CHAPTER 35

4.6K 228 19
                                    

❦❦❦❦❦
FREEN's POV

Pagkatapos ng photoshoot, inayos ko ang mga gamit ko at siniguradong maayos ang mga dala ni Kaisha. Masyado nang gabi para mag-commute siya, kaya minabuti kong ihatid siya sa kanilang bahay. Tahimik kaming bumibiyahe, may kaunting pagod mula sa shoot pero nakapag-usap pa rin kami ng kaunti tungkol sa mga nangyari sa buong araw.

Nang makarating kami sa bahay nila, nagpasalamat si Kaisha sa paghatid ko at saka nagpaalam na papasok na. "Salamat, Freen.." sabi niya nang may ngiti. "Ingat ka sa pag-uwi."

Bumalik ako sa sasakyan at nagmaneho papunta sa bahay nila Becky. Hindi ko siya nakausap buong araw, kaya naman hindi ko maiwasang maghintay na makita siya. Pakiramdam ko'y may kung anong kulang, kaya't halos hindi ko namalayang mabilis akong nakarating sa bahay nila.

Pagdating ko, lumabas ako ng kotse at tinungo ang pinto. Magalang akong nagmano sa mga magulang ni Becky na agad namang bumungad. "Oh, Freen! Hindi kayo nagsabay ni becky pauwi?" tanong ni tita-mommy pagkatapos kong magmano.

"Hindi po, maaga daw po ang uwi nya ngayon kaya wag ko na daw syang sunduin.." kalmadong sagot ko.

"Anong oras na? Delikado sa daan.." tanong ni tito-daddy pagkatapos ay tumingin sa orasan na nakasabit sa pader, bakas sa mukha ang pag-aalala.

"I'll call her po.." nakangiting sabi ko bago ako lumabas ng bahay, sinubukan kong tawagan si becky ngunit hindi nya ito sinasagot.

Habang abala ako sa pagtawag kay Becky ay puno naman ng pag-aalala at kaba ang dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko sa kaba habang paulit-ulit kong tinitingnan ang oras sa telepono.

Maya-maya ay biglang may humintong kotse sa harapan ko, dahilan upang mapatigil ako sa pag lakad ng paikot-ikot.

Hindi ako pwedeng magkamali, kay Ron ang kotseng ito. Pero bakit dito sya huminto sa harap ng bahay nila becky?

Nang bumaba si Ron sa sasakyan ay naglakad sya patungo sa passenger seat door at marahan nya itong binuksan. Nang buksan na nya ang pinto ay bumungad sakin ang nakangiting mukha ni becky na bakas ang kalasingan. Tumayo siya mula sa kotse at inalalayan naman sya ni Ron.

Sa unang tingin ko pa lang, alam ko nang lasing na lasing siya. Mapula ang mga pisngi niya, at may bahagyang ngiti na hindi maalis sa kanyang mukha. Napasandal pa siya saglit kay Ron bago inayos ang kanyang sarili, medyo nanginginig pa habang nakatayo. "Thank you, Ron!" ang sabi niya, medyo pasigaw at masaya, tumatawa pa siya na parang wala siyang pakialam sa mundo.

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng selos nang makita kong magkasama sila ni Ron. Mag best friends sila pero alam kong higit pa doon ang tingin ni Ron kay becky, at higit sa lahat, lalaki si Ron, hindi okay sakin na sumasama si becky sa lalaki, lalo na kung ganito na wala sya sa kanyang sarili.

"Mahal, you're here.." nakangiting bati nya nang mapatingin sya sakin. Naglakad sya patungo sakin saka nya ako niyakap. Tinangka nya akong halikan sa harap ni Ron pero agad ko itong iniwasan, dahilan upang halikan nya ng padampi ang ibat ibang parte ng leeg ko.

"Enough.." madiing saway ko kay becky ngunit hindi sya tumitigil sa paghalik sakin, mabuti na lang at lumabas si Richie, kaya naman inutusan ko sya na alalayan si becky patungo sa loob ng bahay.

"Bakit mo sya hinayaang malasing?" Seryosong tanong ko kay Ron, mula umpisa ay hindi na talaga maayos ang pakikitungo nya sakin at alam kong ayaw nya sakin para kay becky.

"So kasalanan ko pa ngayon?" nakangiwing tanong ni Ron na tila nang iinis, "Bakit mo sya binibigyan ng dahilan para mag lasing?"

"What are you trying to say, huh?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Why don't you ask her?" nakangiti g sagot nya sakin na tila sinasagad talaga ang pasensya ko, "You're the girlfriend, but you're also the one who doesn't have any clue about her feelings… How pitiful!" Tumatawang dugtong nya 

"So do you think that you are better than me dahil lang alam mo kung ano ang nararamdaman nya?" Nakangiting tanong ko sa kanya bago ko sya tignan mula sa kanyang ulo hanggang sa paa, "You're not even close to being on my level." dugtong ko bago ako tumalikod at magsimulang maglakad papasok sa bahay.

"I never aimed to be on your level…" Sigaw nya, dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad, "because I know I can surpass you.." dugtong nya, kaya naman humarap ako sa kanya nang may ngiti sa labi.

"Really??" nakangiti kong tanong sa kanya habang nakataas ang kilay ko, "Prove it." Madiing dugtong ko bago ako lumapit sa kanya.

"Lalaki ako.." nakangiti nyang sagot sakin saka nya inilapit ang mukha nya sa mukha ko, "kaya ko syang bigyan ng anak.." dugtong nya, dahilan upang mainsulto ako ng husto, pero pinili kong ikalma ang sarili ko. "Dun pa lang sa kaya ko syang bigyan ng anak, talo ka na.. kaya wag mong isipin na gusto kong bumaba sa level mo.." tumatawa nyang sabi bago sya naglakad palayo.

"Oo kaya mo syang bigyan ng anak, pero hindi mo yun magagawa dahil nandito ako.." nakangiting sagot ko sa kanya, "Useless pa rin yang titi mo, hindi mo magagamit sa tanong mahal mo.." nakangiting dugtong ko bago ako naglakad palayo sa kanya. Alam kong nainsulto sya sa sinabi ko, pero dapat lang yon sa kanya dahil sa pang iinsulto nya sakin.

Kung akala nya ay magpapatalo ako sa kanya, nagkakamali sya.

Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ni becky. Inihatid na sya ni Richie sa kwarto at inihiga sa kama, ngunit nang makita nya ako ay bigla syang tumayo mula sa pagkakahiga. 

"Mahaaal.. I miss you.." nakangiti nyang sabi habang naglalakad patungo sakin upang bigyan ako ng isang yakap, ngunit agad kong hinawi ang kamay nya dahil sa sobrang inis ko, "Aww.. Why did you do that?"

"Im going home.." seryosong sagot ko sa kanya saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa pinto, ngunit agad nya akong niyakap kaya naman napahinto ako sa paglalakad, "Hindi ka ba dito matutulog?" kalmadong tanong nya sakin habang naka-back hug sakin.







❦❦❦❦❦❦

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon