❦❦❦❦❦❦
FREEN's POVPagpasok ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ni becky. Inihatid na sya ni Richie sa kwarto at inihiga sa kama, ngunit nang makita nya ako ay bigla syang tumayo mula sa pagkakahiga.
"Mahaaal.. I miss you.." nakangiti nyang sabi habang naglalakad patungo sakin upang bigyan ako ng isang yakap, ngunit agad kong hinawi ang kamay nya dahil sa sobrang inis ko, "Aww.. Why did you do that?"
"Im going home.." seryosong sagot ko sa kanya saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa pinto, ngunit agad nya akong niyakap kaya naman napahinto ako sa paglalakad, "Hindi ka ba dito matutulog?" malambing na tanong nya sakin habang naka-back hug..." Madiin at kunot noong sagot ko sa kanya.
"Kung alam ko lang na kasama mo yung Ron na yon at lasing kang uuwi ngayon, hindi na sana ako nag-abala na pumunta dito.." inis na sabi ko sa kanya, "we're worried about you, hindi ka nagtetext, hindi ka nagsasabi kung nasaan ka.. tapos uuwi kang lasing at kasama mo yung Ron na yon.." kunot noong sagot ko sa kanya.
"Anong mali don? He's my best friend since highschool.. Bawal ba akong sumama sa best friend ko?" Seryosong tanong nya sakin, dahilan upang makaramdam ako ng matinding pagkainis.
"Hindi kita pinagbabawalan na sumama sa kanya, ang ayoko lang ay yung iinom ka at magpapakalasing na sya ang kasama mo!" Madiing sagot ko sa kanya, "Lalaki pa rin sya.. and he is in love with you.. Hindi natin alam ang kaya nyang gawin.."
"He's a good guy.. Wala syang gagawing masama sakin.." kunot noong sagot nya na tila nawala ang kalasingan, "Bakit mo ba sya pinag iisipan ng masama?!"
"Bakit mo ba sya pinagtatanggol?!" Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko, "Alam mo naman na may gusto sya sayo, "You know he's in love with you, but you're still giving him reasons para umasa.."
"What the hell?? We're friends.. I didn't invite him to hang out just to give him false hope.." seryoso at madiing sagot nya sakin.
"So why did you invite Ron instead?" Seryosong tanong ko naman sa kanya habang ang mga boses namin ay nangingibabaw sa loob ng kwarto, punong puno ng tensyon.
"Because I feel like I'm all alone... Busy ka sa Kaisha na yon!" Sigaw nya sakin, dahilan upang mapailing ako sa inis. Such a childish reason!
"Nagtatrabaho kami Becky!!" Sigaw ko sa kanya, di ko na napigilan pa ang pagbugso ng damdamin ko, "wala kaming ginagawang masama!"
"Kami ba ni Ron meron?! Uminom lang kami, wala kaming ginawang masama!" Sigaw naman nya sakin na tila ayaw magpatalo.
"Punyeta naman! Nagta-trabaho kami ni Kaisha, ibang iba sa ginawa mo ngayon kasama ang Ron na yon!" Sigaw ko sa kanya, hindi nya kasi maintindihan ang point ko.
"Paano naging iba?! Pareho tayong may kasamang iba at pareho rin naman tayong walang ginawang masama!" Sigaw nya sakin.
"Trabaho ang dahilan kung bakit kami magkasama ni Kaisha, yun ang pinagkaiba ng sitwasyon nating dalawa!" Sigaw ko sa kanya.
"Trabaho o hindi, pareho lang tayong may kasamang iba!" Sigaw naman nya sakin, "Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko yung mga pictures nyo sa online habang shini-ship kayo ng mga fans nya?!"
"Finally, the truth came out of your mouth.. You purposely invited Ron dahil gusto mong maramdaman ko ang nararamdaman mo sa tuwing kasama ko si Kaisha.." inis na sagot ko sa kanya, "
"Yes! I invited Ron on purpose!" sigaw nya sakin na bakas sa mukha ang pagkainis, "What's wrong with that, huh? Pag ikaw pwedeng sumama sa iba, pag ako hindi?! Pag ikaw pwedeng kumain sa labas, pag ako hindi?!"
What the hell? Hindi ko inexpect na magiging ganito sya ka-immature ngayon.
"I never stopped you from going out with your friends, but I wish you'd let me know if you have plans, and I hope you’d also tell your parents if you'll be home late because they're worried about you too!" Sigaw ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko dahil sa galit, "Damn! Kasama ko si Kaisha dahil sa trabaho, hindi para magsaya! And here you are, doing all of this shit just because of your ridiculous jealousy! You didn’t even think about the people who worry about you! You're so selfish!"
"Ohh! So ngayon sinasabihan mo pa akong selfish.." nakangiting sagot nya sakin, "Kasalanan ko bang nasasaktan ako dahil sa mga nakikita ko?!"
"I know you're still young, but I didn't expect you to be this immature.." sabi ko sa kanya..
"Ako?? Immature??" Ulit nya habang nakataas ang kilay at nanlalaki ang mga mata nya sakin, "Fine! Immature na kung immature!! Kung gusto mong sumama sa Kaisha na yon, sumama ka! Wag kang magrereklamo if I'll do the same thing!"
"I know you're still young, but I didn't expect you to be this immature.." madiing sagot ko sa kanya bago ako naglakad palabas ng kwarto nya.
Pagbaba ko sa sala ay nadatnan kong nag-uusap ng seryoso sina tita-mommy at tito-daddy habang nakaupo sa sofa at tila sinadyang tumahimik nang lumapit ako sa kanila.
"Uuwi na po ako.." mahinahong sabi ko sa kanila saka ako nagmano sa kanila.
"Masyado ng gabi para umuwi, bakit hindi ka na lang dito magpalipas ng gabi?" seryosong tanong ni tito-daddy sakin, "pwede mong gamitin ang kwarto ni Richie.."
"Salamat po tito-daddy, pero kailangan ko pong umuwi ngayon.." nakangiting sagot ko sa kanya kaya naman inihatid nya ako palabas ng gate.
"Pagpasensyahan mo sana ang anak kong si Becky..." kalmado nyang sabi sakin nang makarating kami sa labas ng gate, hindi ko ineexpect na sasabihin nya yon sakin, siguro ay narinig nya na nag-aaway kami ni becky kanina, "at salamat sa pagpapaalala sa kanya na may magulang syang nag-aalala para sa kanya.." nakangiting dugtong nya saka nya tinapik ang balikat ko.
"Pasensya na po tito-daddy kung narinig nyo pa ang pagtatalo namin ni becky kanina.." kalmadong sagot ko sa kanya.
"Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagagalit, dahil kung ako ang nasa sitwasyon mo, siguradong magagalit rin ako.." seryosong sagot nya sakin, "Sige na, malalim na ang gabi.. Mag-ingat ka sa pag-uwi.." Nang sabihin nya yon ay agad ko syang niyakap bago ako sumakay sa aking kotse.
❦❦❦❦❦❦