❦❦❦❦❦❦
KAISHA's POVMaaga kaming umalis ni Tanya para sa photoshoot namin with Keds Clothes, bukod sa ayaw kong nale-late sa mga kaganapan ay excited rin ako na makita si Freen, gustong gusto ko talaga na makita sya ngayon. Gusto kong malaman kung bakit kamukha nya si Fierra.
Pagdating namin sa studio ay agad akong naupo sa isang upuan na nasa harapan ng malaking salamin, kaya naman lumapit sakin ang isang make up artist na syang mag-aayos sakin sa araw na ito.
"Good day, madam! Ayusan na kita huh?" Nakangiting bungad nya sakin kaya naman tumango ako at ngumiti. Pagkatapos ay nagsimula na syang ilabas ang mga make up na gagamitin nya sakin.
Binuksan niya ang maleta niyang puno ng mga makeup products—mga foundation, eyeshadow palettes, blush, at iba't ibang brushes. Agad siyang nagsimula sa paglagay ng primer sa aking mukha.
“Ang fresh mo na agad, madam!” biro niya habang kinakalat ang foundation sa mukha ko. Napangiti ako kahit na sanay na sanay naman na akong nasasabihan ng magagandang papuri. Sinimulan niyang i-blend ang foundation nang maayos, pinapantay nya ito sa kulay ng aking balat.
“Madam, excited ka na ba?” tanong niya habang sinisimulan na ang pag-contour ng aking mukha. Nakikita ko ang pag-focus niya, sinisigurado niyang bawat stroke ay maayos at walang kulang.
"Medyo kinakabahan pa rin ako, pero excited na ako.." nakangiting sagot ko sa kanya habang nakapikit ang aking mga mata, at sya naman ay nagpapahid ng foundation sa aking mukha.
“Wag kang mag-alala, madam! Ako ang bahala. Dadagdagan natin ang kagandahan mo today!” nakangiting sabi nya sakin.
"Hello, Miss Freen!" Sabi ni Tanya, kaya nang marinig ko ang pagbati nya kay Freen ay agad kong idinilat ang aking mga mata. Habang nakatingin ako sa salamin ay tanaw ko ang kagandahan ni Freen, tila nabuhay si Fierra sa katauhan nya. Hindi ako makapaniwala, halos manlambot ang mga tuhod ko sa nakikita ko ngayon.
"I am Tanya, the beautiful manager of Kaisha.." nakangiting dugtong nya saka nya iniabot ang kamay nya kay Freen.
"It's nice meeting you, Miss Tanya." Nakangiting bati ni Freen sa kanya, pagkatapos ay hinawakan ni Freen ang kamay nya upang makipag handshake.
Dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, naglakad ako palapit kay Freen at saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi nya. Pinagmasdan ko ang bawat hulma ng mukha nya, mula sa kilay, mata, ilong, labi.. halos lahat ay katulad ng kay Fierra.
Shit! Totoo ba ito?? Kamukhang kamukha nga sya ni Fierra!
"Kaisha! Stop it. Nakakahiya." Sabi ni Tanya sakin saka nya ako hinila palayo kay Freen. "I'm sorry, Miss Freen.. Ngayon lang kasi sya nakakita ng maganda bukod sakin.." nakangiting biro nya kaya naman ngumiti na lang din si Freen.
"Are you really the CEO of Keds Clothes?" Seryosong tanong ko kay Freen dahil puno ako ng pagtataka.
"Im sorry, Miss Freen, wala kasing tulog tong alaga ko kaya medyo bangag pa.. Pasensya na.." nakangiting sabi ni Tanya saka nya ako hinila palabas ng studio.
"What's wrong with you?!" Gigil na tanong ni Tanya sakin, "Nakakahiya kay Freen!" She scolded me like her own child. Eh ano ang gagawin ko? Gusto kong matiyak na kamukha nya talaga si Fierra, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos na makapaniwala.
"Nakita ba yon?" nakangiting tanong ko kay Tanya na nakakunot pa rin ang noo dahil sa nangyari, "kamukhang kamukha nya si Fierra!"
"Oo nakita ko.." taas kilay na sagot nya sakin, "kaya kapag nawalan ka ng trabaho, alam na alam ko rin ang dahilan!" dugtong nya bago nya ako irapan.
"Miss Kaisha, pinapatawag na po kayo ng photographer.. Magsisimula na daw po ang photoshoot.." nakangiting sabi ng staff, kaya naman pumasok na ako ulit sa studio upang ipagpatuloy ang pagme-make up.
Pagkatapos ng mahabang oras sa makeup chair, sa wakas ay handa na ako para sa photoshoot. Nagtungo ako sa center ng set, pakiramdam ko ay handang-handa na akong mag-project sa harap ng camera. Pero nang makita ko si Freen na nakatayo sa gilid, nakatingin at nakangiting parang may iniisip, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Isang simpleng ngiti lang iyon, pero para bang may dalang kahulugan na nagpatindi sa kaba at excitement na nararamdaman ko.
Napakagat-labi ako sandali para pigilan ang ngiti ko. Ayoko namang mahalata niya na kinakabahan ako—gusto kong mag-focus sa shoot at, higit sa lahat, gusto kong ma-impress siya. Kaya, huminga ako ng malalim, inalala ang mga tips na binigay ng photographer, at sinimulan kong galingan ang bawat pose.
Pagkatapos ng photoshoot ay nakaramdam kami ng matinding pagod at gutom. Nakakapagod magpapalit-palit ng damit at mag pose sa harap ng camera, ramdam na ramdam ko ang gutom. Palabas na sana kami at pasakay ng kotse nang biglang lumapit si Freen at inaya kami na kumain na muna sa labas bago umuwi. So shempre tinanggap namin ang alok ni Freen, sino ba naman ang tanga na tatanggi sa libre diba? Eapecially, si Freen ang nag-aya.
Pagdating namin sa restaurant ay agad kaming umorder ng masasarap na pagkain na makakapagparamdam samin ng matinding kabusugan, although nagbabawas ako ng timbang.
Pagkatapos umorder ay nagsimula ng magkuwentuhan ang lahat, bakas sa mukha ng bawat isa ang saya habang nagkukwentuhan, habang ako ay naka-focus lang ang tingin kay Freen.
Shemay! Napakaganda nya, mas lalo ko tuloy na-miss si Fierra dahil para syang nabuhay ulit sa katauhan ni Freen.
"May dumi ba ako sa mukha?" Nakangiting tanong ni Freen sakin, ngunit tila wala ako sa wisyo para sagutin ang tanong nya, nanatili akong naka-focus sa maganda nyang mukha kaya naman tinapik ako ni Tanya upang gisingin ang diwa ko.
"May I ask you something?" tanong ko sa kanya kaya naman agad syang timango, "Im just curious..."
"Curious about what?" Nakangiting tanong nya sakin bago sya uminom ng tubig nya, kaya naman di na ako nagsayang pa ng pagkakataon.
"Nagpa-retoke ka ba ng mukha?" Seryosong tanong ko sa kanya, dahilan upang masamid sya at maibuga ang tubig na nasa bibig nya.
"Well, im just curious kung nagpapalit ka ng mukha or nagpa-enhance ka.." seryosong paliwanag ko sa kanya upang hindi sya ma-offend, agad namang natawa si Fon sa sinabi ko.
"Uhm you don't need to answer that, it's something personal and we respect that.." nakangiting sabi naman ni Tanya na talagang hadlang sa mga gusto kong malaman.
❦❦❦❦❦❦