Forever 42 (Comatose)

4.2K 70 6
                                    

I am sorry for Late UD sana po maintindihan niyo ko na limit ako ngayon sa Computer dahil nga nasira ang laptop at baka Tomorrow pa malaman kung ayos na siya So eto muna..

__________________________________________

Gino's POV





After 6 years bumalik na naman ako sa Ospital na ito, Same room, Same things..



"Mommy!! Gising na si Kuya Gino!"sigaw ni Julia.. Yep parang nangyayari na naman yung dati pero sana naman nandito na si Mikay sa tabi ko.



"Salamat sa Diyos at nagising ka na Gino."sabi ni Mama.



"Ma Si Mikay?"nagulat naman sila.



"G-Gino? Naalala mo ba kami? Naalala mo ba si Jane?"tanong ni Papa sa akin.



"Oo naman si Jane si Mikay."sabi ko sa kanila at hindi pa rin sila makapaniwala.



"Paano?"tanong nila. Nginitian ko lang sila sabay tingin kay Julia..




*Flashback*


(The Break up Day)





Nanlulumo akong pumasok sa Bahay namin, Lumipat na kasi kami ng Bahay eh doon na kami sa Bahay ng Lola ko na Mama ni Papa.



"Hey Kuya, What's with the face?"salubong sa akin ni Julia sinalampak ko lang yung sarili ko sa Sofa sabay sabi ng..



"Break na kami ni Jane."



"Kuya you must know something."sabi sa akin ni Julia kaya tinignan ko siya.



"Pamilya ni Jane ang nagpa-"naputol si Julia kasi..



"HOY GINO!! Eto na yung pinambestiga mo sa akin yung tungkol kay Jane Fernandez, Magaling yung kinuha kong Private Imbestigator kaya sigurado ako KUMPLETO yan."sabi ni Sherylle at nilapag ang envelope sa akin na naka-seal pa.



"Thanks."sabi ko at umalis na siya, Ako naman dali kong binuksan yung envelope at ang mga nakita ng mata ko ay nagustuhan ko.. Bakit?



"Hindi kasama sa Family History si Jane Fernandez, Only Daughter lang si Janette Fernandez."wala sa loob kong nasabi.



"It means si Jane ay si Mikay."pagkasabi ko nun napaluhod si Julia, Ang Drama naman nito?



"Anong nangyari sa iyo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa."sabi ko sa kanya.



"K-Kuya I-i am sorry."sabi sa akin ni Julia tapos kumunot noo ko.



"I-I thought Pamilya ni Jane ang nagpadukot sa inyo ni Mikay tapos ako nagsabi sa kanya na mag-break kayo akala ko.. Akala ko."sabi niya na maluha-luha kaya yinakap ko siya.



"Shhh.. Wala kang kasalanan hindi mo alam. Don't worry hindi galit si Kuya, Ngayong alam na natin kung sino si Mikay pakakawalan ko pa ba siya?"



*End of Flashback*



Now isa lang ang kailangan kong alamin na saan si Jane..



"Ma, Na saan siya?"



"She's on the other room son."sabi ni Papa kaya tinanggal ko yung Dextrose ko at tumakbo sa kabilang kwarto nadatnan ko si Luisa at yung ibang kasama nila.



"Sh*t Mikay!!"sabi ko at nilapitan ko siya.



"M-Mikay?"gulat na tanong ni Luisa nang may dumating sa kwarto ni Mikay.



"Mrs. Fernan-"nagulat yung lalaki habang hawak ang isang brown envelope.



"Come in George."sabi ni Mrs. Fernandez at kinuha ang envelope kay George.



"Oh my God!"sabi niya kinuha naman ni Luisa yung papel at binasa nila.



"Oh my God nga!! S-Si Jane ay si Mikay?!"sabi ni Ria kaya napatingin ako kay Mrs.Fernandez.



"Kayong tatlo lumabas muna kayo may pag-uusapan kami ni Gino, George paki-tawagan si Mrs. Padilla."sabi ni Mrs. Fernandez at lumabas yung tatlo kasama nung George.



"Dahil ayokong mawalan ng tagapag-mana inako ko siya bilang apo ko, Isa lang ang apo ko si Janette Fernandez, nag-sinungaling ako sa kanya dahil gusto kong maging apo siya."tinignan ko si Mrs.Fernandez habang hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Mikay.



"Hindi ko na binother na hanapin ang pamilya niya dahil akala ko walang naghahanap sa kanya, After 6 years lumalabas ang katotohanan. Totoo nga ang kasabihan na walang lihim na nabubunyag, All i want is a love from a Granddaughter pero nawala sila sa aksidente."



"Nung nalaman ko na may pinadukot ang kakambal ko, 3 weeks had passed nung nag-invest ako sa Kompanya niyo at nalaman ko na kayo pala ang nagpabagsak sa kompanya nila eh pinaimbistigahan ko iyon at it turned out na ikaw nga, I invistigated further more kung sino talaga si Jane at kung sino ang kasama mo noon na si Mikay Padilla na si Jane pala."



"I am sorry Gino for all the things i've done at sa kapatid ko ako na ang humihingi ng tawad."



"Okay lang po yun, Ang mahalaga eh ligtas si Mikay sa kamay niyo."



"She was not assaulted."



"Ha?"gulat kong tanong.



"She was not assaulted muntikan lang."



"P-paano niyo po nalaman? Kita ng dalawang mata ko na na-rape siya."



"No she's not, Nasa custody ko ang lalaking iyon isinima ko siya sa imbestiga ni George and napag-alaman ko na isa pala siya sa Magsasaka ko sa Hacienda ko sa Batangas na ginamit ng Kakambal ko, Ngayon ano balak mo sa lalaking iyon?"



"Hindi ko po siya hahatulan, Batas na ang kailangang managot sa kanya."sabi ko at tinignan ko si Mikay, Comatosed siya.. Ako bugbog lang siya ito parang lantang gulay na hindi alam kung kailan magigising.. Biglang pumasok si Tita Kath kasama ni Tito DJ.



"I knew it, Si Jane si Mikay, Nag-doubt pa ko."sabi niya at nilapitan si Mikay.



"Maraming salamat po Mrs.Fernandez sa pag-alaga sa anak namin."sabi ni Tito DJ.



"No thank you kung hindi dahil sa inyo eh wala akong naging apo for past 6 years."Pumasok ang Doctor..



"Mr.Dela Rosa, You need to go back to your room hindi pa tapos ang examine namin sa katawan mo."sabi nung Doctor at hinatak ako ni Julia, Nakita ko pang pumasok ang barkada sa room ni Mikay bago ako pinapasok sa room ko.. Great -_-




=======
=======


"G-Gino im sorry."bungad sa akin ni Isabel, Ayos na ang katawan ko naka-recover na ko si Mikay na lang ang hindi.



"I forgave you pero kapag nagising si Mikay sana sa kanya ka mag-sorry."sabi ko sa kanya.



"Oo naman gagawin ko yun, Malaki ang kasalanan ko sa kanya, Nabulag ako ng pagmamahal ko sa iyo."



"Nandito lang ako para marinig mo na pinapatawad na kita sana paglabas mo dito eh nagbago ka na."



"Asahan niyo yun, Nga pala nagising na ba si Mikay?"tanong niya with guiltness.. Nginitian ko siya.



"Di pa, Comatose pa rin siya hanggang ngayon sabi ng Doctor nasa Vegetate Stage siya. 50-50 ang Chance na magigising siya dahil sa lakas ng pagkabangga sa kanya."



"Sorry Gino."sabi niya at inabutan ako ng panyo.



"No it's okay."sabi ko at pinunasan ang mukha ko, napaluha pala ako.



"Gino, Sorry talaga."



"Huwag mong sisihin ang sarili mo Isabel, Sige una na ko bibisitahin ko pa si Mikay."sabi ko at tumayo. Paglabas ko dumeretso na ko sa kotse ko para puntahan si Mikay..


Pagdating ko sa Ospital eh naabutan ko si Francis at Ella doon medyo lumalaki na rin ang tiyan ni Ella.



"Sa Dinami-dami ng pwedeng paglihian ni Ella kapatid ko pa talaga."sabi ni Francis siya kasi ang nakatokang magbantay kay Mikay eh, Nung nakaraan sina Bea since nasa Honeymoon pa sina Jao at Tammy na naudlot nung aksidente.



"Nga pala dumalaw dito si Grandma Helen binigyan niya ko ng fruits since alam niya na naglilihi na ko tapos nag-iwan din siya ng sulat sa iyo Gino."sabi ni Ella sa akin at inabot yung sulat.


Binuksan ko iyon..



=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Dear Gino,



 Sa Oras na mabasa mo ito nakasakay na kami ni Luisa palabas ng bansa. Hindi kami aalis because of Jane may aasikasuhin lang kaming importante kung sakaling magising si Jane ng hindi pa kami nakakabalik, Samahan mo siya sa puntod ng nakilala niyang magulang bilang Jane Fernandez at alam niya na ang gagawin.

Nasa Business Trip lang kami ni Luisa pero i hope na magising na si Jane it's very important, Im Counting on you Gino.. Maybe.


-Helen Fernandez


=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=


Binilin? Well antayin na lang natin na magising si Mikay, I really Miss her so much.

________________________________________

Magising kaya si Mikay? Gusto ko kasi ng Book 3 kaso tinamad ako eh Read niyo nga pala ang Epic Fail Mistress Hahaha sensya naman po nag-plug ako nang isa ko pang Story basta tignan niyo kung ayos yung prologue para malaman ko kung okay ba kasi kung hindi deleted na lang Click the External Links if ever po na interested kayo sa EFM =)

Balak ko po kasing iyon ang pagka-abalahan ko kapag natapos itong FIMH bukod sa BITB ^_^

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon