Forever 33 (She Break His Heart)

4K 66 9
                                    

Dahil natutuwa ako sa Feedbacks sa Previous Chappie.. Eto Dalawa ang UD ^_^

Iniisip ko kung gagawa pa ba ko ng Trailer eh matatapos na yung Story Hahahaha XD

_________________________________

Jane's POV

Naglalakad-lakad ako sa park tinatanaw yung mga bagay-bagay nag-iisip ng mga bagay-bagay...

Paano kaya kung hindi nawala si Mikay at sila ni Gino ngayon? Paano kung hindi ko na-meet si Gino anong mangyayari? Paano kung iba nga talaga ang nakatadhana para sa akin?


Paano ku-

"Sino 'to?"medyo natatakot kong tanong may nagtakip kasi sa mata ko eh.

"Hulaan mo po."parang batang sabi nitong nagtakip sa mata ko kinapa ko yung kamay niya hanggang sa mukha, Hinaplos ko yung Noo, mula mata hanggang sa matangos na ilong hanggang sa makarating sa labi.. Alam ko kung sino ito.. Kilalang-Kilala ko.

"Gino."sabi ko tapos humarap ako sa kanya at tumambad sa akin ang gwapong lalaki na ang laki ng ngiti.

"May nalalaman ka pang haplos-haplos diyaan! Na-miss mo ko noh? Sorry nga pala at hindi ako nakapunta kahapon sa Engagement Party ni Tammy at Jao may inasikaso kasi ako sa Office."sabi niya kaya pinisil ko na lang yung pisngi niya.

"Okay lang."sabi ko ng nakangiti at naglakad na ko pwede bang wag na lang ako makipang-break sa kanya?

"Uy wag ka nga."sabi niya at yinakap ako, Back Hug.

"Bakit?"sabi ko tapos lumingon ako para makita ko siya.

"Wag mo kong tatalikuran ulit ng ganoon ha! Ayokong mawala ka."sabi niya at hinigpitan pa yung yakap niya sa akin.

"Nasa public place po tayo PDA ito."sabi ko tapos inaalis ko yung kamay niya sa bewang ko natatakot ako na baka di ko magawa eh.

"Haha okay tara lakad tayo dun oh."sabi niya at tinuro yung puno. Holding Hands while Walking kaming dalawa sobrang sweet niya ngayong araw baka mahirapan naman akong pakawalan siya.

"Jane tara silong tayo umuulan na."sabi niya at hinahatak ako pero hindi ako nagpapahatak at nakatayo lang ako doon.

"J-Jane?"tanong niya.

"Gino Thank You, Dahil sa iyo nakakakaya ko ng hindi matakot sa ulan."sabi ko feeling ko tutulo na ang luha ko.

"Wala yun pero Jane tara na magkakasakit tayo kapag di tayo sumilong."sabi niya at pilit na hinahatak ako.

"No."sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Gino, Thank you sa mga araw na kasama kita, sa pagpapasaya mo sa akin, sa mga pagpapakilig Thank you talaga."

"For what Jane?"

"I am sorry but let's break up."sabi ko at binitawan yung kamay niya.

"Jane."sabi niya at yinakap ako back hug..

"Gino i am sorry let's break up masakit para sa akin pero hindi tayo pwede Gino."sabi ko sa kanya nang humarap ako.

"Bakit hindi tayo pwede?! Jane Mahal kita, Mahal mo ko Ano bang Problema dun? Ano ang bawal doon?!"

"Bawal tayo kasi si Lolo Raymond ang nagpakidnap sa inyo ni Mikay noon, Si Lolo Raymond na kalaban ng Kompanya niyo!! Gino naiintindihan mo ba ko? Magalit ka Gino wag mo kong mahalin!! Magalit ka sa akin!!"

"J-Jane..."di siya makapag-salita nakayuko lang siya hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

"Magalit ka sa akin Gino Magalit ka!! Sumbatan mo ko !!! Sabihan mo ko ng masasakit na salita para mapigilan ko yung nararamdaman ko sa iyo kasi hindi tayo para sa isa't isa kayo ni Mikay ang para sa isa't-isa!! Gino, Julia is Hoping na buhay pa din si Mikay para sa iyo sumulpot lang ako sa buhay mo pero hindi ako si Mikay."sabi ko kay Gino at umalis na ko pinipigilan ko ang sarili ko ayokong lumingon dahil masasaktan lang ako.. Ayo-

"Bitaw Gino."sabi ko, Binack-Hug niya ko eh. Nilingon ko siya at ngumiti..

"Alam kong minahal mo ko dahil kamukha ko si Mikay!! Iyon ang totoo dahil ambilis masyado, Please pakawalan mo na ko ayokong masaktan ng mas malala di tayo para sa isa't-isa."sabi ko at humiwalay sa yakap niya at tumakbo na masakit sobrang sakit !!!

-;-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-;-
Gino's POV

May mas sasakit pa ba sa nangyari kanina? I want her back wala siyang alam.. Hindi niya alam kung ano pakiramdam ng napagiiwanan pero Mahal na Mahal kita


"I Love you... Mikay."

____________________________________

OA? Trying Hard magpaiyak.. AKO YUN -_-

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon