Eto na ang mahiwagang UD XD Nga pala Dedicated to her a CynMickers from FB ^_^
_______________________________________
"We're sorry Ja-este Mikay pala Haha, Di kami makakapunta sa kasal niyo kasi may Out reach program kami sa Cabanatuan para sa nasalanta ni Bagyong Kendeng."sabi ni Paul sa amin ni Gino.
"Oo nga eh kailangan kong samahan si Paul doon."pahabol pa ni Isabel.
"It's okay."sabi ni Gino sa kanilang dalawa.
"Best Wishes na lang."sabi ni Isabel sa amin tapos ngitian ko siya sabay..
"Thank you."sabi ko pero nagulat ako sa sinabi niya.
"Kapag nagka-anak kayo Ninang ako."sabi niya kaya natawa ako dun grabe wala pa ngang kasal anak agad.
"Sige hindi kita makakalimutan ilagay, Naku wag mong tataguan ah."sabi ko sa kanya na matawatawa tapos tumawa din siya.
"Hindi ko tataguan ang inaanak ko."sabi niya kaya lalo kaming humalagpak ng tawa.
"Oy tama na yan! Aasikasuhin pa natin yung Venue."sigaw ni Ria sa amin.
"Okay, Sige Paul at Isabel una na kami."sabi ko tapos inalalayan ako ni Gino pumasok sa Van.
"Ano gusto niyong Motif?"tanong ni Tammy.
"White."sagot ko.
"Yellow and Black."sagot naman ni Gino.
"Ha? Ang gulo!"sabi naman ni Bianca.
"White." "Yellow and Black."sabay naming sabi ni Gino, Nagtitigan kami.
"OY! Staring Contest? Sabi na eh hindi tayo matatapos sa titigan niyo."sabi ni Jao sa amin.
"Buti pa White na lang ang color ng motif then yellow and black naman ang sa cake."sabi naman ni Bea.
"Good Idea Bea."sabi ni Sofia tapos si Ella busy sa pag-papatulog kay Baby France.
"Ako pa!"sabi ni Bea tapos pinapadede si Baby Vince sa bote, akala niyo breast feeding? Haha Patola!
"Black and White ang Code."sabi ni Gino kaya naman napa-kunot kaming lahat.
"Di kaya magmukhang Chess tayo dun?"tanong ni Jacob.
"Basta Black and White."
"Kdot."sagot ni Tammy at sinulat niya.
"Guest?"tanong ni Ria.
"Uhm Family and Close Friends lang ayoko nang madami."sabi ni Gino.
"Tama."ako.
"Ninang sa kasal?"Tammy.
"Yung Close friends ko na lang sa States saka kayo."ako.
"Okay."sabi ni Tammy at nagsulat.
"Ninong?"biglang singit ni Francis.
"Kami siyempre!"sabi ni Jao tapos sinulat ni Tammy.
"Kdot."sagot naman niya sa asawa. Buong Biyahe ang ingay, Tanong dito, sagot doon.. Kapagod.
=======
=======
"Naalala ko tuloy ang kasal namin ng Mommy mo nun, Akala ko mawawala na siya."sabi ni Daddy habang pinagmamasdan nila ko na kakatapos lang make-upan at isuot yung Wedding Gown ko.
"Eh kasi naman eh obsessed much sa iyo si Lexi."sagot ni Mommy tapos yinakap nila ko.
"Ang tagal mo nawala sa amin, Ngayon magkaka-pamilya ka na nang sarili mo, Ingatan mo ang pamilya mo ah."sabi sa akin ni Mommy she hug me tight so do i.
"Mommy kahit na nawala ako sa tingin ko naman po pinaglalapit tayo ng tadhana di ba?"
"Tama, Be a good wife, a good mother and a good girl."sabi ni Mommy sa akin.
"I will Mommy."sabi ko at yinakap ko ulit siya.
"OPS! Walang iiyak sayang ang make-up."sabay na sabi ni Tammy at Tita Julia, Mag-ina nga talaga kaya imbes na umiyak kami eh tumawa kami.
"Tara na, Tammy at Sofia sabayan niyo pinsan niyo sa Sasakyan."sabi ni Tita Yen tapos sumabay sa akin yung dalawa, On the way na kami sa Parish Church.
"Excited na ko Grabe ako na lang hindi kinakasal eh."sabi ni Sofia.
"Di ka pa rin tinatanong ni Kiko?"tanong ko.
"Yun nga eh! Hindi pa!! Nakakaasar.."sabi niya kaya tumawa kami ni Tammy kasi nag-pout si Sofia.
