Forever 37 (His and Her Side)

3.8K 61 7
                                    

Sherylle's POV





Kaasar naman eh sa lahat ng lalaki sa mundo sa isang baliw pa ako nagka-crush -_-



"Please Sherylle tulungan mo ko, Gusto kong mag-set up ng meeting kay Jane pero kailangan dagdagan mo ang schedule ni Gino."



"Tanga ka? Pinsan ko yun. Kaya nga ako nandito sa kompanya para pagbayaran yung kasalanan ko kapag nahuli ako ni Mommy lagot ako!"sabi ko sa kanya, Totoo naman eh nakakainis >.<



"Promise tutulungan kita sa Mommy mo."as if.. Nagger si Mommy buti natagalan ni Daddy.



"Kung kaya mo si Mommy."sabi ko sa kanya sabay inom ng Milk Tea ko siya naman eh naka-upo sa tapat ko.



"Ako pa! Kayang-kaya yan sa gwapo kong ito?"



"Bilib ka din sa sarili mo noh? Gwapo? Saan banda hindi ko makita."



"Nasa Dugo namin yun."



"Talaga nasa Dugo? Bakit hindi napunta sa mukha?"



"Tss.. Tulungan mo na ko."



"Close tayo? FC much ka."



"FC na kung FC para sa mahal mo gagawin mo yun."



"Mahal mo si Jane?"



"Oo sobra!"



"PBB TEENS?! Agad-agad?! Tss.."



"Seryoso nga Sherylle mahal ko si Jane."



"Mahal mo siya? Pakawalan mo masaya siya sa pinsan ko."



"Pakakawalan? Hindi ko kaya."



"Okay iyon lang mapapayo ko sa iyo gotta go!"sabi ko at nag-flash ng ngiti sa kanya asar na ko! Pasalamat siya Crush ko siya at hindi ko siya nasampolan..





-;-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-;-
Dominic's POV





That smile... Parang Anghel.. Teka ano ba yan Dominic bumalik ka nga sa katinuan mo Anghel? Demonya yun eh!



"Kailangan mo?"napalingon ako sa isang babae at lalaki.



"Tigilan mo na binabalak mo, Alam ko binabalak mo gusto mo silang paghiwalayin di ba?"



"Paki mo ba?! Sino ka ba pakielamero ka masyado eh!"



"Oo may paki ako kasi kaibigan ko sila, Mahal nila ang isa't-isa kaya pwede ba lubayan mo sila."



"Ayoko nagtiis ako kaya dapat sa akin siya mapunta pero sa isang iglap nawala yun dahil sa kanya!"



"Pwede ba please calm yourself, True Love waits at malay mo nasa tabi mo na yun kaya wag kang ganyan stop being a spoiled brat, Hindi kayo para sa isa't-isa."



"Sino ka para magsabi na hindi kami ang para sa isa't-isa?"



"Just Open your eyes wag kang magpaka-Obsessed sa kanya na darating sa punto na masasaktan mo siya, Kung mahal mo siya let him go."pagkasabi nung lalaki tumayo na siya.. Parang kami lang ni Sherylle kanina ah.. True Love waits? Let go..


Kami ba talaga ni Mikay ang para sa isa't-isa? Na-infatuate nga lang ba ako kay Jane dahil kamukha niya si Mikay?

___________________________________

Letting Go is easiest way than Moving on..  Sa gusto ng Dedication just message me at yung gusto ng Soft Copy PM okay PM Thank you ^_^

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon