❦❦❦❦❦❦
FREEN's POVSa gitna ng seryosong usapan namin ni Kaisha ay biglang nag ring ang phone ko, kaya naman kinuha ko ito mula sa aking bulsa at tumayo ako bago ko sagutin ang tawag ni Fon.
"Hello, where are you?" tanong ko sa kanya dahil mahigit isang oras na akong naghihintay sa kanya dito sa bar.
"Woah! Hindi ako makaalis, flat ang gulong ko.." sagot nya sakin habang bakas sa boses nya ang pagka-dismaya, "What the hell? What am I going to do now? Should I buy a new car?"
"Huh? Wag ka ngang OA dyan, na-flat lang ang gulong mo, papalitan lang ang gulong nyan.." sagot ko sa kanya, "Hintayin mo ako, dyan na lang tayo uminom.."
"Fine, bilisan mo.. Nag-iinit na ang ulo ko dito.." sagot nya sakin kaya naman pinatay ko na ang tawag. Bumalik ako sa counter kung nasaan si Kaisha, binayaran ko ang mga inorder naming dalawa saka ako nagpaalam sa kanya.
Pagdating ko sa bahay ni Fon ay nadatnan ko syang sinisipa ang gulong ng kotse nya habang bakas sa mukha ang pagkainis, kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa.
"Kung ako ang kotse mo, siguradong mas gugustuhin ko pa na palitan mo na lang ako.." tumatawang bungad ko sa kanya, dahilan upang mapahinto sya sa kanyang ginagawa, "Let's go inside, bukas na tayo tumawag ng mag-aayos ng gulong mo.."
Pagpasok namin sa loob ng bahay nya ay agad naming sinimulan ang pag-inom. Sya ang nag-ayos ng mga paglalagyan namin ng mga pagkain at alak na dala ko habang ako ay nakaupo sa sofa at naghihintay na matapos sya.
"So what's your problem?" Nakangiting tanong ni Fon sakin habang nag-aayos ng mesa, "Since you and Becky got together, you don’t come running to me when you have problems anymore, so I guess she's the problem now."
"Do I always have to be the one who understands more just to keep someone’s love?" Seryosong tanong ko sa kanya, kaya naman agad syang naupo at tumingin sakin, "It's exhausting to be the one who loves more, yung pakiramdam na ikaw lagi ang nag-a-adjust, ikaw yung lumalapit, ikaw yung nagpapatawad..”
"Hindi mo naman kailangang sungkitin ang mga bituin sa langit, hindi mo rin kailangang ibigay ang buong mundo para manatili ang pagmamahal sayo ng isang tao, kung mahal ka.. mahal ka.." seryosong sagot nya sakin saka nya iniabot ang isang baso na may laman na alak.
"Kung mahal ka, mahal ka?" Nakangiting ulit ko sa sinabi nya, "Posible ba talaga na mahalin ako ng isang tao nang walang hinihinging kapalit? Parang ang hirap naman kasing paniwalaan eh.." malungkot na sagot ko sa kanya saka ko sinimulang lagukin ang alak na nasa baso ko.
"Nasanay ako na ginagawa ang lahat para sa kanya, ibinibigay ko ang lahat para hindi sya mawala sakin.. kahit minsan ang pakiramdam ko ay nauubos na ako.. Kasi pakiramdam ko, kapag hindi ako perpekto, kapag hindi ako nagpakumbaba, kapag hindi ako ang umunawa, iiwan nya rin ako, katulad ng pag-iwan sakin ng nanay ko noon.." malungkot na sabi ko hanggang sa unti-unting pumatak ang luha sa pisngi ko nang di ko namamalayan.
"Bakit ang dali para sa kanya na gumawa ng bagay na alam nyang makakasakit sakin?" Mahinang tanong ko sa kanya bago ako lumagok ng alak, "samantalang ako, iniisip ko muna ang mararamdaman nya bago ko gawin ang isang bagay.."
"Love is so unfair right?" Nakangiti nyang tanong sakin, "We're both in love to someone na hindi kayang ibalik ng buo ang pagmamahal na ino-offer natin.."
"But you know.. kung mahal ka talaga nya, hindi nya dapat hinahayaan na maramdaman mo ang takot na nararamdaman mo ngayon.. You should be at peace.." seryosong sabi nya sakin saka nya sinalinan ng alak ang baso ko, pagkatapos ay hinawakan ni Fon ang kamay ko, “Kung ikaw lagi ang nagbibigay, mapapagod ka talaga. Deserve mo rin yung pagmamahal na katumbas ng binibigay mo. Don't settle for less because you deserve the best..”
"Tama na yung paulit-ulit na ikaw na lang ang lumalaban," dagdag niya habang mahigpit na hinawakan ang kamay ko, tila pinaparamdam na hindi ako nag-iisa. "Hindi mo kailangang patunayan ang halaga mo sa isang taong hindi marunong magpahalaga sa'yo. Ang pagmamahal, dapat dalawa kayong nagtutulungan—hindi ikaw lang ang nagdadala ng lahat." Kalmadong sabi nya habang magkalapit ang aming mukha, seryoso sya sa kanyang mga sinasabi at nag-aagree ako don. Totoo naman kasi talaga. Bakit ko kailangang patunayan ang worth ko?
"Hindi mo kailangang magpanggap na okay ka kung hindi naman talaga. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay piliin yung sarili mo. Kasi kung hindi mo pipiliin ang sarili mo, sino pa ang gagawa nun para sa'yo?" Seryosong sabi ni Fon sakin, "Try to distance yourself, kapag hinanap ka, mahalaga ka.."
"Eh paano kung hindi? Paano kung lumayo ako tapos marealize nya na mas okay na wala ako sa buhay nya?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Alam mo na ang sagot kapag nangyari yon.." seryosong sagot nya sakin, "matalino kang tao, wag mong gawing tanga ang sarili mo.."
"You know I love her so much.." sagot ko sa kanya, "hindi ko sya kayang iwan.."
"Eh anong gusto mong gawin?" Taas kilay na tanong nya sakin, "intindihin mo sya habang buhay?"
"Hindi ba ganun naman talaga ang ginagawa ng taong nagmamahal?" Tanong ko sa kanya, "iniintindi natin ang taong minamahal natin kahit na deep inside ay tayo naman ang nadudurog.."
"Oo, tama ka.." naka smirk na sagot nya sakin, "bakit nga ba ako nag bibigay ng advice na hindi ko naman maapply sa sarili ko?" nakangiting dugtong nya bago sya lumagok ng alak, habang ako ay focus lang ang tingin sa kanya.
"Pareho tayong nagmamahal ng taong binabalewala tayo.. pero nandito pa rin tayo pareho para sa kanila kahit na nasasaktan lang tayo.. Nandito pa rin tayo para makinig, para umunawa, para umintindi at para mahalin sila.." nakangiting dugtong nya saka sya lumagok ng alak, "Ang tanga diba?"
❦❦❦❦❦❦