After a long way nakarating din kami. A very special moment para sa akin, Sa amin ni Gino The Start of Forever i guess.
"Mikay sabihin mo lang sa amin na uurong ka itatakas ka namin kay Gino."sabi ni Ria kaya siniko siya ni Bianca, Alam na nila kasama nga sila ni Luisa nun eh.
"Princess."sabi sa akin ni Daddy at inalalayan ako.. Nagsimula na. Feeling ko ang bagal ng oras, Dahan-Dahan ang paligid..
"Kinakabahan ka? Ako din anak."nalingon ko si Daddy.
"Alam mo ba nung kinasal si Ella at Tammy pinagmasdan ko ang mga Papa nila, Si Tito EJ at Tito Diego mo. Tinanong ko sa sarili ko kung nandito kaya ang anak ko mailalakad ko din kaya siya sa altar?"tinignan ko si Daddy at ngumiti sa kanya.
"Alam mo ba anak ito yung hiniling ko na sana mai-lakad ko din ang anak kong babae sa altar tignan mo nailakad kita."naiiyak si Daddy ngayon ko lang siyang nakitang ganito.
"Daddy Thank you dahil hindi kayo sumuko sa akin sa loob ng Dalawang Taon."sabi ko habang naglalakad kami.
"I must thank Gino dahil susuko na kaming lahat alam mo ba yun? Ipapatanggal na namin ang Machine na nagbibigay sa iyo ng buhay noon pero he insist na magigising ka in the right time."napatingin ako kay Gino na nag-aabang sa may dulo.
At Ngumiti ako ng pagkalaki-laki alam ko any minute now tutulo na ang tears of joy ko, Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng pamilyang nagmamahal sa akin at ng lalaking handang mag-antay sa akin hindi Always.. Forever
Hanggang sa nakarating kami sa Aisle kung saan nag-aantay ang mapapangasawa ko.
"Naku Ate Mikay sigurado ka na ba? Batugan si Kuya."sabi sa akin ni Julia kaya nakatanggap si Julia ng batok galing kay Gino.
"Brutal pa!"kinuha ko na yung kamay ni Gino at naglakad na kami papuntang altar.
"Today we witness this Holy matrimony of these two lovers."
"The Holy Bible symbols that God witness this day and for this day onwards."
"Mikaela Chandria Padilla do you take Gerald Antonio Dela Rosa as your lawfuly wedded husband in sickness and health, in richer and poorer, in better or for worst?"
"I do."
"Gerald Antonio Dela Rosa do you take Mikaela Chandria Padilla as your lawfuly wedded wife in sickness and health, in richer and poorer, in better or for worst?"
"I do."
"This ring symbols your love for each other, Ladies and Gentlemen may i now pronounce you Husband and Wife."
"You may now kiss the bride."
=======
=======
"Hindi naman atat kanina si Gino sa you may now kiss the bride noh?"asar ni Jao kay Gino nandito kami ngayon sa reception area.
"Hi Jane."bati sa akin ng mga beautiful ladies na friends ko sa States nung Jane Fernandez pa ako, Mga Filipinos din sila.
"Pumunta kayo kanina sa Parish?"tanong ko sa kanila.
"Haha Oo naman medyo na-late pa nga kami dahil dito sa Uhm! Lintek na babaeng ito."sabi ni ChaCha na ang tinutokoy ay si Thryna.
"Always late Thryna?"sabi ko sa kanya.
"Hindi naman Jane eh, Nga pala pakilala mo kami sa asawa mo!"sabi sa akin ni Thryna kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang landi lang Thryna?"sabi ko sa kanya grabe pati asawa ko kursunada niya huh!
"Wag kayo mag-away kakasal lang ni Jane este ni Mikay pala Haha! Basta biruin mo kung sino pa yung hindi natin aakalain na mag-aasawa eh siya pa yung mag-aasawa ngayon di ba?"sabi naman ni Marielle.
"IKR girl Tama! and Mikay Tama ako sa sinabi ko sa iyo noon."pagmamalaki ni ChaCha.. Childish talaga kahit kailan (_ _)
"Mi friends mo nga sila."bulong sa akin ni Gino tumingin naman ako sa kanya ng naka-kunot ang noo.
"Ha?"tanong ko.
"Parehas kayong maingay."natatawa niyang sabi.
"Ewan ko sa iyo!"sabi ko kay Gino, Aba inuumpisahan niya ko.
"Grabe Jane swerte mo sa asawa mo, Biruin mo ang cute tumawa! Full Package."sabi naman ni Jones.. Babae siya okay Babae yan weird lang ang name.
"Ano tatayo lang tayo hindi niyo ko papaupuin? Grabe kayo huh bahala kayo diyaan magka-Atritis!"sabi ni Nicole Always masungit talaga yan.. kapag may PMS!
"Ewan ko sa inyo!"sabi ko sa kanila tapos umupo muna kami at nag-kwentuhan kung paano kami nagkakilala noon sa States. Natatawa ako those Memories eto kami ngayon ang iingay! XD
"Gravy lang alam mo yung pinaka-weird yung Make Over ni Jane Fernandez kay Thryna DelValle weird right?"sabi ni Jones matawa-tawa lang ako oo nga ang weird eh dati pero ngayon naintindihan ko na kung bakit napalapit yung loob ko kay Thryna dahil parehas pala kami dati..
"Yah! Naalala ko pa nung sobrang daming nambubully sa akin tapos Batgirl lang ang peg mo nun Jane Haha Grabe ang dami ng nagbago katulad ko MAGANDA pala!"sabi ni Thryna sabay flip ng hair niya.
"Oh Maganda? Na saan bakit hindi ko makita?"sabi ni Marielle medyo natawa naman kami ni ChaCha.
"Nga pala told ya! Sabi ko naman kasi sa iyo Jane ikaw si Mikay Ahahaha remember?"sabi ni ChaCha tinasan ko siya ng kilay.
"O-Oy! Makakalimutin ka nga! Naalala mo yung sinabi ko sa iyo noon sa States? Nung nagkita tayo doon di ba? Akala ko ikaw si Mikay?"sabi ni ChaCha sa kin at ang laki pa ng ngiti.
"Ah Oo naalala ko na! Ikaw yung unang nag-akala na ako si Mikay kaso tumanggi ako."sabi ko na napa-pokerface kasi naman parang bata si ChaCha.
"Haha Told ya! Naalala mo yung kwento ko sa iyo noon? Ako ang kumuha ng Barbie mo noon sa Playground dati."matawa-tawang sabi ni ChaCha habang kami naman eto naka-pokerface sa kanya.
"Oo ikaw pa nga naglapit sa amin ni Gino eh.. Dahil sa iyo kaya kami naging magkaaway nung 2nd year."sabi ko tapos bigla naman nabuhayan etong mga babaeng ito.
"Ha? Ano Connect ni ChaCha sa inyo ni Gino?"tanong ni Nicole sa akin.
"Oo nga naman Ano Connect ni ChaCha? Eh di ba sa St.Loraine University ka nag-aral noon ChaCha How Come na napaglapit mo sina Mikay at Gino eh Dela Rosa University sila."sabi naman ni Marielle, Si Thryna naman nag-aantay lang ng sagot naka-pokerface din kasi nga naunahan ni Marielle XD
"Sa Mall."sabay naming sabi ni ChaCha.
"Ano ba nangyari?"naka-pout na sabi ni Thryna.
"Ahahaha Oh Well Papel! Kasi Isa na lang ang Limited Edition na T-Shirt sa Batman Store namin kaso reregaluhan ko yung pinsan ko Optional naman eh kahit na hindi daw Batman T-Shirt basta Batman eh mahahawakan ko na yung T-shirt Pfft.. Haha nagkasabay kaming tatlo sa pagkuha kaso sila dalawa yung nasabay eh hindi muna ko nangielam kaso ang ingay kaya ako humugot ng T-Shirt Ahahahaha natatawa ako nun sa reaction nila bwahahaha."matawa-tawang sabi ni ChaCha.. Oh Store pala nila yun?! Ang Adik niya huh!
"Eh eto mas malala dahil sa kalibugan ni Jones kaya nagkakilala sila ni Jane!"matawa-tawang sabi ni Thryna.
"Ahahaha yun ba yun? Silipin ang Gitna.. Amuyin ang Hiwa.. Dilaan ang Gitna.. Paglabas ng puti.. Dilaan mong muli? HAHAHAHA."sabi ni Jones kaya pinagtinginan tuloy siya.
"Haha Oo yun nga! Oreo lang pala!"matawa-tawang sabi ni Thryna kay Jones.
"Eh ang pagsabog ng Kamalditahan sa States noon?"masayang sabi ni Marielle.
"Ay naku! Ang pagmamaldita ni Nicole at Jane na.. Forever21?"sabi ni ChaCha at umiling.
"Yun nga ang pinaka-masaya eh di ba? Yung "Kapal naman ng mukha mong dumihan ang damit ko! Forever 21 pa! Dapat kung dudumihan mo mamahaling kape naman." ni Nicole at "Ay Sorry akala ko UK lang sensya na.. Coffeemate kasi eh." naman ni Jane Anlayooo."sabi ni Jones.
"Wag kayong magtaka! Dahil kung hindi kami nag-away nun wala ako sa harapan niyo mga eksaherada ito!"sabi ni Nicole at umirap.
"Pero ang pinaka-excited eh dahil lang sa TBYD na Book eh nagkakilala tayo di ba Jane."sabi ni Marielle.
"Oo naman adik pa ko kay TOP nun pero ngayon mukhang ikaw na lang."sabi ko tapos nag-pout ang bruha.
"Mukha kang Osong Ngumuso Marielle."sabi ni Thryna bumabawi huh!
"Oh talaga? Kwento mo sa Maganda."sabi ni Marielle hindi nakapalag si Thryna natatawa ako.
"Mikay, Mag-sasayaw na kayo ni Gino sa harap nandyan na si Mommy Min at Mama Karla."bulong sa akin ni Tammy tapos tumayo na ko.
"Sige girls una muna ko, Enjoy this night."sabi ko at pumunta na kung saan naroroon si Gino na naiinis sa P5 oo Lima sila.
"Grabe Babe Jane sure ka bang ito si Gino? Bwahaha si Boy Poker."sabi ni Kats tapos tumawa sila.. kasama si Gino baliw.
"Mikay sure ka din ba na kaibigan mo 'tong si Boy Labo?"sabi ni Gino kay Kats tapos tumawa sila except kay Kats na inaayos yung salamin niya.
"Atleast Cute."sabi ni Kats na namumula, Si Ria lang kasi ang tumatawag sa kanya na Labs na Labo pala ang meaning XD pero nakatingin sa gawi ng Beautiful Ladies at TAKE NOTE kay ChaCha pa! Parang may something sila...[A/N: BITB Readers will gets this XD]
"Nga pala Jane si Patch nga pala, Patch si Jane."pakilala ni Lester sa babaeng maganda na kasing ganda ko.
"Hello, I am Patricia Espinosa pero Patch na lang ganda mo naman magkasing ganda tayo, Nagmeet na tayo sa Resort niyo noon."sabi niya sa akin.
"Hoy Patchot! Wag ka nga kaya lumalaki ulo mo eh."sabi nung Ivan tapos tinaasan lang siya ng kilay nung Patch or Patchot amp!! >.< Bwahahahaha nagpipigil ako ng tawa dun.
"Tara Mikay Sayaw tayo."aya sa akin ni Gino sa Gitna ng Dance floor at nag-sayaw na kami..
"Ilang anak gusto mo?"tanong niya sa akin pero siyempre sapat lang yun na kami yung makakarinig.
"Dalawa?"halos patanong kong sabi.
"Dalawa lang? Gusto ko Kumpleto ang Varsity Team, May Basketball Player, May Baseball Player, May Football player at siyempre babae Cheer-"binatukan ko nga!
"Hindi naman sporty ang anak natin eh noh? Ano 74?!"
"Kung yun yung gusto-Aray!"binatukan ko nga.
"Gusto ko Dalawa lang ang anak natin para hindi tayo mahirapan pero ikaw."pagkasabi ko nun bigla ko tinakpan ang bibig ko napa-smirk naman siya.
"Okay humanda ka sa akin mamaya."pagkasabi ko nun i give him a death glare. Grabe nakakakasar kasi medyo kinakabahan ako...
________________________________________
@LazyCrazyMe as ChaCha (The Agaw Barbie and Akala Tumpak Girl)
@AkooCiiKyuuut as Thryna (The Late Nerd turn to Late Pretty Girl)
@HeyGuysItsBILLY0 as Jones (The Happy-Go-Lucky Senyora)
@AgentPink18 as Nicole (The Maldita Girl ...kapag may PMS)
@BlueSanta as Marielle (The Crazy Girl)Wag niyong pansinin yung name sa side name XD Kaloka ako na Mismo naghanap.. Thanks sa Sumali XD
~Cynthia
BINABASA MO ANG
Forever In My Heart (Book 2 of YAIMH) [FIN]
Fanfiction"Always will not take longer and may fade away but Forever? It will make us stronger." Time will heal the wounds, The past may hunt them down but when two hearts are meant to be, No matter how long it takes, No matter how far they go, God will bring...