Forever 5 (Outing)

5.6K 93 7
                                    

Inspired 'to nung Amaplaper Issue ni Ateng Maharot na humalik este sumipsip sa ilong ni DJ XD

________________________________________

Gino's POV

Nag-aayos sila nang Baggage sa likod ng Van habang ako papalabas pa lang bahay...

"Kuya Gino.. Amin na baggage mo."sabi ni Julia tapos inabot ko sa kanya yung maleta ko.

"The Fudge.. Bea ano yan Trolley?"asar ko sa kanya yung maleta niya kasi eh parang Trolley ng Kinder.

"Leche ka Gino mang-asar ka pa."sabi niya sabay irap ako naman nilagay ko yung Headphones ko sa tenga ko at sumakay na sa Van.. Pumweseto ko sa pinaka-Dulo para peaceful. Naalala ko na naman yung scene namin ni Isabel kahapon..


*Flashback*

Ni-rurush ko ang trabaho ko dahil nga may outing bukas plus ang engagement nila Francis at Ella.

"Gino, Tara Lunch tayo please."aya ni Isabel wala si Sherylle? Nag-lunchbreak muna siya kaya nakapasok nang basta basta etong si Isabel.

"I am Sorry pass muna ko madami akong ni-rurush may lakad ang barkada bukas."sabi ko.

"Ahh ganun ba? Tulungan kita gusto mo?"sabi niya tapos lalapit sana siya sa mga papeles ng matapilok siya.

"Uy!"tawag ko sa kanya pero wala eh bumagsak yung mga papeles.

"Opps... Sorry Gino.. Sorry talaga."sabi niya tapos inayos yung papeles ako naman nilapitan ko siya at tinignan ang paa niya kahit papaano eh tinuring ko 'tong kapatid.

"Ayos lang ba paa mo?"

"Yup okay lang di naman masakit eh since 2 inches lang naman yung heels ko."sabi niya tapos tinulungan ako sa papeles at nilagay iyon sa Desk ko, Magkatabi kami habang inaayos yun nung napatingin ako sa kanya biglang..

*Tsup*

"I am Sorry.. Di ko sinasadya."

"Gino i'm sorry."

"No it's okay."sabi ko tapos umupo na ko sa upuan.

"No Gino it's not okay, Sorry talaga."

"Okay na nga eh Haha sige una na ko."sabi ko sabay labas nang Office ko, Oo ako talaga lumabas nang Office ko nakakailang kaya pero sa lower lip lang naman yun tumama eh.


Grabe nakakailang pa din yun Haha yung nahalikan ko eh si Mikay eh Hay Accident lang yun hayaan mo na Gino Spare mo na kay Isabel yun kawawa naman 4 years ka niyang tinyaga.

*End of Flashback*


"Lalim nang iniisip mo Gino ah."sita ni Jao sabay bato ng cornicks sa mukha ko.

"Hilig mo ang manita noh?"sabi ko sabay alis ng Headphones ko at binato ko yung pillow dito sa likod sa kanya. After kong mabato si Jao parang nakita ko si Mikay sa labas kaya napa-yuko ako.

"Di ko alam nasasaktan pa din ako kung.."magsasalita pa sana ko nang pinutol ako ni Francis.

"Kung na saan man ang kapatid ko.. Sana masaya siya okay, Kung Buhay man siya o Wala sana masaya siya."sabi ni Francis.

"At saka wala kang kasalanan, Sadyang Manhid ka lang talaga."dagdag pa ni Jacob napansin kong tinignan nila ng masama si Jacob.

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo."sabi niya na parang naghuhugas ng kamay.

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon