❦❦❦❦❦❦
FREEN's POVPagdating ko sa studio, agad kong napansin si Kaisha na abala na sa kanyang pag-aayos. Nakaupo siya sa harap ng isang malaking salamin na may ilaw sa paligid, habang ang make-up artist ay maingat na naglalagay ng foundation sa kanyang mukha upang magmukha itong fresh at flawless. Kasama rin ang hair stylist na nakatutok sa pag-aayos ng kanyang buhok, dahan-dahang nagse-section ng bawat hibla upang makamit ang desired look para sa photoshoot.
Nakaupo si Kaisha nang kalmado, ngunit kita sa kanyang mga mata ang excitement sa gagawing shoot. Pinagmasdan ko siyang maigi habang sinisigurado ng team na bawat detalye ng kanyang look ay on point. Mula sa tamang pag-contour ng kanyang cheekbones hanggang sa pagpili ng perfect shade ng lipstick, tiniyak ng make-up artist na lalabas ang natural na ganda ni Kaisha, bagay na bagay sa theme ng Keds Clothes photoshoot.
"Hello, Miss Freen!" Nakangiting bati sakin ng isang babaeng nasa likuran ni Kaisha bago ito tumayo at lumapit sakin, "I am Tanya, the beautiful manager of Kaisha.."
"It's nice meeting you, Miss Tanya." Nakangiting bati ko sa kanya bago ko hawakan ang kamay nya na kanina pa naghihintay sa kamay ko.
Pagkatapos namin mag shake hands ni Miss Tanya ay bigla namang lumapit sakin si Kaisha, hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko na tila ine-examine ng mabuti ang mukha ko, dahilan upang manlaki ang mga mata ko sa pagtataka.
"Kaisha! Stop it. Nakakahiya." Sabi ni Miss Tanya sa kanya saka nya ito hinila palayo sakin.
"Im sorry, Miss Freen.. Ngayon lang kasi sya nakakita ng maganda bukod sakin.." nakangiting sabi ni Miss Tanya kaya naman ngumiti na lang ako. Ayaw ko rin namang gawing big deal ang bagay na ito.
"Are you really the CEO of Keds Clothes?" Seryosong tanong sakin ni Kaisha, hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o maiinsulto sa tanong nya.
"Im sorry, Miss Freen, wala kasing tulog tong alaga ko kaya medyo bangag pa.. Pasensya na.." nakangiting sabi ni Miss Tanya saka nya hinila palayo sakin si Kaisha.
Pagkalabas nila sa studio ay dumating naman si Fon at ang aming photograper na si Ink, agad silang nagsimula ng kanyang partner na si Pat sa pagse-set up ng mga ilaw na kakailanganin para sa photoshoot.
Habang inaayos ang setup, binanggit ni Fon ang mga shots na plano niyang ipagawa kay Kaisha, mula sa close-up hanggang sa full-body shots para mas maipakita ang mga damit ng Keds Clothes.
Nang magsimula na ang photoshoot ni Kaisha ay tumayo ako sa gilid upang panoorin siya sa bawat pose na ginagawa niya. Nakakaakit ang kanyang presence sa harap ng camera; bawat galaw niya ay may kumpiyansa at grace, na para bang ipinanganak siya para sa ganitong klaseng trabaho. Minsan ay nakakasilaw ang mga ilaw mula sa setup, pero hindi ito nakakaapekto sa kanyang focus—talagang sanay siyang humarap sa camera.
Habang nagpo-pose siya, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi maikakaila ang kagandahan niya, at bawat damit na suot niya mula sa Keds Clothes ay bumabagay sa kanyang estilo at personalidad. Kitang-kita ko na magaan lang para sa kanya ang photoshoot; nagagawa niyang mag-pose nang natural at effortless, bagay na siguradong magpapalapit sa brand namin sa puso ng mga tao.
Sa bawat click ng camera, nakikita ko ang potential ng campaign namin. Sigurado ako na marami ang tatangkilik ng Keds Clothes dahil sa kanya.
Habang patuloy ang photoshoot, lumipat-lipat ang photographer sa iba't ibang anggulo upang makuha ang pinakamahusay na shots. Sa isang bahagi, nag-pose si Kaisha na may hawak na cap na mula rin sa Keds Clothes, tila relaxed at effortless. Sa bawat ngiti niya, talagang lumalabas ang natural na charm na mayroon siya.
Nagsimula na ring mag-experiment ang photographer sa lighting at background, nagdadala ng iba't ibang props upang mas ma-enhance ang mga larawan. Nakakatuwang makita ang dynamics ng team habang nagtutulungan sila upang makuha ang perpektong shot.
"Okay, let's try something a little different!" sigaw ng photographer. “Kaisha, can you give us a more serious look this time?”
Tumango si Kaisha at agad na nag-adjust sa kanyang expression. Sa isang iglap, nawala ang kanyang ngiti at nagtransform siya sa isang fierce model, na parang handang ipakita ang lahat ng emosyon na kinakailangan para sa shoot.
Talagang napaka-visionary ng partnership na ito. I knew that with Kaisha’s influence and charm, the Keds Clothes campaign would not only be a hit but would also create a lasting impression sa mga customers.
Pagkatapos ng photoshoot ay inaya ko sila na kumain muna bago umuwi, nakita ko kasi ang pagod ng bawat isa para sa campaigne na ito, at simpleng dinner lang ang naisip kong papawi sa kanilang pagod para sa araw na ito.
Pagkarating namin sa Viva restaurant ay agad kaming naupo sa VIP table, umorder kami ng mga pagkain na magpapawala ng pagod namin.
Pagkatapos umorder ay nagkwentuhan sila about sa photoshoot habang ako naman ay busy sa pagta-type ng message kay becky.
"Mahal, kakain kami sa labas. Wag mo na akong hintayin." Message ko sa kanya bago ako magsimulang makipag kwentuhan sa kanila.
Napansin ko na habang busy ang lahat sa kwentuhan at tawanan ay busy rin si Kaisha sa pagtitig sakin, dahilan upang makaramdam ako ng pagkahiya. Hindi kasi ako sanay na may tumititig sakin maliban kay becky.
"May dumi ba ako sa mukha?" Nakangiting tanong ko kay Kaisha na nananatili pa rin na nakatulala sakin, kaya naman agad syang tinapik ni Miss Tanya..
"May I ask you something?" Tanong nya sakin kaya naman tumango ako bilang sagot, "Im just curious..."
"Curious about what?" Nakangiting tanong ko sa kanya bago ako uminom ng tubig.
"Nagpa-retoke ka ba ng mukha?" Seryosong tanong nya sakin, dahilan upang masamid ako at maibuga ko ang tubig na nasa bibig ko. Agad namang pinunasan ni Fon ng tissue ang damit ko na nabasa ng tubig.
"Well, im just curious kung nagpapalit ka ng mukha or nagpa-enhance ka.." seryosong paliwanag nya sakin, dahilan upang matawa si Fon.
"Uhm you don't need to answer that, it's something personal and we respect that.." nakangiting sabi naman ni Miss Tanya na bakas sa mukha ang pagkahiya.
❦❦❦❦❦❦