Forever 25 (Jane's Phobia)

4.7K 63 5
                                    

Jane's POV





"Anong alam mo?"

"Anong sabi mo?"

"Wala, pumasok ka na doon mamaya hinahanap ka na ng asdfghjkl mo sige."


Syet! Sakit na naman nung Ulo ko nakakainis etong mga nakaraang araw napapadalas ang pagsakit nung Ulo ko then may nakikita akong mga scenes nakakainis..



"Uy Jane anyare sa iyo?"biglang sulpot ni Luisa.



"Wala sumakit lang ulo ko, Tara kain na tayo ma-lalate pa tayo di ba sabi mo sasama kayong tatlo sa Baguio at mag-sisight seeing?"sabi ko sa tatlong babae.



"Oo nga, Ready na kami kanina pa.. Duh?!"sabi ni Bianca habang inaayos yung DSLR niya.



"Yup Ready na Ready, Doon daw kami sa Rest House natin."sabi ni Luisa.



"It means di kami makikigulo sa inyo ni Gino sa Rest House nila."singit naman ni Ria na kain lang nang kain.



"Tss.."at ayun kumain na lang ako nang marinig namin ang..



"Miss Jane nandito na po si Sir Gino."sabi ni Michelle.



"Si George?"tanong ko siya ang butler namin eh.



"May ginawa lang pong importante."sabi ni Michelle sa akin at ngumiti minadali ko yung pagkain ko nang breakfast.



"Uy Hinay-hinay lang di ka naman mauubusan noh?"matawatawa si Gino na sumulpot lang na parang kabute.



"Ewan."sabi ko at sumubo na.



"Oh saan kayo pupunta?"tanong ni Gino dun sa tatlong itlog.



"Uhm sasama sa baguio mag-sisight seeing kami eh."sabi ni Luisa.



"Ah okay sige una na kayo sa kotse."sabi ni Gino tapos tumakbo yung tatlo dala yung maleta nila.



"Kasya ba tayo dun sa kotse mo?"baka pang-dalawa lang dala niya...



"Oo naman SUV dala ko eh."pagmamayabang niya.. Tss.. Yabang talaga. Nang maubos ko yung kinain ko eh nag-toothbrush ako at kinuha yung maleta ko then siya na yung nadala nun.. Gentleman din pala ang loko sumakay na ko sa shotgun sa passenger kasi yung tatlong itlog..



"Grabe excited na kong bumalik sa Strawberry farms."Luisa.


"Mag-haharvest tayo nun ah, saka dapat yung matatamis!"kinikilig na sabi ni Bianca.


"Then mag-hohorseback riding tayo!!"Ria.


"Kyaaaah !!! OMG i'm so excited i just can't hide it!"tili nila.



"Argh !!! Shut up! ngayon lang pupuntang baguio?!"inis na sabi ko... Ewan ko kung bakit bigla ako nainis ngayong araw.



"Init nang Ulo Bebe Jane ah.."Ria.


"Oo nga kanina pa yan."Bianca.


"Masakit Ulo mo?"Luisa.


"Oh baka meron na."tae!



"Bastos talaga nang bunganga mo eh no?!"



"Anong bastos dun? Oy may kapatid akong babae kaya alam ko kung bakit naiinis yun kung hindi mood swings, MERON."talagang pinagdiinan pa talaga putris! Wala naman..



"Wala kaya ewan ko sa iyo.."sabi ko at sumandal na lang ako at natulog. Nagising ako nang nasa sasakyan pa din.. At naka-park sa Gasoline Station! GOOD



"Uhm Jane sorry kung iniwan ka namin nagpa-Gas lang ako tapos bumili lang nang pagkain sina Luisa, Uhm Coffee you want?"tanong ni Gino sa akin.



"Hindi na."sabi ko at sumandal ng dumating na yung tatlong itlog.



"Oh Bebe Jane, Frappe mo at Muffin."sabi ni Ria at inabot yung paper bag then ayun nagpa-andar na si Gino medyo matagal-tagal yung biyahe namin.. Soundtrip, Kwentuhan, Tulog tapos Stop Over then ayun parang paikot-ikot lang hanggang dumating kami sa Baguio madilim na.



"Thanks sa paghatid sa amin dito sa rest house enjoy kayo."sabi ni Luisa at bumaba na.. Si Bianca at Ria? Ayun kinukuha yung bagahe nila.



"Nga pala saan resthouse niyo?"tanong ni Ria.



"Dun."turo ni Gino tapos tumango yung tatlong itlog tapos nag-drive na si Gino at nakarating kami sa Rest House niya... WOW Ang laki *u*



[A/n: Rest House ni Gino at Jane sa side -------------->]



Mukhang magiging maganda ang Stay ko dito ah..



"Do you like it?"tanong niya sa akin.



"Haha Oo naman ang ganda ng Resthouse mo Gino! Gusto ko ng itapon yung Resthouse ko at dito na lang ako titira."sabi ko sa kanya habang kinukuha yung maleta namin sa likod nung SUV.



"Haha Dito ka naman talaga titira eh kapag kinasal na tayo."sabi niya kaya napatitig ako sa kanya.. Tapos nag-smirk siya kaya napaiwas ako ng tingin... Ang gwapo kasi eh, Tangos pa ng ilong!



"Oh bakit namumula ka?"



"Hindi kaya.. Tara na nga!"sabi ko at hinatak ko na yung maleta ko at pumasok sa loob.



"Dun yung kwarto mo."sabi ni Gino at tinuro yung isang pinto at hinatak ko na yung maleta ko narinig ko pa siyang tumatawa.. Tss.. nilingon ko siya at nakita ko na nakangiti siya kaya inirapan ko siya.. nakakaasar!


Kahit na gabi na kitang-kita pa rin sa Glass Window yung ganda nung view.. Puro puno refreshing dahil sa maaga kami bukas eh natulog na ko.





"Jane gising na maaga tayo pupunta sa site."sigaw ni Gino habang kumakatok bumangon ako at pinagbuksan ko siya ng pinto.



"Ano ba yan?! Maghilamos ka nga muna may Panis na laway at muta ka pa!"sabi niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.



"Pero kahit na may panis na laway at muta ka ang ganda mo pa din.. Naku kapag kinasal tayo malamang araw-araw kitang makikitang ganyan masanay ka na."



"Aba paano ka naman nakakasigurong ikaw ang pakakasalan ko eh hindi pa nga tayo!"



"Edi tayo na para ako ang pakakasalan mo."



"Ewan ko sa iyo! Dun ka na maliligo na ko."



"Okay Ge magluluto lang ako."sabi niya at sinaraduhan ko siya ng pinto.. Ako naman eh nagtatatalon!! Bakit ba?! Masamang kiligin?! Di pa kami pero sa simpleng bagay lang eh napapakilig niya ko.


Agad akong naligo at sinuot ang Corporate Attire ko at kinuha ko yung Documents at yung prints matatapos na daw kasi yung site eh kaya sisilipin namin, Lumabas na ko nang Kwarto ko at nakita ko si Gino naka-Corporate Attire at naka apron.. di ko alam pero pft...



"Pft hahahaha!! OMG Gino hahaha Ano yan? Parang asawa lang ah hahaha!!"sabi ko at tawa pa rin ng tawa siya naman nakatingin lang sa akin na parang naaasar.



"Tapos ka na tumawa?"



"Hindi pft.. hahaha pa hahaha."



"Okay ka na?"



"Teka lang hahaha."



"Ano okay ka na? Tapos ka na tumawa?"



"Hahaha wait nga lang sabi eh hahaha-hmmm.."


Nanlaki ang mata ko, D-Did he just kiss me?! OMG!!! Di pa nga kami pero maka-halik naman 'tong tao na ito eh Ghaaaddd Kissing Monster!



"Oh di natigilan ka? Parang ngayon ka lang nakakita ng ganito eh."sabi niya at bumalik sa pagluluto ako eto NGANGA pa din.



"Uy Halika na nga kumain ka na Limang Minuto ka nang nakatunganga diyaan, Di maka-get over?"



"Ewan ko sa iyo! Kissing Monster ka."



"Hindi kaya, Ginawa ko lang yun ang ingay mo kasi eh."sabi niya at kumain na kami.. Banana Pancake with Whip Cream, Chocolate Syrup and Chocolate Chips Yummy!.



"Para ka namang bata kumain!"sabi ni Gino sa akin tapos pinunasan yung gilid nang labi ko kaya napatigil ako... pero ang nakakagulat eh sinubo niya. Nag-init naman yung cheeks ko sa ginawa niya.



"Bilisan mo ma-lalate tayo sa site kailangan na nating ma-check kung okay lang yung mga equipments dun."sabi niya sa akin then ayun binilisan naming kumain then nagtoothbrush at nag-ayos siya ng Attire niya medyo tabingi pa yung necktie kaya nilapitan ko siya at inayos ko yung necktie niya.



"Ayan na."sabi ko at bigla ko napatingin sa mukha niya na nakatingin sa akin, Naiilang ako shet kaya binitawan ko na yung necktie at kinuha yung folders at sumakay sa kotse niya.. Sumakay naman siya.



"Tara na."sabi niya at nag-seatbelt na ko.





-;-;-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-;-;-
Luisa's POV





Nasa Strawberry Farm kami ngayon at tirik na ang araw ilang oras na nga kami dito eh.



"Sana UMULAN!! Sobrang jineeet!"sigaw ni Bianca at bigla kaming natigilan kasi may pumatak na tubig sa mukha ko.



"Yuck! Kadiri ka Bianca !! Ewww ano 'to?! Laway?!"sigaw ko.



"Oy hindi kaya ako yun."



"Eh sino?!"



"Oh syet! Umuulan!"Ria.



"Syet Ria!! S-si."Ako.



"Luisa Si ano?!"Bianca.



"Shit si Bebe Jane!! Tawagan niyo!"sigaw ni Ria at ako naman madali kong kinuha phone ko habang tumatakbo kami para sumilong dun sa may puno ng Mangga.



"Shit si Bebe Jane !!!"sigaw namin..





-;-;-;-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-;-;-;-
Gino's POV





Palabas na kami nitong si Jane nang Site at nagtatalo kami kung saan kami kakain nang Lunch.



"MCDO na lang tayo mag-lunch para love kita."sabi ni Jane, Medyo kinilig naman ako.



"KFC para tayong dalawa pa din ang bagay na bagay."sabi ko sa kanya pero nag-pout lang siya.



"Ano ba yan Basta MCDO."



"KFC."



"MCDO."



"KFC."



"MCDO."



"MCDO."



"KFC."



"Got ya! Hahaha so KFC na tayo."sabi ko sa kanya hindi kasi nakakabusog sa MCDO kapag lunch.



"Daya mo!!"sabi niya na may halong tampo.



"Mamayang meryenda na tayo sa MCDO Lunch ngayon eh."sabi ko sa kanya tapos nag-liwanag ang mukha niya.



"Sige na nga tara."Hinawakan ko kamay niya nang..



"G-gino?! Umiiyak k-ka b-ba?"tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya nang kunot noo.



"Hindi bakit?"sabi ko at ayun she stiffened di siya makahinga ng maayos, pawisan din siya at nanginginig..



"Ah.. Ah Jane may problema ka ba?"



"G----g-no."di siya makapagsalita nang biglang umulan ng malakas...



"Sh*t! Jane umuulan tara na! Saka wag kang umiyak."nag-aalalang sabi ko kay Jane nang biglang nahimatay siya kaya binuhat ko siya sa kotse at grabe ang pagpapawis ni Jane.



"I-inatake ka na naman ba?!"nag-aalalang sabi ko tapos hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung tuturukan ko ba siya ng syringe dahil baka inatake lang siya ng mag-ring ang phone ko at dagli kong sinagot iyon.



"Sh*t! Hello Luisa! Nag-Faint si Jane!"


"May Ombrophobia si Jane!!"


"ANO?! Ombrophobia ano yun?!"
 

"Oo!! May Ombrophobia si Jane!! Aish.. Mamaya na teka nasaan kayo?!"


"Sh*t!! N-nasa site pa kami.. Uhm papunta na kami diyaan sa resthouse niyo."


"NO!! Papunta na kami sa resthouse niyo kaya doon na lang sayang lakad namin."


"Sige."



At mabilis akong nag-drive sa Resthouse namin ni Jane at naabutan ko yung tatlong itlog basang-basa..



"Sh*t! Jane Tara pasok na tayo."sabi ni Luisa at ayun nagmadali kami.. binuksan ni Bianca yung payong at ako naman binuhat ko si Jane Bridal Style..




=======
=======


"Ombrophobia or Pulviophobia.. Fear of Rain."sambit ko after ipaliwanag sa akin ni Luisa ang Ombrophobia.



"Wala naman sa lahi namin ang may phobia sa ulan eh.."sabi ni Luisa.



"Eh ano sanhi?"Bianca.



"Nabanggit sa akin ni Kiko kung kailan kayo na-aksidente nun eh tapos iyon din yung araw na na-aksidente si Jane with her Family."sabi ni Ria tapos ayun napa-pitik siya..



"Di kaya connected?"Bianca kaya medyo naguguluhan talaga ako sa mga bagay-bagay...



"Or na-Trauma si Bebe Jane possible yun.. Umuulan nang malakas nung nangyari yung accident 6 years ago di ba Luisa?"bakit ang daming alam ng babaeng ito?



"Ah?! Ah.. Oo naalala ko umuulan noon."



"Di kiya Na-trauma siya sa Ulan kaya nagkaroon siya ng phobia?"sabi ni Ria sa amin tapos napatingin kami sa pinto kung saan nandoon si Jane.. Jane Fernandez ang dami kong nalalalaman tungkol sa iyo.

____________________________________

May pa-game ako! pero surprise muna dahil hahabulin ko yung Chapter na yun abangan niyo lagi sa A/N ko yun basta masaya yun at siyempre hindi lang yun basta pa-game okay?

Nga pala sa may Ombrophobia/Pulviophobia or sa mga may kakilala na may ganyan correct me if i am wrong about this nag-research lang kasi ako kay Pareng Google at Mareng Wikipedia eh i am REALLY open tungkol sa phobia na ito and i really need a lot of information regarding this phobia


~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon