CHAPTER 40

4.5K 225 21
                                    

❦❦❦❦❦
BECKY's POV

Pagmulat ng aking mga mata, sumalubong sa akin ang matinding liwanag mula sa maliit na bintana ng aking kwarto. Napapikit akong muli, pinilit ang sarili na bumangon kahit pa ang bawat galaw ay nagdulot ng sakit sa aking ulo. Napapikit ako ng mariin, sinusubukang kalmahin ang kirot. Malamang, naparami ang alak na nainom ko kagabi.

Hindi ko rin matandaan kung paano ako nakauwi. Ang huling alaala ko ay ang malalakas at matitinding sagutan namin ni Freen.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Ang screen nito ay nag-blink, hudyat na may mga natanggap akong notifications. Ngunit isang tao lang ang laman ng isip ko. Agad kong binuksan ang messenger app, umaasang makikita ko ang pangalan ni Freen na naka-highlight. Ngunit nang buksan ko ito, tumambad sa akin ang kawalan.. walang mensahe mula sa kanya.

Nakapikit pa rin ako habang mahigpit na hawak ang cellphone sa aking kamay. Ramdam ko ang malamig na hangin mula sa bentilador na tila pilit pinapakalma ang init ng aking pakiramdam. Ngunit kahit anong lamig ng paligid, tila wala itong epekto sa bigat na bumabalot sa dibdib ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago dahan-dahang buksan ang screen ng phone ko. Sinubukan ko syang tawagan, ngunit hindi sya sumasagot.

Tila tumigil ang oras habang pinakikinggan ko ang monotonong tunog ng pagri-ring sa kabilang linya. Paulit-ulit. Masyadong mahaba ang bawat segundo. Ngunit sa halip na marinig ang pamilyar niyang boses na sumasagot, ang malamig na boses ng operator ang bumungad sa akin. "The subscriber cannot be reached." Tumigil ang mundo ko sa saglit na iyon.

Isang malakas na katok naman ang narinig ko mula sa pinto ng kwarti ko, "Anak, becky.. Gising ka na ba?" Sigaw ni daddy mula sa labas ng kwarto kaya naman tumayo ako upang buksan ang pinto. Dire-diretso syang pumasok sa kwarto ko kaya naman isinara ko ang pinto habang sinusundan ko sya ng tingin. Naupo sya sa kama ko kaya naman naupo ako sa tabi nya.

"How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" Seryosong tanong nya sakin habang nakatingin ako sa sahig, alam ko kasi na kapag ganito na pinupuntahan nya ako sa kwarto ay may sasabihin sya sakin.

"Im sorry about last night, hindi po ako nakapagpaalam or nakapagsabi na gagabihin ako.." kalmadong sagot ko sa kanya, dahilan upang ngitian nya ako.

"You didn't answer my question, nakatulog ka ba ng maayos?" ulit nya sa tanong nya habang nakatingin sa mga mata ko, "I heard you crying the whole night.." dugtong nya, dahilan upang ma-speechless ako.

"Noong bata ka pa, ang lakas lakas ng iyak mo.. halos umaabot sa kapitbahay... kaya minsan ay nakakarindi, dahil hindi ako makatulog.." nakangiting kwento nya sakin habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko, "pero ngayon na tahimik kang umiiyak, at sinisiguradong walang makakarinig, halos hindi ako nakatulog sa pag-aalala.." dugtong nya na biglang nagpatulo ng luha sa mga mata ko.

"Alam kong naninibago ka sa sitwasyon nyo ni Freen, nakakaramdam ka ng selos sa mga taong nakakasama nya, at nagkakaroon kayo ng pagkukulang sa isa't isa.. nagkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan.. it's normal in a relationship na dumadaan sa mga ganitong pagsubok.." kalmadong sabi nya sakin saka nya ako niyakap ng mahigpit, dahilan upang umagos ang luha sa mga mata ko.

"Kaya nga hindi sapat ang love sa isang relasyon, kasi dapat ay may tiwala rin.." nakangiting sabi nya habang tinatapik ang likod ko, "Sa sobrang laki ng mundo, marami talaga tayong makikilala na magiging part ng journey natin.. Hindi natin sila pwedeng pagbawalan na kumilala ng iba dahil lang sa mahal natin sila.."

"Malaki ang tiwala ko kay Freen na hindi sya gagawa ng bagay na makakasakit sayo dahil nakikita ko kung gaano ka nya kamahal.. At kung nakikita ko yon, sigurado ako na mas nakikita mo yun.. dahil sayo nya ipinaparamdam ang pagmamahal nya.." kalmadong sabi nya saka sya tumitig sa mga mata ko, pinunasan nya ang mga luhang nasa pisngi ko, "Ang relasyon ay binubuo ng dalawang tao, pinagtitibay ng dalawang tao, hindi dapat isang tao lang ang umuunawa at nagbibigay.. if you love her, you will take care of her too.."

At doon ko narealize ang pagkakamaling ginawa ko kagabi, dahil sa selos ko ay nakagawa ako ng bagay na hindi ko dapat ginawa.

Sa pag-aya ko kay Ron na uminom kagabi, hindi ko namalayan na sinadya ko palang saktan si Freen.. Ang selfish ko.. Paano ko nagagawang saktan ang taong walang ibang ginawa kundi bigyan ako ng assurance? Masyado akong nagpadaig sa selos na nararamdaman ko kaya nakagawa ako ng bagay na makakasakit sa kanya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni daddy ay muli kong tinawagan si Freen, ngunit hindi pa rin sya sumasagot. Gusto ko syang yakapin, gusto kong humingi ng sorry sa nagawa at nasabi ko kagabi, pero hindi ko alam kung paano ko gagawin yon dahil hindi nya sinasagot ang tawag ko, hindi ko alam kung nasaan sya.

Nagtungo ako sa bahay ni Freen, pero wala sya doon, nagpunta ako sa bahay nila tita-mommy pero wala rin sya doon. Tinawagan ko sya ulit pero hindi pa rin sya sumasagot. Tinawagan ko sina Tee at Sky dahil madalas ay sila ang kasama ni Freen, "Hello, Tee? Kasama mo ba si Freen? Hindi kasi sya sumasagot sa tawag ko eh.."

"Hindi eh, out of town ako ngayon.. I'll try to call her, balitaan kita." sabi ni Tee, at ganoon din ang sinabi ni Sky sakin nang sya naman ang tawagan ko.

Pagkatapos ko silang tawagan ay dumiretso ako sa bahay ni Freen at doon ako nag stay upang maghintay sa pagdating nya.

Habang nakaupo ako sa sofa ay biglang tumunog ang phone ko kaya naman agad ko itong kinuha mula sa aking bag. Umaasa ako na si Freen ang nag message, ngunit nang tignan ko ang screen ay pangalan ni Cassy ang bumungad sakin.

"Nagkita na ba kayo ni Freen?" Message nya sakin.

"Hindi pa, pero nandito ako sa bahay nya ngayon, dito ko na lang sya hihintayin." Sagot ko.

"I think.. dapat mong makita tong picture na nakita ko sa X account ko kanina.." message nya sakin saka nya isinend ang picture na nakita nya sa kanyang X.

Nanlumo ako nang makita ko ang nasa picture.. at unti unting bumigat ulit ang pakiramdam ko.






❦❦❦❦❦❦

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon