CHAPTER 32

4.6K 196 19
                                    

❦❦❦❦❦
KAISHA's POV

Habang kumakain ako ng almusal sa aking condo ay bigla namang dumating ang manager ko na bakas sa mukha ang pagkatuwa.

"What's the reason behind that fucking smile?" Taas kilay kong tanong sa kanya habang sinusundan ko sya ng tingin.

"What would make me smile? Of course, money..." she said saka sya huminto sa harapan ko. "Well, the owner of Keds Clothes contacted me to get you as an endorser for their brand..." She added with a big smile on her face.

"I'm not interested..." Taas kilay na sagot ko sa kanya.

"Huh? What do you mean you're not interested?" Kunot noong tanong nya sakin.

"I'm already too busy with my upcoming series and movies. Kapag tinanggap ko pa yan, para mo na akong hinatid kay Lord.." seryosong sagot ko sa kanya.

"Ang OA mo, as if naman na tatanggapin ka ni Lord sa langit.." tumatawang biro nya sakin, dahilan upang matawa rin ako.

"Basahin mo muna yung contract bago ka mag desisyon." she added saka nya inilapag sa table ang isang folder na may laman na documents. Hindi na ako kumontra pa, bagkus ay kinuha ko ang folder at binuksan ko ito para basahin.

Pagbukas ko ng folder ay nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sakin ang company profile ng owner, kamukang kamuka ito ng namayapa kong girlfriend na si Fierra.

Sa sobrang gulat at pagtataka ay agad kong kinuha ang company profile ng owner at pinagmasdan ko ng husto ang kanyang mukha.

How did it happen that she looks exactly like Fierra? Is it real??

"Girl, ang sabi ko ay basahin mo ang kontrata.. bakit natahimik ka na dyan?" taas kilay na tanong ng manager kong si Tanya.

"She looks like Fierra.." sagot ko habang nakatingin sa larawan ng CEO.

"Huh?? What do you mean?" Nagtatakang tanong nya sakin saka nya tinignan ang company profile ng CEO. "Oh shit! Magkamukha nga sila!"

"How did it happen that you didn't know? You're the one who talked to them.." kunot noong sabi ko sa kanya.

"Yeah.. I mean.. it's just a phone call.." sagot naman nya sakin kaya napapikit na lang ako. Maaasahan naman kasi ang manager ko, minsan nga lang ay palpak sya sa ibang bagay. Well, no one is perfect.

"Tell them right away that I'll accept the job." seryosong sabi ko sa kanya, dahilan upang manlaki ang mga mata nya.

"For real? Eh hindi mo pa nga binabasa ang contract.." sagot nya sakin.

"Tell them I'm willing to start as soon as possible." utos ko sa kanya.

"Huh?? Seryoso ka ba dyan? Kapag sinabi ko yan, wala ng atrasan.." sabi nya sakin kaya naman agad akong tumango bilang sagot sa kanya.

I want to see that CEO in person; I want to know if she really look like Fierra.

"Get her personal number and give it to me.." sabi ko sa kanya.

"Kaisha, hindi sila nagbibigay ng mga personal information. Kung may gusto kang malaman, you can check her company profile." marahang sagot nya sakin, "besides, hindi sya si Fierra.. Fierra is dead.."

"I know! Pero hindi ka ba nagtataka kung bakit magkamukha sila?" Kunot noong tanong ko sa kanya, "Gusto ko lang malaman kung bakit magkamukhang magkamukha sila ni Fierra.."

"Oh kapag nalaman mo ang dahilan, ano ang gagawin mo?" Tanong nya sakin.

"I don't know.." sagot ko. Ano nga ba ang gagawin ko kung sakali na malaman ko ang dahilan?

Never ko syang nakitang dumalaw sa burol ni Fierra, so kung kapatid nya si Fierra, bakit hindi sya dumalaw kahit isang beses? Wala rin naman nababanggit si Fierra sakin na may twin sister sya, not even once.

Dahil hindi ko makuha ang personal number nya ay hinanap ko na lang ang pangalan nya sa instagram. Nang makita ko na ang account nya ay agad ko itong ini-stalk. Tinignan ko ang mga post nyang pictures and videos, at habang pinanunuod ko ang mga videos nya ay para kong pinanunuod si Fierra.. Iisa lang talaga ang mukha nila.

Nagpasya akong imessage sya upang ayain na mag coffee dahil gusto kong malaman kung talagang magkamukha sila in person, pero dedma nya lang ang message ko.

"I told you, hindi mo dapat sya inayang lumabas.." kunot noong sabi ng manager ko, "pwede kang ma-issue kapag nalaman ng mga tao ang tungkol dyan.."

"Gusto ko lang naman syang makita ng personal.. I just wanna know kung magkamukha talaga silang dalawa ni Fierra.." kunit noong sagot ko.

"Juskolord! Magkikita naman kayo during the photoshoot dahil siguradong nandon sya at manonood.." kunot noong sabi nya sakin, "hintayin mo na lang yon.."

"Hindi nga ako mapakali, im really curious about that CEO.." kunot noong sagot ko sa kanya.

"Curious lang ba talaga? O interesado ka dahil kamukha sya ni Fierra?" Seryosong tanong nya sakin kaya naman hindi agad ako nakasagot.

"Jusmiyo Kaisha, don't tell me na type mo yung CEO dahil kamukha nya si Fierra?" Taas kilay na tanong nya sakin, "Naku! Sinasabi ko sayo, tigilan mo yan.. Sunud-sunod ang projects mo, hindi ka dapat nagbibigay ng oras para sa mga ganyang bagay.."

"Ang dami mo namang sinasabi, gusto ko lang naman syang makita dahil gusto kong malaman kung magkamukha talaga sila ni Fierra sa personal.." paliwanag ko sa kanya.

"Whatever!" taas kilay na sagot nya sakin, "by the way, your mom called me.. Humihingi sya ng pera.."

"Huh?? Eh diba kakabigay ko lang ng pera sa kanya kahapon?" Tanong ko kay Tanya.

"Yes, kaya nga ang sabi ko sa kanya, I will ask you first.." seryoso nyang sagot sakin, dahilan upang makaramdam ako ng lungkot.

Mula pagkabata, sabik na sabik akong maramdaman ang pagmamahal ng isang ina.. Sabik ako na maging proud sya sakin sa lahat ng achievements ko sa buhay. Akala ko dati, once na sumikat ako at magkaroon ng maraming pera ay mamahalin na nya ako kagaya ng pagmamahal nya sa kapatid ko, akala ko sa kabila ng mga achievements ko sa buhay ay magiging proud sya sakin, pero bakit ganito??

"Mukhang hindi ako pwedeng mawalan ng pera.." nakangiting sabi ko kay Tanya, "kasi once na mawalan ako ng pera, wala na rin akong halaga sa kanya.."

❦❦❦❦❦❦

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon