Forever 26 (Face your Fears)

4.3K 68 4
                                    

Jane's POV





Nagising ako sa tunog ng alarm clock.. Anong nangyari kahapon? Ah nahimatay ako kasi... er.. umulan.



"Ah Jane ayos ka na? Grabe nag-alala kami sa iyo nila Luisa."sabi ni Gino nang pumasok siya sa kwarto ko at may dalang Breakfast.



"Ah oo ayos lang ako thanks sa pag-alaga."



"Wala naman kami halos ginawa eh."



"Ha?"



"Wala sige kumain ka na may pupuntahan tayo para ma-relax ka."with that umalis na siya at ako linantakan ko na yung pagkain ko.. Saan kaya kami pupunta ni Gino? Mukhang madilim sa labas naka-sarado mga curtains eh.. After kong kumain eh tumayo ako at binuksan yung kurtina pero sana pala hindi ko na binuksan yun..



*splaash spriish taishh*


[A/n: -_- Sound effects daw nung ulan sensya walang pera eh]


Di ako makahinga ng maayos feeling ko nauulanan ako. Sinusubukan kong sumigaw pero wala eh, Walang lumalabas sa bibig ko para akong hinahabol ng Killer sa Slaughter High at University..



"G-g-NO!!!"Nakasigaw ako pero maririnig ba ni Gino yun sa lakas ng Ulan at soundproof ang room? Sumiksik ako sa sulok natatakot ako sa tunog! Bawat patak nung ulan sa labas ng bintana eh parang naririnig ko sila..


Pawisan na ko, Feeling ko nauuhaw ako, Nagpapapalpitate at nahihilo na ko di ko na alam ang gagawin ko yinakap ko lang nang mahigpit ang sarili ko habang naka-upo ako at yung feeling na namamanhid yung katawan ko sinubukan kong mag-focus sa ibang bagay pero wala nandoon pa din ang atensyon ko..



"M-Jane?!"sigaw ni Gino tapos nalaglag niya yung platito na di ko alam kung ano ang nandoon dahil nakayuko ako at nag-papanic na dito.


Nilapitan ako ni Gino at tinignan niya yung bintana sinarado niya iyon at may parang Screen na lumabas at umaraw alam ko portable lang yun.. Nanginginig pa din ako kaya yinakap niya ko nararamadaman ko na nag-aalala talaga siya sa akin inisip ko na wala ng ulan sa labas pero hindi eh wala pa din..



"Jane kaya mong ng magsalita?"Di ko napapansin yung ibang sinasabi niya kasi naka-focus nga ako sa labas eh..



"Wala nang Ulan Jane okay?"sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.



"Relax, Inhale Exhale."natutuwa ko dahil alam ni Gino yung mga bagay-bagay na alam ng Doctor ko. Niyakap niya lang ako until i felt na okay na ko..



"Saan ka natuto nito?"



"Ah.. Ano eh y-yung pinsan ko.. Tama yung pinsan ko Doctor yun."



"Tigilan mo ko Gino si Sherylle lang ang pinsan mo.. Only Child ang papa mo."magsisinungaling na nga lang epic fail pa.



"Psh.. Fine nag-research ako kanina tungkol sa Phobia mo."



"Pero sabi mo di ba may pupuntahan tayo? Eh umuulan sa labas eh."



"Jane can you face your fear?"tanong ni Gino, nag-frown tuloy ako.



"Ano ibig mong sabihin?"



"Jane face your fears.. Hindi habang buhay eh magtatago ka sa ulan, Hindi habang buhay matatakot ka dun.. Parang shower lang yun."sabi niya kaya lalo ko nag-frown. I've never tried to take a shower laging sa bathtub at jacuzzi lang ako feeling ko kasi ulan yun eh.



"H-hindi ako gumamit ng shower, Bathtub ang gamit ko lagi."mahiya-hiya kong sabi sa kanya.. Totoo naman kasi eh natatakot ako dun sa tunog nung shower parang umuulan lang.



"Jane may nabasa kong Article about sa Ombrophobia or Pulviophobia... May Possible na na-trauma ka noon, See hindi ka nahihirapang banggitin yung salitang ulan at kapag naririnig mo yun wala lang pero kapag nakita at naramdaman mo siya doon ka natatakot, Bakit? Kasi baka na-trauma ka lang."sabi niya kaya napayuko ako.. Na-trauma nga ba ako?



"Face your fears hindi habang buhay matatakot ka sa ulan."pagkasabi niya noon napatingin ako sa kanya.. Face my fears



"P-paano? Paano ko magagawa yun nang ganun-ganun na lang?"



"Ako nung bata ako takot ako sa dilim pero nung lumaki-laki na ko nawala na."



"Dati takot yung kapatid kong si Julia sa aso pero binilhan ko siya nang aso, Una nanginginig at nagsisigaw pa siya hindi siya OA kasi halata mo talaga ang pagkatakot niya pero i told her na walang masamang mangyayari."



"At sasabihin mo din sa akin na walang masamang mangyayari?"



"Exactly Jane Ulan lang yun sige nga nung hindi ka pa na-aaksidente kasama ang pamilya mo, Napasok mo ba sa utak mo na takot ba ko dati sa ulan?"Tama siya takot nga ba ko dati sa ulan?



"Your brain thinks your afraid kaya may reactions kung ready ka ng alisin ang takot mo lumabas ka nang kwarto mo."sabi ni Gino sa akin at umalis na ako naiwan dito sa sulok.. Iniisip ko pa lang kung anong mangyayari kung lalabas ako natatakot na ko eh..


Face your fears Jane.. Huminga ako ng malalim at lumabas ng kwarto ko nakita ko si Gino na ngumiti sa akin.



"Tara sa labas malakas ang ulan."sabi niya at tinignan ko yung Glass Window napalunok ako.. Nanginginig akong naglalakad papunta kay Gino tagaktak na rin ang pawis ko.



"Huwag kang matakot Jane nandito ko, Please Trust me on this."sabi niya nung hinawakan niya yung kamay ko at nag-nod ako...


Unti-unti kaming papalapit sa pinto feeling ko judgement day yun.. Until bumukas yung pinto at naramdaman ko ang breeze nung ulan.. talsik ng tubig at yung tunog nakakatakot.



"Ready?"



"R-ready!"nahihirapan kong sabi kaya hinatak niya ko dun at naramdaman ko yung mga tulo nung ulan nung Una natatakot ako pero ramdam ko ang init ng kamay ni Gino.. Alam ko na nanginginig ako pero tinry kong mawala yun medyo nahihilo na din ako at alam ko na pwede akong mahimatay dahil dun.



"Jane feel the rain, Enjoy it."rinig kong sigaw ni Gino napapikit ako nararamdaman ko kasing nahihilo na ko eh at babagsak na pero nagulat ako nung yakapin niya ko..



"Bakit basa ka?? Anong nangyari sa iyo?"

"W-wala."

"Uy, Umiiyak ka ba? bakit ka humihikbi?"

"A-ako?? H-humihikbi? Di noh !! Haha m-may sinok lang ako."

"Bakit ka umiyak? Okay ka lang ba?"

"O-okay lang ako, Saka di ako umiyak, Nagpapawis lang yung mata ko."



"Nandito lang ako Jane hindi na kita iiwan."napadilat ako habang yakap ako ni Gino i feel warm and secure..



"G-Gino."



"Hmm."



"Thank you."sabi ko at yinakap ko siya kasabay ng pagramdam ko na masaya ang Ulan na wala akong dapat na ikatakot dun...





=======
=======


Pumasok na kami ni Gino sa loob nang bahay narinig ko kasing bumahing eh, Wet kaming dalawa pareho..



"Uhm Jane maligo ka na at mag-palit ng damit mamaya magkasakit ka pa."



"Ikaw din baka magkasakit ka."sabi ko at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung towel ko at pumasok sa CR, Nakuha ng Atensyon ko yung Shower alam ko na medyo delikado ito dahil wala si Gino pero pinihit ko yun tulad nung naramdaman ko kanina nung hindi pa ko niyayakap ni Gino pero inalala ko yung ginawa niya at sinubukan kong isipin na yakap niya ko habang nararamdaman ko yung agos nung tubig mula sa Shower..


Napadilat ako.. Isip ko lang siguro ang nagsasabi na takot ako sa ulan siguro may nangyari noon na may kinalaman sa ulan.. Hindi kaya na-aksidente kami dahil sa ulan kaya parang natakot ako dun?


After magbabad sa Shower eh.. Naligo ako at siyempre bathtub na uunti-untiin ko yung pag-gamit ng Shower para di na ko matakot sa ulan...


Matapos maligo eh nag-tuwalya na ko tinapis ko lang sa akin iyon kasi nga nasa labas yung damit ko.. papalapit na ko sa cabinet ng bumukas yung pinto..



"Jane tapo-- Ay Sorry!"sabi niya at mabilis sinarado yung pinto.. Sino pa ba kasama ko dito?! Shet nakakahiya yun kaya madali akong nag-damit at nagsuklay tapos lumabas na ko.



"S-sorry Jane d-d-di ko sinasadya."mauutal na sabi ni Gino.



"Di okay lang yun di mo naman kasalanan eh."sabi ko at umupo sa Couch pumuntang kusina si Gino at inabutan ako ng Hot Choco at pinatungan ako ng blanket.



"Relaxing naman 'to."sabi ko habang himihigop nang Hot Choco.



"Takot ka pa sa Ulan?"



"Di ko alam."sabi ko at ngumiti lang siya habang humihigop nung Hot Choco niya.



"Uhm Gino.. Uuwi na tayo bukas di ba?"sabi ko sa kanya.



"Oo bakit gusto mo pang mag-extend?"



"Hindi naman gusto ko sanang maglibot kaso umuulan eh saka anong oras tayo uuwi?"



"Di bali babalik pa tayo dito, Mga after lunch tayo aalis."sabi niya kaya tumango na lang ako.



"Ay nga pala Jane."sabi niya kaya napatingin ako.



"Bukas nang 6am aalis tayo."



"Ha? Saan tayo pupunta?"



"Secret... Basta."



"Sige."Kung wala si Gino sa tabi ko, Ano kayang mangyayari sa akin?

___________________________________

Kung wala si Gino sa tabi ni Jane este ni Mikay Haha iyan Conformation na iyan.. Ano kayang nangyari?

Nga pala may Pa-Game ako di ba? Prize? Followback FIRST COME FIRST SERVE yun sino mauna siya ang i-fofollow back ko dito sa Watty at kung may Twitter BOTH Hahaha okay lang kahit walang sumali Trip ko lang naman lagyan eh para may Thrill Joke basta ISA lang po ang i-fofollowback ko sa game na yun.. For more Details Please visit my page (External Links) Pa-like na din po haha sa gusto kung ayaw? Okay lang =)

~Cynthia

Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon