Nag-aantay ang batang si Tammy sa kanyang Bestfriend na si Jason Casino nangako kasi ito na sabay silang mag-lulunch pero mukhang nakalimutan siya ng kanyang bestfriend dahil kasama ni Jason ang kanyang mga kaibigan.
Namumutla na si Tammy sa gutom, Absent ang kanyang pinsan na si Mikay sapagkat nagkasakit ito samantalang iniwan na siya nila Ella at Sofia dahil tumanggi siya sa alok nung dalawa na sumabay siya sa kanila dahil nga inaantay niya si Jason.
"Miss Loyzaga hindi ka pa mag-lulunch?"tanong nang kanilang adviser.
"Di pa po ma'am inaantay ko po kasi yung bestfriend ko eh."sagot ni Tammy sa guro.
"Ganoon? Sige alis na ko ikaw lang maiiwan dito sa room."sabi nang kanilang adviser at lumabas na.. naiwan siya sa loob, na nagmumukhang tanga.
Bigla naman pumasok ang magkapatid na Del Mundo na kakatapos lang mag-lunch.
"Uy Tammy nandyan ka pa?"sabi ni Jacob kay Tammy tumango lang si Tammy hindi kasi sila Close nung dalawa, Si Mikay ang Close nung dalawa.
"Kuya labas muna ko makikipag-laro ako kayna Joshua."sabi ni Jacob at lumabas na kaya silang dalawa na lang ang naiwan.
Naka-tunganga lang si Tammy sa Harap nang White Board nang Classroom nila.. Nagulat silang dalawa nang tumunog ang tiyan ni Tammy.
Natawa naman si Jao sa bandang likod kaya napatingin si Tammy at sinamaan siya ng tingin. May kinuha si Jao sa bag niya at lumapit kay Tammy.
"Oh kumain ka na kawawa naman yung mga alaga mo nag-wawala na."sabi ng batang Jao sa batang Tammy.
"Ayoko niyaan."tanggi ni Tammy, ChooChoo pie kasi ang inabot sa kanya baka kasi sumakit ang tiyan ni Tammy dahil hindi pa siya kumakain nang kanin.
"Bilis wag kang mag-alala safe ito, Ito kinakain ko kapag nauubusan na nang pagkain sa Cafetiria."sabi ni Jao sabay lapag nang ChooChoo Cake pie sa mesa ni Tammy napatingin naman si Tammy doon sa Cake pie kakarampot kung tutuusin pero gutom na siya kaya binuksan niya iyon at kinain matapos niyang kumain parang bitin pa siya nagulat siya nang nilapag ni Jao ang isang Plastic ng ChooChoo cakepie.
"Bitin di ba? Oh ito pa."sabi ni Jao tapos kumain silang dalawa nung Cake pie.. Mahilig kasi talaga si Jao dito, Madalas niyang dinadala ang malaking plastic nito sa kanyang bag.. kapag bored kasi siya pumupuslit siya at kumakain kahit na may lecture ang teacher.
"Sarap naman nito, Akala ko puchu-puchu lang iyon pala may lasa din."nakangiting sabi ni Tammy kay Jao ngumiti na lang si Jao kay Tammy kaya natawa si Tammy may chocolate pala ang gitnang ngipin nito at natawa silang dalawa.
Naging Close si Tammy at Jao dahil sa ChooChoo CakePie pero naging possessive si Jason sa bestfriend niya kaya minsan na lang mag-usap ang dalawa isama mo pa na aalis na sina Jao at Jacob dahil nagkaroon ng dilemma sa Kompanya nang Del Mundo.
Medyo nalungkot si Tammy pero sa huling sandali.. ChooChoo Cake pie for farewell goodbye ang iniwan ni Jao kay Tammy na hindi natanggap ni Tammy dahil nakuha ni Jason.
=======
=======
(2nd year College)
Rebound kung tutuusin.. Iyon ang title ni Jao sa sarili, Di niya alam kung mahal pa ni Tammy si Jason, Ang alam lang ni Jao masaya si Tammy kapag kasama siya.
Gusto niya ng sumuko pero Mahal niya talaga ito, Idagdag mo pa na kailangan siya ni Tammy sa tabi nito dahil nga sa nawawala si Mikay at kailangan niyang palakasin ang loob ni Tammy na hindi magawa ni Jason na Bestfriend ni Tammy.
Kinuha niya sa bulsa ang ChooChoo CakePie.
"Wow ChooChoo Cake pie!! Meron ka pa niyaan? Na-miss ko na iyan eh!"sabi ni Tammy na sumulpot at tumabi sa kanya.. MU sila pero di siya sure kung talagang may nararamdaman si Tammy sa kanya kasi nga hindi niya maiwasang isip na naaawa lang ata si Tammy sa kanya.
"Oh."sabi ni Jao sabay abot kay Tammy nang ChooChoo Cakepie hindi nawala ang Habbit ni Jao na magdala nun sa bag niya.
"Yey!! ChooChoo CakePie namiss ko ito yung huling kain ko nito nung magkasama tayong dalawa nung Grade 3 tayo."masayang sabi ni Tammy kay Jao medyo naguluhan naman si Jao naglagay kasi siya noon ng ChooChoo Pie sa Locker ni Tammy.
"Noo mo po."sabi ni Tammy at gamit ang hintuturo eh tinanggal niya sa pagka-kunot ang noo ni Jao.
"Bago ko umalis noon may iniwan ako sa Locker mo niyaan."sabi ni Jao kay Tammy kaya naman nagulat si Tammy.
"Ano?! Eh bakit wala akong nakita noon?!"medyo napasigaw si Tammy kaya napatingin ang mga students sa kanya.
"Ewan ko.. Basta iniwan ko sa Locker mo yun bago kami umalis."sabi ni Jao kay Tammy.
"Ah! Naalala ko na pinakuha ko kay Jason yung Books ko sa Locker that time baka siya yung kumain akala niya sa akin."medyo dissapointed na sabi ni Tammy.
"Wag ka na ngang malungkot diyaan! Para kang bata eh oh."inabutan pa siya ni Jao ng Cake Pie.
"Alam mo bitin talaga yung Dalawang Cake Pie lang dapat tatlo para sulit."sabi ni Tammy kay Jao.
"Sige Try mo lagyan ng Isa pa yang dalawa tignan mo hindi pantay ang packaging kaya sapat lang ang dalawa, Example sa isang relationship kapag may isang sumobra diba magulo? So Dapat Dalawa lang."paliwanag ni Jao kay Tammy na Double Meaning ata para kay Tammy.
"Haha paano napasok ang relationship sa ChooChoo CakePie?"matawa-tawang sabi ni Tammy.
"Ewan."sabi ni Jao at kumain ulit sila hanggang sa isang ChooChoo CakePie na lang ang natira.
"Geh Tam iyo na iyan."
"No Iyo na lang."
"Hati na lang tayo, Iyo yung Isa Akin yung pangalawa."sabi ni Jao kay Tammy.
"Alam mo Jao, Tama ka sakto ito para sa dalawang tao lang talaga."
"Tama para sa dalawang tao lang talaga."
"Alam mo Jao Para tayong ChooChoo CakePie."masayang sabi ni Tammy kay Jao kaya tumingin si Jao kay Tammy.
"Ha? Paano mo nasabi?"
"Sakto tayong dalawa."Oo si Tammy ang Bumanat hindi si Jao Kilig noh?
"Tammy.."alanganing sabi ni Jao, Tama na yung rebound siya at umaasa kesa mag-assume na gusto siya ni Tammy.
"Jao, Say it please."pagmamakaawa ni Tammy kay Jao gusto kasi ni Tammy na maging boyfriend na si Jao bakit? Simple Mahal niya na ito.
"Tammy?"naguguluhan kasi si Jao hindi niya alam kung anong gagawin niya.
"Nevermind Jao... Sige Thanks sa ChooChoo."nagsawa na din siguro si Tammy.. Bakit? Kasi sawa na siyang umasa at mag-hintay, TORPE iyon si Jao bukod sa Torpe, Manhid pa ito.
Hindi kasi nakikita ni Jao yung efforts at gesture ni Tammy para sa kanya naiisip kasi ni Jao na baka naaawa pa rin si Tammy sa kanya.
"Tammy."tawag ni Jao kay Tammy lumingon si Tammy medyo namumula ang mata nito.. Bakit? Naluluha na siya sa iniisip niya.
"Jao."yinakap ni Jao si Tammy akala na naman ni Jao si Jason ang iniiyakan ni Tammy, Siya na pala.
"Ang sakit eh!! Ang Manhid niya!!"sabi ni Tammy kay Jao habang umiiyak siya.
"Tammy, Shh.. Shh.. Let Him Go please nasasaktan ako sa iyo eh."sabi ni Jao kay Tammy tumingin si Tammy kay Jao.
"Matagal ko na siyang pinakawalan Jao, Matagal na."sabi ni Tammy.
"Ha? Eh sino yung iniiyakan mo? Wala ba talaga akong pag-asa Tammy?"gargal na boses ni Jao.
"Eh ang Manhid mo eh!! Mahal na kita Jao!! Mahal na Mahal."sabi ni Tammy pinunasan ni Jao yung luha sa mata ng kanyang mahal.
"Im sorry kung hindi ko yun napansin, Pero Mahal din kita."
"Tagal mo naman eh!"sabi ni Tammy at inayos ang sarili.
"Jao be my boyfriend!"sabi ni Tammy kaya nagulat si Jao dahil si Tammy talaga ang nagsabi nun.
"NO."sabi ni Jao kaya natigilan si Tammy, Buong University ang nakasaksi.
"Mali Tammy dapat ako ang gagawa niyaan.. Will you be my girlfriend?"
"YES!"sabi ni Tammy at yinakap si Jao at dahil doon nagtilian ang mga students na kinikilig, Babae at Binabae kinilig may hinimatay pa dahil nga Taken na ang Isang Jao Del Mundo yung ibang lalaki nagbunyi dahil wala na silang kaagaw sa kanilang babaeng Mahal samantalang ang iba eh nadismaya dahil Official ng Pagmamay-ari ni Jao si Tammy.
Habang yakap ni Tammy si Jao may nakapa siya sa bulsa ng Jacket nito.. ChooChoo CakePie may natira pa pala.
Natawa silang dalawa, Bakit? Kung hindi sila nagbigayan sa isang ChooChoo CakePie hindi nila maiisip ang mga bagay-bagay at hindi magiging sila...___________________________________________
Eto muna aalis kasi kami eh Outing for 2 Days kaya talagang mawawala ko pagbalik ko may Trailer na XD
~Cynthia
BINABASA MO ANG
Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]
Fanfiction"Always will not take longer and may fade away but Forever? It will make us stronger." Time will heal the wounds, The past may hunt them down but when two hearts are meant to be, No matter how long it takes, No matter how far they go, God will bring...