na shini-ship sila ng mga fans ni Kaisha?" Tanong naman ni Emily bago nya kunin ang cellphone nya. "May pa-hashtag pa nga sila eh. Hashtag KaiFreen.." dugtong nya bago nya ipakita sakin ang tinutukoy nyang hashtag.
Hinawakan ko ang cellphone ni Emily saka ako nag scroll down sa hashtag na sinasabi nya. Doon lumabas ang sunud-sunod na larawan ni Freen at Kaisha na inedit ng mga fans, naroon din ang selfie nilang dalawa na nakuha ng fans sa mismong account ni Kaisha na halos kaka-post nya lang today.
❦❦❦❦❦❦