Forever 40 (Her Plans)

4K 69 13
                                    

Isabel's POV

Naglalakad ako papuntang Coffee Shop nakasalubong ko pa si Sherylle pero inirapan niya ko, Hindi ko muna siya papansinin dahil wala akong paki-alam sa kanya for now isa lang ang problema ko yung bwisit na Paul Vega na yun!! Pumasok ako sa loob nun at nakita ko siyang prenteng-prenteng naka-upo.

"Kailangan mo?"tanong ko sa kanya at umupo sa harap niya.

"Tigilan mo na binabalak mo, Alam ko binabalak mo gusto mo silang paghiwalayin di ba?"napa-smirk ako, Akala ko ba doctor siya? Pero bakit daig pa niya ang isang Private Investigator?

"Paki mo ba?! Sino ka ba pakielamero ka masyado eh!"bulyaw ko sa kanya, paki-alamero masyado.

"Oo may paki ako kasi kaibigan ko sila, Mahal nila ang isa't-isa kaya pwede ba lubayan mo sila."sabi niya sa akin, Mahal nila ang isa't-isa? Lulubayan? Impossible!!

"Ayoko nagtiis ako kaya dapat sa akin siya mapunta pero sa isang iglap nawala yun dahil sa kanya!"sagot ko sa kanya, Nagtiis ako sa Loob ng Anim na taon para kay Gino pero ano?! Sa isang iglap? Mawawala dahil sa pesteng Jane Fernandez na iyon?

"Pwede ba please calm yourself, True Love waits at malay mo nasa tabi mo na yun kaya wag kang ganyan stop being a spoiled brat, Hindi kayo para sa isa't-isa."ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito?

"Sino ka para magsabi na hindi kami ang para sa isa't-isa?"sagot ko sa mga sinasabi niya.. Dapat pala nasa mental itong lalaking ito eh.

"Just Open your eyes wag kang magpaka-Obsessed sa kanya na darating sa punto na masasaktan mo siya, Kung mahal mo siya let him go."sabi niya at umalis napa-buntong hininga lang ako! Sino ba siya at nangingelam siya sa gusto kong gawin?! Kinuha ko ang phone ko at de-nial ko ang number ng inutusan ko.

"Hello."sagot ko.

"Hello ma'am hindi pa po namin nagagawa masyadong maraming kasama ang babaeng ito hahanap pa po kami ng tiyempo na siya lang mag-isa."

"Bilisan niyo habang tumatagal eh naiinip na ko! Mas mabilis mas malaki ang bayad."sabi ko at binaba ko na.. Tumayo na ako at naglakad palayo.. Im Isabel De Leon and im capable of everything.


Sino nagsabi na Obssessed ako kay Gino? I love him and marami na akong sinakripisyo sa kanya pero sa isang iglap isang Jane Fernandez lang ang nakakuha?! NO WAY!! Magdusa siya dahil nalalapit na ang pagkikita nila nang mga Magulang at Kapatid niya.

====================
====================


Nilalaro ko ang white cat ko na si whiskers..

"Anak may meeting lang ako sa isang importanteng tao ikaw muna ang bahala dito sa bahay ah, Kung gigimik kayo ni Sam eh utusan mo si Nanay Jo na i-lock ang bahay."sabi ni Daddy sa akin.

"Okay Dad."sabi ko at umalis na siya. Nilalaro ko si Whiskers nang maalala ko lahat ng sakit na nakita ko..


*Flashback*

Naiinis ako bakit pa kasi kay Jane nalaglag yung bouquet na kinukuha namin kanina pero okay lang naman sa akin eh kung hindi lang din nalaglag sa ulo ni Gino yung garter nakakaasar!!!


Hanggang sa nabibingi ako dahil sa kantyawan nila kay Jane at Gino yung Tradition Chuchu daw pero kamay ginamit ni Gino kasi maitim ang legs ni Jane Bwahahaha pero imbes na matawa ako eh naiinis talaga ako nagawa pa nilang mag-titigan at tumayo si Jane at nag-walk out buti nga nilalayuan niya si Gino eh pero ang nakakainis sinundan siya ni Gino kaya tumayo ako at sinundan silang dalawa..

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon